Special Chapter

1.5K 55 11
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Special Chapter *
By : LouieJean

× × × × × ×

" Freia !!" Agad na tinaas ni Freia ang kanyang tingin sa bagong pasok na dalawang dalaga , agad niyang binawi ang tingin nang mapag sino ang dalawa ..

" What's up Keila and Yumi .." walang buhay na wika nito habang naka dapa sa kanyang kama at nilalaro ang kutsilyong puno nang dugo ..

" Oh, nothing ! Anyway nasaan si Thalia ?" Tanong ni Keila at humiga sa kanyang tabi , umupo naman si Yumi sa study table at nagbasa nang libro ..

Binaon ni Freia ang muka sa kama,

" Kasama sila Xiel at Xander " lamyang sagot niya sa pinsan , tinignan lang iyon ni Keila na may pagtataka sa muka .. agad itong dumapa at dinikit ang sarili kay Freia ..

" ano bang problema ?" Bulong niya rito , umirap lang si Yumi na nasa study table at saka sinara ang libro ..

" Alam mo Freia !! Naranasan ko na yang itsurang yan eh !" Biglang sabi ni Yumi na nakapag pakunot sa noo ni Keila ..

" Anong muka ?" Tanong pa nito , lumapit si Yumi sa dalawa at umupo sa gilid nang kama ..

" Naranasan ko yan noong broken hearted ako kasi hindi kami pwede nang mahal ko !" Wala sa wisyong wika nito , agad napahawak sa bibig si Keila sa gulat , mas lalo lang binaon ni Freia ang muka sa kama sa sinabi ni Yumi !!

" OMG !! Inlove ka Freia ??? Sino ??" Agarang tanong ni Keila , hindi nagsalita si Freia kaya naman halos tumili si Keila dahil hindi ito nagsalita ..

" Silent means YES !! Oh god Freia ?? Sino ? Sino ? Sino ?" Excited na tanong ni Keila at nagtatalon na sa kama , hindi parin umimik si Freia , napahinga naman nang malalim si Yumi sa tabi nito ..

" Gaya nang sabi ko , naranasan ko yan noong nalaman kong hindi kami PUWEDE !! nang taong mahal ko " tinigisan nito ang salitang PUWEDE , doon ay napatahimik si Keila at bahagya pang nag isip,

Bigla namang pumasok sa loob nang kwarto si Terminator kaya napalingon ang dalawang dalaga doon , ngunit hindi iyon pinansin ni Terminator at seryoso lang ang tingin sa kanyang pakay ..

" Freia !" Tawag nito sa kanya .. hindi kumibo si Freia at napahigpit ang hawak sa kanyang kutsilyo,

Naglakad papalapit si Terminator at saka kinuha ang kutsilyo sa kamay ni Freia at sinaksak iyon sa palad nang dalaga ,

" TERMINATOR! " Sigaw ni Keila sa pagkabigla !! Agad napatayo si Yumi at tinulak si Terminator palayo kay Freia !!

Dahan dahan namang umupo si Freia sa kama at tinignan ang palad na sinaksak .. walang bakas nang emosyon sa muka nito at saka dahan dahang tinanggal ang kutsilyo sa palad at umagos ang dugo roon ..

Pumikit si Freia at binato pabalik ang kutsilyo kay Terminator ngunit naiwasan naman agad iyon ni Terminator,

" Dapat pinatay muna siya Freia !! Isa sa peste ang Detective na iyon pero pinakawalan mo !! Natuklasan niya ang SUV at siguradong hahanap at hahanap iyon nang butas para mahanap tayo !" Galit na galit na wika ni Terminator, hindi parin nagbago ang ekspresyon ni Freia,

" kung ganun lang sana kadali yun .. ginawa ko na ! Kagaya mo , hindi mo mapatay ang kaibigan mo para sumaya ka sa babaeng mahal mo , nag sakripisyo ka kasi mahal mo ang kaibigan mo !" Wala sa sariling wika nito , agad napatahimik sa Terminator sa sinabi nito, habang si Keila ay gulat na gulat sa nalaman ..

Ano bang pinagsasabi nito ??

Pare parehas na wika nang tatlo sa kanilang isipan ..

Si Yumi naman ay nakaharang parin sa pagitan nila Freia at Terminator,

" ano bang nangyayari sayo Freia ???" Sigaw ni Terminator rito , tumingin sa gilid si Freia at nilagay ang dumugong palad sa muka ..

" Ganito yung pakiramdam kapag alam mong hindi kayo pwede nang taong mahal mo ! Hindi mo na maramdaman yung sakit dahil inako na lahat nang puso mo .. "

Inis na napahawak sa ulo si Terminator sa pinagsasabi ni Freia , agad nitong sinipa ang kama at saka padabog na lumabas !!

" Tangina !! Ayusin niyo yang buhay pag ibig niyo !! " sigaw nito at binabalibag ang pinto ,

Agad na tumangis ang dalaga at napahiga muli sa kama , agad ding umalalay sila Keila at Yumi at hinagod ang likod nang dalaga ..

" Shsss Freia !! Hindi lang ikaw ang nag iisa .. kami rin naman may mga taong minamahal na hindi dapat! " wika ni Keila rito ..

" oo nga .. wag mong sarilihin yan !" Pag papagaan nang loob ni Yumi sa pinsan ..

Umismid si Freia at mas lalo pang lumakas ang pag iyak !!

" M-Masakit eh !! S-Sobrang sakit !" Iyak nito ..

" alam namin !!" - Keila ..

" Ramdam din namin !"- Yumi ..

" Putanginang Terminator yan !! Tangina niya , ang sakit !" Wika muli nito , tumango tango si Yumi rito ..

" wag mo nang damdamin !" Pag aalo ni Keila ..

Agad na tumingala si Freia at tinitigan ang palad na sinaksak !!

" Ang sakit !! Mamatay na siya !! Bakit niya ako sinaksak sa kamay !! Tangina siya !! Tangina siya ang sakit !!" Iyak muli nito kaya sabay na bumaksak ang mga balikat nila Keila at Yumi !!

" A-Akala ko ba .. h-hindi masakit kasi inako na nang puso? " curious na tanong ni Keila ..

" Ganun talaga dapat! ! Kahit sobra kang nasasaktan !! Idedeny mo parin para lang masabing matatag kang tao !! Pero punyeta !! Masakit talaga !" Wika ulit nito at iniyakan pa lalo ang kanyang palad ,

" yung totoo Freia! Ano bang masakit ? Yung Puso mo o yang kamay mo ?" Sigaw ni Yumi, inangat ni Freia ang kanyang tingin ..

Suminghot ito bago magsalita !!

" H-Hindi b-ba .. Hindi ba pwedeng Both ?"

At sabay na hinampas nila Keila at Yumi si Freia sa ulo at naglakad na palabas nang kwarto !!

×××××

Next :
* Kabanata 34 *

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now