Kabanata 17

1.6K 65 9
                                    

Campus Queen : The Last Chapter
( Book 4 )

* Kabanata 17 *
By : LouieJean

××××××

" Miss.Corpuz !!" Bulaslas nang sikretarya ni Van nang makita ang dalaga , naka shades ito at naka blue dress , sinadya talaga nitong mag ayos muna bago puntahan ang binata kahit na sinabi na s akanya ni Eren na wala ito sa kumpanya ay nais parin niya makasigurado..

May mga bagay siyang gusto itanong at tanging si Van lang ang makakasagot nang mga iyon ..

" Nasaan si Van ?" Tanong nito sa sikretaryang si Greg , ngumiti si Greg nang pilit .. kaya naman kumunot ang noo nang dalaga ..

" w-wala siya Ms.Corpuz , pasensya na ! Umalis siya kahapon para sa isang business trip .. " seryosong wika nito , tinaas nang dalaga ang kanyang kilay .. muka naman itong nagsasabi nang totoo ..

" ganun ba .. kelan ang balik ?" Muling tanong niya , tinignan naman ni Greg ang list of schedule nang amo ..

" ah , next week pa pasensya na talaga !! Akala ko nasa hospital kapa .." sabay kamot nito sa ulo , umiling si Heart at saka tumalikod nang hindi nagpapaalam kay Greg , nagtaka naman si Greg dahil hindi naman ito ganun umasal kapag nagkikita sila .. nanibago ito dahil mukang nag iba ang ugali nito ..

Nagkibit balikat ang binata at saka bumalik sa kanyang trabaho ..

Habang si Heart naman ay agad na pumasok sa kanyang sasakyan at umalis na sa kumpanya ..

Inis itong nagmaneho patungo sa isang restau. Mukang hindi niya mahahagilap si Van .. wala siyang maalala sa naging huling usapan nila nang binata , maraming ala ala ang gumugulo sa isipan niya na hindi maipagtagpi tagpi , gusto niyang tanungin ang kaibigang si Cyrene ngunit hindi maganda ang kalagayan nito nang iwan niya iyon sa hospital, wala namang alam si Eren tungkol s akanya .. sino nalang ang pagtatanungan niya ?

Napahinga nang malalim ang dalaga at saka niliko na ang sasakyan .. nagpark ito sa loob nang private restau. Pagkalabas nito ay agad itong nagtungo sa loob at saka umorder nang makakain , hindi pa siya nakakakain nang desenteng pagkain simula nang magising siya ,

Ayon sa sinabi ni Eren ay ilang araw din siyang walang malay , tatlong araw na walang kain buti hindi pa ako namatay ... isip nang dalaga,

" may i take your order ma'am?" Wika nang waiter .. agad na tumingin ang dalaga sa menu ..

" alright can i have 2 orders of hawaiian steak , beef casserole, Pork with chessy palm , and .. OMG !" Kumunot ang noo nang waiter sa biglang binanggit nito ..

" ma'am .. wala po kaming OMG sa menu " ani niya sa dalagang nakatingin na pala sa kanya , ngumiwi ang waiter at saka pilit na tinakpan ang muka .. pero agad na hinablot ni Heart ang hawak nitong papel ,

" OMG !! Ash ?? Your alive ??" Gulat na tanong ni Heart , lumiit ang mata nang binata natatandaan niya ang babaeng ito . Isa ito sa mga kasama nang grupo noong makalawa na kumain rin dito sa restau.

" For the nth times . Hindi ako si --"

" Ash ?? Ash La'vierde? " parehas na napatingin ang dalaga at ang waiter sa nagsalita , ganun nalang ang gulat nang waiter pero agad din namang nakabawi at tinignan nang masama ang lalaki , samantalang si Heart naman ay cool lang na tinignan ang bagong dating na binata ,

Campus Queen : The Last Chapter ( Book 4 )Where stories live. Discover now