Kabanata 29

1.4K 57 7
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 29 *
By : LouieJean

× × × × × ×

Nanlalaki ang mata ni Jose at agad niyang nabitawan ang kamisitang hawak .. hindi ito nakagalaw sa nalaman niya tungkol kay Ara ..

Si Ara naman ay nanatiling nakatingin sa detective,

" T-Totoo .." hindi parin makapaniwalang wika nito .. tumango muli si Ara at ininom ang kanyang tea ..

*Kring *Kring

Agad napalingon ang dalaga sa bulsa nang Detective sa biglaang pagtunog nang telepono nito ..

" answer it " wika niya sa lalaki .. tumikhim si Jose at saka hinugot ang Cellphone sa kanyang bulsa ..

Lumitaw ang pangalan ni Roe doon kaya naman agad niyang itong sinagot ..

" Roe , wala akong --"

" Detective, n-nahanap ko na ang Rest House na pinapahanap mo .. p-pero hindi lang iyon ang nahanap ko " nag salubong ang kilay nang Detective sa nangangambang boses nang binata sa kabilang linya .. takot na takot ito ..

" a-anong nahanap mo ?" Alanganing tanong niya rito,

" A-Ang ... b-bangkay n-nila ... ---

×××××

Nagpapalit palit ang tingin ang binatang si Roe sa papel na hawak at sa bahay na nasa harapan ...

Tumikhim ito at tumingin sa paligid ..

Wala naman nang ibang bahay dito kundi itong lumang Rest House sa harapan ko. .

Wika niya sa sarili at saka pinasok na sa bulsa ang papel na hawak .. inayos nito ang leather jacket na suot at tsaka naglakad patungo sa pintuan nang nasabing Rest House , akmang kakatok na ito roon nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran .

" Anong ginagawa mo dito ?" Nanlaki ang mata ni Roe at agad napahawak sa kanyang dibdib at nilingon ang nagsalita .. ang bilis nang kabog nang dibdib nito sa gulat ..

Nang makita ang tao ay agad napabuga ang binata nang hangin at umikot ang mata sa ere ..

" Jesus Christ !! Saan ka nanaman galing ? Bigla bigla ka sumusulpot sa kawalan !!" Inis na wika niya sa dalagang nasa harapan, nakatayo iyon sa harapan niya at nakalagay ang dalawang kamay sa likod ,

Ngumiti lang ito sa kanya kaya naman tinignan munang mabuti ni Roe ang dalaga. .

Naka Puti itong dress at nakalugay ang mahabang buhok .. kumunot ang kanyang noo nang makitang may konting tuldok nang pulang mantsa ang laylayan nang suot nitong dress ..

Ano yan style ? Or .. blood ?

" anong ginagawa mo dito ?" Muling tanong nang dalaga sa kanya nang mapansing nakatitig iyon sa laylayan nang kanyang bistida .. humigpit ang hawak nang dalaga sa bagay na nasa likod niya at tinignang mabuti ang lalaki ..

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now