Kabanata 13

2K 63 1
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

*Kabanata 13*
By: LouieJean

×××××

" Yumi !!" Sigaw ni Keila Pagkarating sa bahay nang Pinsan , hindi ito dumiretso sa kusina kung nasaan ang ina at ama at mga tiyahin, sinadya nitong dumiretso sa kwarto nang pinsan , kasunod lang nitong pumasok si Yuki na umiling lang at pinuntahan na ang mga gurang sa kusina ..

Kumunot naman ang noo ni Yumi na nakadapa sa kanyang kama may kung ano itong narinig kaya naman tinanggal niya ang suot na headphones,

" Huh?" Wika nito at akmang tatayo nang biglang bumukas ang Pinto nang kwarto at doon ay lumundag ang pinsan nito at agad na siniksik ang muka sa kanyang dibdib ,

" Yahhh! I miss you Yumi , nakakainis mas nauna ka umuwi ! Sabi ko naman sayo antayin mo ko eh " agad na wika nito , napangiti naman si Yumi at niyakap ang pinsan ,

" hindi kona sinabi kasi uuwi din naman kayo, nagkita naba kayo nila Mom Kei ?" Tanong nito at umayos nang upo , umiling naman si Keila na nakayapos parin sa kanya !!

" Eh ikaw ?nagkita naba kayo ?" Agad na tanong nito, lumamlam ang mga mata ni Keila habang hindi naman iyon nakikita ni Yumi dahil naka yakap ito at nakasubsob sa kanyang dibdib .. ngumiti nang mapait ang dalaga dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nito ..

" Hindi pa , iniiwasan ko eh !" Sabay kamot nang dalaga sa ulo , ang tinutukoy nito ay ang kambal na sila Xiel at Xander , noong nasa US sila ay napag alaman ni Yumi na may gusto sa kanya si Xiel ngunit doon lang niya nalaman noong nasa US na sila ..

" eh ikaw ?" Tanong din ni Yumi , nasabi narin sa kanya ni Keila na may pagtingin siya kay Xiel noon ngunit tinawanan lang siya nito nang malaman ni Yumi iyon , dahil halos lahat silang magpipinsan ay alam na may gusto siya kay Xiel ..

" Nope ! Kung maaari lang ayoko pa sana , kaso hindi naman maiiwasan , baka mag isip nang masama ang mga moms at dads kung aarte ako nang ganun !" Umayos naman nang upo si Keila sa kama at yumuko, nagpakawala nang malalim ma pag hinga si Yumi ,

Unrequited love ...

Wika niya sa sarili kasabay nang muling pagbukas nang kanyang kwarto !!

" Ayaaaaa !! Keilaaa !" Sigaw nila Thalia at Freia , napalingon si Keila doon at kagaya niya ay Nilundagan rin siya nang mga ito , natawa nalang si Yumi at naki dagan sa ibabaw ni Keila !

" I miss you girl!!!!! Wag kana aalis ulit " sabi ni Thalia habang nakadagan sa pinsan ,

" ACKKK !! G-GET OFF !!" Sigaw nito kaya naman agad nag si tayuan ang mga babae ,

" Grabe !! Ang ganda ganda muna !" Bulaslas naman ni Freia,

" So sinasabi mo bang hindi ako maganda dati ?" Taas kilay na tanong niya ,nagkatinginan naman ang magkapatid sa pagtataray nito , hindi sila sanay na ganoon ang ugali nito dahil noong mga bata pa sila ay para itong santa sa sobrang bait !

" aba !! Change for the better ?" Tawa ni Thalia, namula naman ang mga pisngi ni Keila nang marealize na tinarayan niya ang mga pinsan ..

" Hahaha !! Changes is good !!" Sigaw nang dalawa at saka nagtawanan ang mga ito ..

Sa labas naman nang kanilang kwarto ay andoon ang ina ni Keila na si Kei na nakasilip lang sa anak na nakikipag tawanan sa mga pinsan ..

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now