Kabanata 25

1.6K 63 24
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 25 *
By : LouieJean

× × × × × ×

" t-tulong .. tulungan mo ko .." nakatayo si Cyrene at halos hindi makapaniwala sa nakikita .. nasa loob siya nang isang nag aapoy na classroom at halos impyerno iyon sa kanyang paningin ..

Maraming studyante ang agnas na ang katawan at kita ang mga bungo nitong nasunog at nilamon nang apoy ..

" c-cyrene .. " napapikit ang dalaga at tumingin sa kaklaseng inaabot ang kamay sa kanya ..

Tumikhim muna ito at dali daling kinuha ang kamay nang kaklase ..

" w-wag kang bibitaw makakalabas tayo .. hahanap ako nang --"

*BOGSH ...

Hindi makapaniwala ang dalaga sa nasaksihan .. may bumaksak na kahoy na nag aapoy sa kanyang kaklase at naputol ang kamay nitong nakahawak parin sa kanyang palad ..

" AHHHHH !!" Sigaw ng dalaga at agad napaurong at pilit kinakalas ang putol na kamay na mahigpit paring nakahawak sa kanya ..

Napaupo ang dalaga at nag iiyak sa kawalan nang pag asa ..

"T-tulong .. !!" Bulong nito kasabay nun ang pag ubo nito dahil sa maitim na usok na bumabalot sa maala impyernong classroom...

Halos parang sinusunog ang dalaga sa sobrang inet na bumalot sa loob ..

Unti unti na itong nawawalan nang malay hanggang sa kapusin na ito nang hangin at bigla nalang umikot ang kanyang paningin ..

Sa huling pagmulat niya sa nag aapoy na classroom ay naaninag niya ang dalawang lalaki na naka fire suit na papasok at papalapit sa kanya ..

" REN !!" Sigaw ng isa at agad agad na dinaluhan ang dalaga ..

Agad napamulat ang dalagang si Cyrene , pawis na pawis ito at ramdam niya ang init sa buong katawan ,

N-Nasaan ako .. diyos ko .. ano to ?

Natatakot na wika nang dalaga , akmang hahawakan niya ang muka nang hindi iyon umabot roon at isang tunog nang kadena ang umalingawngaw sa buong kwarto ..

Tumulo ang luha nito at hinihingal , nanginginig ito sa takot , doon ay napagtanto niyang naka kadena ang kanyang paa at kamay .. malamig na sahig .. malamig ang paligid ngunit dahil sa maskarang suot niya ay dama niya ang init sa muka nito ..

A-Anong nangyari ? Bakit ako nakamaskara ? Bakit ako nagising sa lugar na to ? Bakit wala akong maalala !!!

" T-Tulong ..." hikbi niya ngunit halos humagulhol ito nang marinig niyang iba ang kanyang boses .. napapikit ito at mukang alam na ang nangyayari sa paligid ..

8 years ago .. akala ko tapos na .. akala ko tapos na ang larong to !! Pero heto ako , andito ako .. inuulit nanaman nila ..

" Fuck !!" Agad napalingon ang dalaga sa madilim na kwarto , isang computerize voice ang kanyang narinig kaya naman panatag itong hindi lang siya ang nasa loob nang kwarto .. nakahinga ang dalaga sa pag aakalang hindi siya nag iisa ngunit ganun nalang ang panlalaki nang kanyang mata nang biglang bumukas ang ilaw nang silid ..

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon