Kabanata 35

1.6K 65 9
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 35 *
By : LouieJean

× × × × ×

" Roe !!" Agad napaangat nang tingin si Roe nang makita niya ang senior detective na lumabas nang private plane , agad na tumakbo ang binata at sinalubong ang malakas na hangin at saka nakipag kamay kay Detective Perez ,

" Welcome back Detective! "Wika ni Roe , tumango lamang si Perez at saka naglakad na ang dalawa sa sasakyan ni Roe at bumyahe patungo sa prisinto , naging tahimik ang byahe nang dalawa hanggang sa bumaba na ang mga ito at saka pumasok sa opisina nilang dalawa ,

Tumikhim si Perez at huminga nang malalim, bago inumpisahang magsalita ..

" Hindi ko alam kung paano ito mag-ipag tatagpi tagpi , pero alam kong may kinalaman si Cyrene Pember rito at ang mga kaibigan niya !" Panimula nito , tumango si Roe rito bilang pag sang ayon ..

" Ganun din ang iniisip ko , pero meron din akong hinala sa mga kapatid niyang sila Xiel at Xander , hindi ako nagkaroon nang tsansang makapasok sa Rest House na iyon patawad kung hindi ko nagawa--" agad naputol ang sasabihin nito nang tapikin siya ni Perez sa balikat ,

" tama lang na hindi ka tumuloy , mag isa kalang nang oras na yun at delikado !! Mataas na oportinidad na ang nakabalik ka rito na may dalang impormasyon, " wika nito at tinanguan nalang ni Roe , agad napatingin ang binata sa baba ,

Nakabalik ako rito dahil sa tulong nang babaeng iyon ..

Wika niya nang maalala ang babaeng lagi niyang nakakabangga .. umiling ang binata at saka agad na kinuha ang mga papeles sa kanyang table ..

" Ito ang mga impormasyon na nakuha ko kay Edgar , nariyan rin ang iilang impormasyon na nakuha ko sa sekretarya niyang di umano ay kanyang pinsan .. " tugon nito at inabot iyon sa senior detective.

Inabot iyon ni Perez ngunit agad ding napahawak sa kanyang ulo ,

" Kung sakaling may kinalaman man sila mabilis lang natin iyon mapapatunayan , pero ang kinababahala ko ay ang tungkol sa pamilya ni Cyrene !"kumunot ang noo ni Roe sa sinabi ni Jose ,

Anong tungkol sa pamilya niya ? Hindi ba pinsan niya yung babaeng tumulong saakin ? May kinalaman ba sila rito ? O biktima lang rin sila ?

" anong ibig niyong sabihin ?" Takang tanong ni Roe , tinignan siya ni Jose sa mata !!

" May duda akong may kinalaman ang mga kapatid at pinsan niya sa massacre na nangyari sa mga magulang nila !!" Nanlaki ang mata ni Roe sa sinabing iyon ni Jose , agad nanumbalik ang kanyang ala ala noong araw na pinaalis siya nang babaeng iyon sa lugar na yun ..

Nakita niya itong may kutsilyo sa likod , puno nang dugo .. p-posible bang .. hindi !! Hindi !! Ayon sa autopsies dalawang araw na ang mga bangkay na iyon ..

" k-kaya ba nilang gawin i-iyon ? Mismo sa mga magulang nila ?" Nababahalang wika ni Roe , tumango si Jose rito kaya halos manlambot ang mga binti ni Roe ,

" merong ginawa ni Kristen Fajardo Ramirez na hustong ikinagalit nang kanyang kambal .. yun ang mga hinala ko sa mga impormasyon na binigay ni Ara Pember pero hindi na siya nagbigay pa nang ibang impormasyon kaya hindi ko alam kung paano natin malulutas ito!!" Doon ay halos magulo ang utak ni Roe .. pero isang tao ang pumasok sa kanyang isipan !!

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now