Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )* Kabanata 15 *
By : LouieJean××××××
" Babe .." agad napadilat nang mata ang dalagang si Cyrene at saktong pagdilat ay muka agad ni Eren ang sumalubong sa kanya ,
Bakas sa muka nito ang lubos na pag aalala , ganun nalang ang pagtataka nang dalaga sa kung anong nangyari sa kanya ,
" A-anong -" akmang tatayo ito nang sumakit ang kanyang balikat kaya napabalik ito sa pagkakahiga sa sofa , agad napahawak ang dalaga sa sarili at ganun nalang ang gulat niya nang pawis na pawis siya samantalang naka aircon naman ang buong kwarto ,
" Mainit ka ! Ano bang ginawa mo kagabi at nagkasakit ka?" Nag aalalang tanong nito, napatitig ang dalaga sa binata at inalala ang ginawa niya kagabi , ganun nalang ang panlalaki nang mata niya nang maalala ang kaibigan at ang anino na may sungay ..
" Si Besty ?" Agad na wika nito , lumingon naman si Eren sa likod kung saan andoon ang kama nang kaibigan , napatingin rin si Cyrene doon at halos manliit ang mata nito nang makitang nakahiga parin ang kaibigan at walang malay ,
" Hindi parin siya nagkakamalay , mabuti pa uminom kana nang gamot , mamayang hapon tayo aalis " wika nito at saka siya binigyan nang kumot , umiling ang dalaga ..
" kagabi !! Anong oras ka dumating? " agad na wika niya , naalala niyang dumating si Eren kagabi ,nagising siya nang alas tres nang madaling araw ,
Nilapag naman ni Eren ang mga plastic bag nang pagkain , at saka muling nilingon ang babae ..
" kararating ko lang .. at ayan naabutan kitang may sakit , sa susunod naman babe mag iingat ka!" Wika nito na ikinapagtaka lang ni Cyrene ..
" h-hindi kaba .. dumating dito nang alas tres nang madaling araw ?" Muling tanong niya , humarap ang binata sa kanya na may halong pagtataka ang muka ..
" tulog pako nun , ala singko na nang bumangon ako para makapamili nang mga pagkain sa town , at ito kararating kolang ala syete .. hindi ako pumunta dito .. bakit ?" Agad itong umupo sa tabi nang kasintahan at inakay ang likuran nito ..
" anong nangyari? " nag aalalang tanong nito sa kanya , agad naman nanikip ang dibdib nang dalaga ..
Nanaginip lang ba ako kagabi ? Hindi ba totoong nakita ko si Heart na may malay na ? Yung babaeng anino na may mga pulang mata ? Panaginip lang ba iyon ??
" w-wala , nanaginip lang ata ako kagabi !" Wika niya dito at pilit na ngumiti , tumango lang si Eren rito ..
" bibili ako nang gamot sa pharmacy ? Dito kalang ok ?" Wika nito sa kanya kaya naman agad na tumango ang dalaga rito , agad namang lumabas ang binata sa kwarto kaya naman napatingin muli ang dalaga sa kaibigang nakapikit parin ,
Panaginip nga lang siguro iyon ..
Kumbinsi niya at ininda ang sakit nang kanyang balikat , agad naman hinilot iyon nang dalaga , parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa kanyang balikat sa sobrang sakit nito ,
Kahit naman may sakit ay hindi siya ang tipo na mag hihimlay lang sa kama at magpapahinga ,mas mabuting igalaw galaw ito para mabilis na mawala ..
![](https://img.wattpad.com/cover/67049247-288-k319650.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )
HorrorNote : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...