Kabanata 19

1.6K 58 10
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 19 *
By : LouieJean

××××××

" Huh ? Hindi ka sasakay sa SUV nila dad ?" Kunot noong tanong ni Cyrene kay Yuki nang sa sasakyan nito dinala ang kanyang mga gamit ,

" Yup , hiwalay ako may aasikasuhin lang din ako pero it will be just minutes lang ang agwat nang pagdating niyo doon sa pagdating ko !! Sige na !" Wika nito at saka inalalayang sumakay ang mga pinsan na babae sa itim na SUV , alas tres nang hapon ay naghanda na ang lahat para sa pag alis ,

Nasa loob naman na ang mga ginang at ang iba pang pinsan , si Cyrene naman ay sinadyang magpahuli para makapag paalam sa kasintahan ..

Tumango na lamang si Cyrene kay Yuki nang matapos na ito tulungan ang mga pinsan , agad na lumapit ang dalaga sa puting SUV kung saan sasakay ang mga lalaki , napatigil naman sa pag lalagay nang mga backpack ang binata sa paglapit sa kanya nang dalaga , pawis na pawis ito kaya naman nilabas nang dalaga ang kanyang panyo at saka pinunasan ang pawis nito ..

" Mag ingat ka ha?" Nakangiting wika niya sa binata , ngumiti si Eren at hinawi ang bewang nang dalaga ,

" Oo naman !!lalo na Ikaw mag ingat ka !" Wika nito at akmang hahalikan ang dalaga sa labi nang isang palad ang mahalikan ni Eren , agad namang napahiwalay si Cyrene sa binata at tumingin sa palad na nahalikan ni Eren ..

" Dad !!" Saway ni Cyrene sa amang si Xian na magkasalubong ang mga kilay !!

" Baby girl !! Sa loob nang SUV !" Utos nito na animo'y 16 years old siya , natawa si Cyrene at saka nag flying kiss nalang sa binata at saka sumakay nang SUV ..

Ngumiwi nalang si Eren at napangiti nalang din nang makapasok na ang dalaga ..

" Aba Eren ! Hindi pa kayo kasal baka naman lumagpas kana sa limit ?" Tanong ni Xian rito , tinaas naman agad ni Eren ang dalawang kamay at umiling ..

" H-Hindi po .. may respeto po ako sa anak niyo !" Wika nito , totoo naman kasing wala pang nangyayari sa kanila,hanggang halik at yakap lang silang dalawa ..

" Good , now let's go ! Baka mauna ang mga babae dahil andyan narin naman ang hired driver nang SUV " wika nito at saka pumasok sa loob ,

Sumunod narin si Eren rito at napaisip pa .. nag hired sila nang driver ?? Pagkapasok nang binata sa loob ay agad itong tumingin sa kabilang sasakyan .. hindi naman tinted ang sasakyan kaya kita niya ang mga dalaga at ginang doon na masayang nagkwekwentuhan ..

Akmang haharap na ito sa harapan nang isang lalaki ang dumaan sa gilid niya , nanlaki ang mata ni Eren nang magtama ang mga mata nila , naka sumbrero ito, nang dumaan ito sa gilid niya ay isang ngisi ang pumorma sa labi nito at saka doon sumakay sa itim na SUV !

Agad na tumakbo ang binata palabas nang kanilang SUV pero ganun nalang ang gulat niya nang hindi magbukas ang sasakyan !!

" OPEN THE DOOR !!" Sigaw niya at nakatingin sa lalaking sinisimulan na ang engine nang sasakyan !! Mas lalong pinukpok ni Eren ang pinto,

" Anong problema iho ?" Tanong ni Lexann rito ..

" May naiwan kaba ?" Takang tanong naman ni Yunan !!

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat