Kabanata 39

1.6K 66 10
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 39 *

×××

Dahan dahan nag mulat nang mata si Ash at saka tinignan ang paligid mga malalaking puno at mamasa masang mga dahon ang kanyang namataan , tinignan niya ang babaeng naka yakap sa kanya , napangiti ito nang makita ang dalaga na nakahiga sa kanyang dibdib .

Dahan dahan nitong nilapag ang ulo nang dalaga sa damuhan at saka pinulot ang kanyang choker necklace na tinapon niya lang kagabi dahil sa pagtatapat niya nang totoong pagkatao sa dalaga ..

Agad niya iyong sinuot sa leeg ni Cyrene na mahimbing parin ang tulog ..

*Wsshhh*

Agad napalingon ang binata nang makarinig ito nang kaluskos , agad niyang dinampot ang kutsilyo na nasa damuhan at saka pumunta sa harapan nang dalaga para dipensahan ito ,

Maya maya ay lumabas sa likod nang puno ang taong naka maskara at may hawak na baril sa kanyang gilid ,

Kumunot ang noo ni Silent Man nang makitang hindi lang baril ang hawak nito , kundi may hawak itong pugot na ulo sa kabilang kamay ..

Agad nanginig ang binata nang makita ang nakatirik na mata nito ,

" A-Anong --"

Hindi na naituloy ni Silent Man ang sasabihin nang ihagis ni Terminator ang putol na ulo papunta sa kanya , gumulong ang ulo nito at saktong huminto sa kanyang paanan , nanlalaki lang ang mata ni Silent Man habang nakatingin sa Putol na ulo ..

" Papunta sa direksyon na to si The Killer , kung ako sayo tapusin muna siya dahil hindi niya lulubayan si Butterfly, " diretsong wika nito at akmang aalis na nang nagpakawala nang mahinang salita si Silent Man,

" W-Wala siyang k-kasalanan .. b-bakit ??" Wika nito habang nakatingin sa putol na ulo ..

" Lahat nang nakaharang sa plano nila .. papatayin nila , alam mo kung ano ang nais nang kapatid mo !" Matigas na wika nito , agad napaluhod si Silent Man ngunit hindi niya mahawakan ang putol na ulo ni Lucy ... ang kanyang nakababata na kapatid.

" Alam mong galit sayo ang kapatid mo , ikaw ang sinisisi niya sa pagkamatay nang mga magulang niya, " wika nito at ang pagtukoy sa nakaraan nilang magkapatid,

Hindi nakasagot ang lalaki dahil totoong malaki ang galit sa kanya nang kapatid.

" wala ka ba talagang utang na loob ha ??" Sigaw nang kanyang ama at patuloy siyang pinapalo nang dos por dos , habang ang batang si Ash ay halos malumpo na sa paulit ulit na pagmamaltrato nang kanyang pekeng ama ..

" Tama na Dad " sigaw nang batang si Lucy at agad na hinarangan ang kanyang kuya, nagtaas nang tingin ang batang si Ash at nakita ang kapatid na prinoprotektahan siya.

" L-Lucy . " wika nito , pero ganun nalang ang gulat niya nang hampasin rin nang kanyang ama ang kapatid at tumalsik ito sa pader , hindi niya itong totoong kapatid, si Lucy ang totoong anak nang mga peke niyang magulang. Pero sinaktan rin siya nang sariling ama ,

Halos mag apoy ang mga mata ni Ash at agad na niyakap ang kapatid na nawalan nang malay !

" WAG MONG SASAKTAN ANG KAPATID KO MAPAPATAY KITA !" Sigaw niya sa ama .. ngumisi ang lalaki sa kanya at akmang ihahampas nanaman ang dos por dos nang isang matigas na boses ang pumigil rito ,

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now