Kabanata 42

1.6K 55 7
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 42 *

×××××

Tumikhim si Trevor habang nakatingin sa burol nang mga tiyuhin at tiyahin sa Aruello Church sa Quezon ..

Agad napakuyom nang kamao ang binata at pinilit na hindi umiyak ngunit huli na dahil tumulo na ang luha sa kanyang mga mata ,

" Mr.Fajardo! " wika ni Jose sa binata na nakikiramay rin sa sinapit nang kanyang pamilya, agad na pinunasan ni Trevor ang kanyang mga luha ..

" Condolences, Naiintindihan namin kung hindi kapa handang makipag usap tungkol sa mga nalalaman --" agad na naputol ang mga sinasabi ni Jose nang biglang humarap sa Trevor s akanya at umiling,

" No , wala akong balak na mag tagal rito , kailangan kong umuwi as soon as possible dahil kailangan ako nang pamilya ko , sasabihin ko na sa inyo lahat nang nalalaman ko ..." determinadong wika nito , napatango si Jose rito ..

" Maari ko bang malaman kung saan at paano mo nakuha ang mga impormasyong sasabihin mo saamin ?" Tanong naman ni Roe sa tabi nito .. tumango si Trevor rito ,

" Nalaman ko ito .. because of my dad Jose Luisito Fajardo o kilala bilang JL , isa siya sa mga saksi noong nabubuhay pa siya sa totoong nangyari sa pamilya namin .. " wika nito at tumango na lamang ang dalawang detective at inimbitahan na ang lalaki sa presinto at doon ay sinabi lahat ni Trevor ang kanyang nalalaman ..

××××

" BAKIT HINDI ??? MAHAL KO SIYA !" Sigaw niya sa Ama at Ina , isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa ama na halos ikagulat nang kanyang Ina ..

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo Keishan ??? Mahal mo ang sarili mong pinsan? Nahihibang kana ba ? Magkadugo kayong dalawa !! Hindi kita pinalaking walang pinag aralan Keishan !" Sigaw ni Lexann sa anak at halos atakihin na ito sa puso dahil sa ginawang gulo ni Keishan ,

Nagtapat ito kay Cyrene sa harapan nang buong pamilya nila na halos ikagulat nang lahat ..

Napakuyom nang kamao si Keishan at hindi nilingon ang mga magulang , naglakad ito palabas nang opisina nang kanyang ama pero nagpakawala pa ito nang huling salita,

" SANA HINDI KO NALANG KAYO NAGING MAGULANG !! SANA HINDI KO NALANG SIYA NAGING PINSAN !!" Nanggagalaiting sigaw ni Keishan at saka naglakad palabas nang opisina.

Agad naman natumba si Kei na agad ding sinalo ni Lexann ..

Habang nang papalabas na si Keishan ay agad itong napahinto nang makita ang kanyang kapatid na babae na nakayuko lamang sa gilid nang pinto,

Hindi iyon pinansin ni Keishan at umalis na sa naturang kwarto at umalis rin nang bahay ,

Habang si Keila naman ay naiwan sa labas nang opisina nang kanyang ama ,

" Jusko ang anak natin !" Naiiyak na wika ni Kei na rinig na rinig ni Keila,

" Hayaan mo na , makabubuti siguro kung ipadala natin sila ni Keila sa New York , alam kong makakalimot rin si Keishan !" Wika ni Lexann dahilan para mapakuyom nang kamao si Keila , napakagat rin ito sa labi sa sobrang galit ,

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now