Kabanata 08

1.7K 64 9
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

*Kabanata 08*
By: LouieJean

××××

" And let's all welcome the new investors of Morisson Corp. Industry, The Caliber Industrial Estate together with the Main department incharge CEO, Mr.Yuki Leiber "

Agad nanlaki ang mga mata ni Van sa biglaang sinabi nang Emcee , ang kanina'y sinalubong niyang mga investors ay isang matandang lalaki , at hindi niya nakita si Yuki na kasama nito ,

Kaya naman wala siyang Ideya na si Yuki ang CEO in charge nang kumpanyang nakipag negosyo sa kanila ..

Napalunok ang binata at agad na nilingon ang kasintahang nakaupo lang sa harapan, nakangiti ito at pumapalakpak ! Na parang normal na tao lang ang nakita nito ..

N-Naalala ba niya ?? Naalala ba niya si Yuki ??

Kabadong wika niya sa sarili , lumingon si Heart rito at nag thumbs up, kaya halos mapa hinga nang maluwag si Van dahil walang naging reaksyon ang dalaga ,

Agad niyang hinarap ang binatang kumakaway na sa harap nang maraming tao, at ngumiti sa mga camera ..

Pinilit niyang wag mang galaiti rito ,

" Mr.Morris " nakangiting wika nang dating kaibigan , tinaas nito ang kamay kaya naman agad na inabot iyon ni Van ,

Halo halong emosyon ang pumasok sa utak nito habang nakatingin sa halos ngiting ngiti na binata ,

Is he Yuki for real ???

Tanong niya sa sarili dahil ibang iba ito sa kanyang dating kaibigan ..

" M-Mr.Leiber , it's a pleasure to see you again ..old friend " pilit ang ngiti ni Van rito .. at mahinang boses lang ang pinakawalan sa huling katagang binigkas , tinignan naman siya ni Yuki sa mga mata ..

" Pleasure is mine Van!!" Wika nito at binawi na ang kamay at saka humarap sa maraming tao ,

Pinilit naman maging pormal ni Van rito , muka namang wala ng problema kay Yuki , muka naman na itong maayos , 8 years na rin ang nakalipas simula nang huli silang magkita ay noong pinagsabihan niya itong wag na magpakilala pa kay Heart ..

Nang matapos ang pirmahan nang dalawang kumpanya ay agad namang pinaunlakan ni Van ang binata ..

" Yuki , why don't you seat with us ? Cyrene and Eren is here " pag yaya niya rito .. agad naman siyang tinapik sa balikat nang binata,

" Really? That's great , i really missed her so much " ngiti parin nito at sabay nang naglakad ang dalawa sa unahang table ,

Nang huminto roon ay agad namang napatingala ang babaeng nakaupo sa round table , tinanggal nito ang maskara at tinignan ang dalawang lalaki ,

Halos pagpawisan naman si Van sa kung anong pwedeng maging reaksyon ni Heart rito, ayaw man niyang dalhin ang lalaki sa dalaga ay doon narin ang punta nito dahil makakasama nila sila Cyrene at Eren sa table ..

" Yuki !!" Agad namang napalingon ang tatlo sa biglaang pagsigaw ni Cyrene sa hindi kalayuan , halos matapilok pa ito sa pagtakbo,

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora