Kabanata 32

1.4K 62 8
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 32 *
By : LouieJean

× × × × ×

Desperadong pinaandar ni Roe ang kanyang kotse palayo sa nasabing Rest House , wala man siyang ideya sa kung anong nangyayari pero may kutob itong hindi maganda iyon ..

Habang tinatahak ang daan pabalik sa syudad ay kumunot ang noo nito nang makasalubong ang isang itim na SUV na nakaparada lamang sa gilid nang puno ..

Tumikhim ang binata at saka pinarada ang sasakyan sa likod nito at bumaba .. naglakad ito patungo sa tinted na SUV ,

Kinatok nito ang bintana nang drivers seat ,ngunit walang nagbukas non para sa kanya , kaya naman naisipan na niyang buksan ang pinto at ganun nalang ang pag dududa niya nang mabuksan iyon ..

Binuksa niya pa lalo ang pinto pero agad ding napaurong nang isang masangsang na amoy ang sumingaw galing sa loob nang SUV ,

Agad na kinutuban ang binata at saka kinuha ang kanyang baril at tinutok iyon sa pinto nang sasakyan ..

Unti unti niya muling binuksan ang pinto at saka sumilip sa loob nito at halos masuka ito nang makita ang mga putol na ulo nang isang buong pamilya,

Napahawak sa bibig ang binata at saka tumalikod sa krimen at sumuka sa ilalim nang puno ..

Sinong walang puso ang may gawa nang masacre na iyon !! Sinong HAYOP ANG MAY GAWA NITO ??

Tumulo ang luha nang binata at saka dinukot ang kanyang cellphone at nag dial nang number,

Hindi pa nakaka ilang ring ay may sumagot na agad rito ..

" Roe , wala akong --" pagkasagot ni Detective Perez ay agad na iyong pinutol ni Roe ..

" Detective, n-nahanap ko na ang Rest House na pinapahanap mo .. p-pero hindi lang iyon ang nahanap ko " wika nito sabay ang muling Paglingon niya sa sasakyan, napapikit ang binata at binalik ang tingin sa harapan,

" A-Anong nahanap mo ?" Sagot sa kanya ni Detective Perez , tumikhim si Roe at saka sinuntok ang puno,

" A-Ang .... b-bangkay .. n-nila ..."

" Nino Roe ??"

" N-Nila Detective Y-Yunan at n-nang a-asawa niya , ang m-mag asawang S-Sta.Ana , a-ang mag a-asawang F-Fajardo .. a-at ang m-mag a-asawang R-Ramirez. .." nanginginig na wika ni Roe ..

×××××

" Saan ka pupunta ?" Matigas na wika ni Xander nang tumayo mula sa pagkakaupo si Terminator, tumikhim ito at tinignan ang kambal ..

" Pupuntahan ko sila !! Mapapatay niya si Ex-Death pag nagkataon !!" Inis na wika niya rito , ngumisi sa tabi nito si Xiel na nakatingin sa monitor .. pinagdikit nito ang dalawang kamay at saka umayos nang upo ..

" Black Man wants to kill Ex-Death, but Black Man can't kill Ex-Death! This is actually fun Terminator, " nakakalokong ngisi ang binigay nito kay Terminator na nakakuyom na ang kamao ..

" Don't you think masyado nang --" magsasalita pa sana si Thalia sa tabi nito ngunit isang nakamamatay na tingin ang pinukol ni Xander sa dalaga , napakagat sa labi si Thalia at tumingin nalang sa malayo,

" Black Man can kill Ex-Death, He wants to Kill Ex-Death, kaya anong pinag sasabi mong Black Man can't kill Ex-Death? Your making my mind a fucking puzzled Xiel !!" Inis na sigaw ni Terminator, hindi ito tinapunan nang tingin ni Xiel , kinuha nang binata ang isang bato sa kanyang bulsa at tinignan iyon ..

Ngumisi lang muli ito ..

" He can't kill Ex-Death, when he knows who really Ex-Death is ... " wika muli nito ang binalik ang tingin sa monitor kung saan nagkita na sila Ex-Death at Black Man ..

×××××

Kumunot ang noo ni Ara nang malaglag nang detective ang cellphone nito at nanginginig na napahawak sa kanyamg dibdib ..

" sinong bangkay ?" Paniniguradong tanong ni Ara rito !! Tumingin ang Detective sa kanya at saka napahawak sa ulo ..

" a-anong k-klaseng mga t-tao ... h-hindi !! H-hindi na k-kayo tao !!" Natatakot na wika nito , doon ay makumpirma na ni Ara ang nais malaman ,

Mukang ginawa talaga nila para lang sila ang mabuhay ? How pathetic! "

" Wala akong kinalaman sa kanila ! And your right ! They're not human anymore .. three of them is not human !!" Matigas na wika nito dahilan para makuha nang detective ang kanyang atensyon,

Kinalma ni Jose ang sarili at saka tinignang mabuti si Ara !!

" sabihin mo saakin !! Paano .. p-paano ito i-ititigil .. " nawawalang pag asang wika nito,

Pumikit si Ara at saka inalala ang mga sinabi s akanya nang ama ..

" Dad , is that what will really happen? " takang tanong nang inosenteng bata sa ama , ngumiti ang ama at saka binuhat ang bata ..

" Minsan , kahit ayaw natin , kahit na gustuhin natin .. may mga pagkakataon na hindi mo mababago ang katotohanan, Kung hindi kayo ang para sa isat isa , kung hindi siya dapat nabuhay sa mundong ito , hindi sana masisira ang lahat, pero dahil nagmahal sila , nagkamali nang hiling. binago nila ang tadhana , nawala ang hindi dapat mawala .. namatay ang hindi dapat namatay.. pero ang mali ay ang binuhay ang hindi dapat !"

Agad napamulat si Ara nang maramdaman nito ang init sa kanyang pisngi .. agad niyang pinunasan ang luhang iyon ..

" Kailangan bumalik nang taong binuhay sa impyerno, kung hindi siya babalik , mamamatay ang magkapatid na binenta ang kaluluha sa impyerno !" Wika nito at saka tumayo sa pagkakaupo at iniwan sa sala ang detective na naguguluhan parin sa nais ipahiwatig nito ..

Inisip mabuti ni Jose ang punto ni Ara , agad nagliwanag ang muka nito at saka muling tinignan ang mga dukumentong natagpuan .

Agad niyang pinulot ang cellphone at tinawagan muli si Roe ..

" Detective --"

" ROE !! Pumunta ka sa Friendly Childcare sa Lozada Memorial! Hanapin mong muli si Edgar, kailangan natin siyang makausap" seryosong wika nito at tumayo na sa pag kakaupo at lumabas nang pamamahay ni Ara,

Habang si Ara naman ay nakatitig lang sa detective na nakalabas na nang kanyang bahay .. tumikhim ito at saka lumingon , ngumiti ito nang makita ang kaluluha nang ama , ina at nang kanyang kuya Aaron ..

" Tinutulungan ko na ang anak mo .. kuya !"

×××××× ×

Next :
* Kabanata 33 *

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon