Kabanata 20

1.6K 53 12
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 20 *
By : LouieJean

× × × × ×

" Bwisit !!" Inis na hinampas pasara nang dalaga ang pinto nang kanyang sasakyan at saka pinunasan ang kanyang mga mata ..

" Nakakainis ka Yuki !!nakakainis ka !! Paasa ka !" Sigaw niya at tuluyan nang humagulhol nang iyak ..

Mas mabuti pang hindi mo nalang ako pansinin gaya nang dati kesa sa ngayon na ako naman ang umiiwas pero ikaw naman ang nagbibigay nang motibo pero alam kong gaya nang nakaraan wala ding patutunguhan tong nararamdaman ko .. sana hindi nalang bumalik ang ala ala ko .. sana .. hindi nalang kita naalala !! Kasi .. nung oras na makita ko ang muka mo sa isipan ko .. bumalik lahat !! Naalala ko na lahat nang ginawa ko para lang mahalin mo !! Gumawa ako nang kasalanan na pati impyerno hindi ako tatanggapin !! Nang dahil sayo .. nang dahil sayo n-- !!!

*Tok*Tok

Nanlaki ang mata nang dalaga sa biglaang sunod sunod na pagkatok sa labas nang kanyang bintana kaya naman inikot niya ang paningin sa labas ngunit wala naman siyang nakitang tao ..

Nakapalibot lamang ang madilim na kapaligiran at ang mga puno na sumasayaw sa lakas nang hangin ..

Inayos nito ang upo sa sasakyan at umiling,

Guni guni .. I'm thinking too much !!

Sinimulan na niya makina nito .. lumingon muna ulit ito sa may karinderya kung saan nakausap niya si Yuki , nakita niya ang binata na nakikipag tawanan sa ale na nagtitinda nang mga kakanin ..

" Tsss , it's just a coincidence. ." Wika niya at sinimulan na ang pagmamahaneho ..

Ano bang pakialam ko sa kanya ? Dapat umiwas na ako .. kung merong isang tao ang tatanggap saakin --..

Agad napahinto ang dalaga sa palaisipang iyon ..

Kung may taong tatanggap saakin ??

Napangiti ito nang mapait nang mapag tanto ang posibilidad ..

Si Yuki ? Hindi na ako aasang tatanggapin niya ako .. si Van ? I don't think so , he might regret loving me if he'll know the truth, si Besty ? I don't know either !

Malayo layo narin ang natakbo nang sasakyan nito nang unti unti naman bumibigat ang mga mata nang dalaga ..

" Nakakainis !! Tatlong araw nang tulog aantukin parin ako ??" Inis na wika nito at tumingin sa paligid para maghanap nang motel o di kaya kahit anong pwede niyang tuluyan ..

Tumingin ang dalaga sa kanyang relo at pasado 2:30am na nang madaling araw , habang diretso ang tingin sa marupok na daanan ay namataan nito ang isang pigyura nang babae na nakaupo sa gilid nang kalsada .. naka itim itong bistida at nakayakap sa kanyang binti ..

Kumunot ang noo ni Heart at saka tinigil ang sasakyan sa tapat nang babae .. nakayuko ito , binuksan niya ang bintana nang sasakyan at saka dinungaw ang babae sa labas ..

" Ahm .. Miss ? Are you ok ?" Tanong niya sa babae , nakita niya ang pagtaas baba nang balikat nito na animo'y umiiyak, hindi ito sumagot kaya naman bumaba na nang sasakyan ang dalaga upang tignan kung anong problema nito ..

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon