Kabanata 12

1.6K 59 4
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

*Kabanata 12*
By: Louie Jean

×××××××

" Sa hospital nalang muna ako matutulog ngayong gabi, " wika ni Cyrene sa kasintahan, nagulat naman si Eren at agad na umiling,

" NO !! Mag sstay narin ako at --" agad namang hinawakan nang dalaga ang labi nito ,

" No , umuwi ka muna pack my things and yours para bukas , then daanan muna lang ako dito !" Wika nito at patukoy sa pag alis nila bukas, lumabi naman si Eren ,

Ayaw niyang manitili ang dalaga rito ngunit hindi rin naman maiwan nang dalaga ang kaibigan nitong naka confine sa hospital,

" Go now , wag kanang magpagabi !" Muling wika nito at binigyan nang matamis na ngiti ang binata ,

Sa ngiting iyon ay agad naman nitong nakumbinsi ang binata kaya naman asar itong umalis nang opisina nang dalaga ,

" Alright, I'll see you tomorrow, i love you !" Wika nito at saka pumihit palabas ,kumaway lang si Cyrene rito at nang tuluyan nang makalabas ay nawala na ang mga ngiti nang dalaga sa labi,

Agad niyang kinuha ang telepono at nag dial nang numero .. hindi pa nakaka tatlong ring sa kabilang linya ay meron na agad sumagot rito !

" Ramirez Residence, Xander's Spea--"

" Xander !! Where's mom ??" Agad na wika ni Cyrene nang marinig ang boses nang kapatid,

" Oh ate ? Si mom , wala dito nasa bahay nila Dad Lexann at mom Kei , papunta na nga kami doon ni Xiel eh !bakit may problema ba ?" Tanong nang kapatid sa kanya , agad napayuko ang dalaga ..

" s-saan tayo pupunta bukas? Keishan told me na .. bukas ang alis !" Ani nito , hindi naman ganoon katagal bago sumagot si Xander ..

" Hindi pa sinasabi saamin , kaya nga pupunta kami doon , pero ang sabi ni Dad si Mom daw ang nag desisyon kung saan !"

So it's true !! Mom is the one who decides where to go , but why on all places? Why tagaytay ?? Why did she choose that place !!

" Alright, bye! " wika niya at saka binaba ang tawag , napahinga nang malalim ang dalaga ,

" What are you thinking mom .. going back such a horrible place !" Wika nito sa sarili , agad naman nang nag ayos ang dalaga nang mga gamit para tumungo naman sa kwarto nang kaibigan na hindi naman ganoon kalayo sa kanyang opisina,

Naisipan rin niyang manatili doon para bantayan ito dahil malamang sa malamang ay hindi ito makakasama sa tagaytay dahil sa kalagayan nito ..

Tumingin naman ang dalaga sa kanyang orasan, pasado alas onse na nang gabi .. dito narin kasi sila nag dinner ni Eren at ayaw din umalis ni Eren sa kanyang tabi kung hindi niya pa ito napakiusapan ..

Kanina parin umuwi ang kaibigan niyang si Venea at ang iilang empleyedo , tanging ang grupo nalang sa night shift ang natira sa hospital,

Naglakad na ang dalaga patungo sa elevator at saka pinindot ang floor kung saan andoon ang palapag nang kwarto nang kaibigang si Heart ,

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu