Kabanata 10

1.9K 63 3
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

*Kabanata 10*
By : LouieJean

××××

" Kamusta na siya ?" Wika ni Van sa kabilang linya .. lumungkot ang mga mata nang dalaga at tinignan muna ang kaibigan na nasa kama .

" She's fine , but still unconscious " wika niya rito , narinig niya ang malalim na pag hinga nito,

" p-please take care of her , i-i .. i need to do some thing's for now " malungkot na tugon nito , tumango naman ang dalaga ..

" Don't worry i will " ani niya at saka binaba ang telepono , agad na inayos ni Cyrene ang suot na Puting coat at saka lumapit sa kaibigan na nakahiga sa puting kama ..

Kasalukuyan silang nasa hospital at magdadalawang araw nang walang malay ang kaibigan , simula nang himatayin ito ay hindi parin ito nagkakamalay ,

Hindi rin dumadalaw si Van rito at lagi nalang tumatawag para makibalita sa kalagayan nang dalaga ..

Anong nangyari besty ?

Malungkot na wika nito, at saka lumabas nang kwarto nang dalaga ,

Paglabas naman ay agad napatingin ang dalaga sa kanyang gilid , at doon ay nakita niya ang isang lalaki .. nakayuko ito sa kanya at nakasandal sa pader .

" She's fine , no need to go here every day just to check on her .. " nakangiting wika niya sa pinsang si Yuki , dalawang araw narin itong pabalik balik sa hospital para lang i check ang kalagayan nang dalaga ,

Tumingin lang sa gilid si Yuki ,

" Wanna grab a lunch ?" Alok ni Cyrene rito , may mga gumugulo rin sa isipan niya na tanging si Yuki lang ang makakasagot , wala din silang masinsinang pag uusap simula nang umuwi ito .

Hindi naman kumibo si Yuki at saka naglakad na palayo , agad namang bumuntot ang dalaga rito ,

" Say .. b-bakit .. umalis ka noon ?" Agad na bulaslas nito, hindi ito nilingon nang binata at nanatili lang ang tingin sa daanan ..

Habang ang dalaga naman ay nakatingin lang sa pinsan na diretso ang tingin,

Hindi rin kasi niya malaman kung bakit naisipang umalis nang pinsan niya , hindi naman ito nadamay sa naging issue nila ni Keishan noon ,

Kusa itong umalis nang bansa tatlong araw ang nakalipas noong nalamang may amnesia si Heart at lumipad na ito patungong US ..

" You know why " malamig na wika nito , nanliit ang mga mata ni Cyrene , hindi na niya mabasa ang nasa isip nang pinsan , napaka hirap talaga nitong basahin ,

Masasabi niyang napaka laki nga nang pinagbago nito ngunit kahit siguro ilang taon ang lumipas ay hindi parin mawawala ang dati nitong ugali , kung ngayon ay medyo ngumingiti na ito at masigla , hindi tulad noon na halos wala itong kausapin , at hindi man lang marunong ngumiti ,

Pero ngayon ay nagagawa na niya iyon , ngunit maya't maya ay babalik nanaman ito sa pagiging wirdo !!

" Hindi ko alam .. kaya nga kita tinatanong , ayon sa mga kinikilos mo ,bakit parang sobra kang naapektuhan sa kalagayan ni Besty ? Yung totoo Yuki !! Ano ba talaga siya para sayo ?" Wika niya kasabay nang pag sara nang elevator , tanging sila lamang ang nasa loob nito ,

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now