Chapter 8

3.1K 151 69
                                    


Chapter 8 - Duality


Kain, tulog, surf sa internet, at tulong kay Mama sa mga gawaing bahay, ang mga ginawa ko nang nakaraang Sabado't Linggo. Tinataboy na nga niya ko palabas, gumala daw ako at libutin ang Galax City, gamitin ko pa raw ang kotse. It's tempting, but I'mtoo lazy to go outside, wala akong kasama. Usually kasi kapag naglilibot ako, kasama ko si Charlie.

I don't mind being alone though, wala lang talaga ako sa mood na gumala mag-isa ngayon. Wala pa naman din akong mga kaibigan sa Luxford bukod sa Pyxis. I consider them friends already, maliban na lang kay Just Tyler. He's an enemy, a devil.

Usad pagong naman na lumipas ang weekdays, kulang na lang hatakin ko ang mga araw para lang mag-weekends na ulit. It's only the second week of class pero ang dami na agad naming activities, homeworks at reports! Isabay pa ang pag-arte ko bilang girlfriend ni Just Tyler, ang haggard ko na!

Hindi man lang kasi ako hinayaang magpahinga ni Aubree, kahit saan yata kami magpunta ni Just Tyler, nakamasid siya! She's always looking at us from afar, and her eyes shining with tears! Tsk, sinasaktan niya lang ang sarili niya.

And now it's weekend again. Kasarapan ng tulog ko nang biglang kumatok si Mama. Ayoko pa sanang bumangon, pero talagang hindi niya ko tinigilan. "Bumangon ka diyan, Alisson."

"Bakit po ba Ma? Ang aga-aga pa," reklamo ko bago muling nagtalukbong.

"Bibilang akong lima."

Pumalatak ako ng malakas, para akong bampirang bumangon at parang zombie na naglakad papunta sa pinto. "Ano po ba kasi 'yon...." pipikit pikit na sabi ko.

"Akala ko ba wala kang boyfriend?" naniningkit ang mga matang tanong niya.

Marahas akong nagkamot ng ulo. Antok na antok pa ko, napuyat ako kakapanood kay nigahiga sa Youtube kagabi, "Wala naman po kasi talaga e. An gaga-aga, kung ano-ano ang tanong n'yo..."

Noong isang linggo pa tanong ng tanong sa'kin ni Mama 'yon. Hindi ko alam kung saan niya nahugot 'yon, e alam niya naman na tigang ako at ilag ang mga lalaki sa'kin.

"E sino 'yung nagpapakilalang boyfriend mo sa baba? Orange ang buhok at sobrang gwapo?"

Hindi ko alam kung nagpipigil ng ngiti si Mama o naiinis. I think it's the former.

Nawala ang lahat ng antok sa katawan ko. Orange ang buhok at sobrang gwapo: of course that's him. It's the devil, Just Tyler.

Niluwangan ko ang bukas ng pinto para makalabas ng kwarto, nilampasan ko si Mama at sumugod sa baba. Bwisit na Just Tyler 'yon, pati si Mama dinadamay sa kalokohan niya!

Paababa na ko ng hagdan ng biglang hablutin ni Mama ang braso ko, "Ano ka ba, anak? Hindi mo man lang ba aayusin ang itsura mo? Mukha kang bruha!" hinatak niya ako papunta sa bathroom at pilit na ipinasok doon. "Mag-ayos ka muna bago bumaba! 'Wag kang lalabas diyan hanggat hindi ka mukhang tao!"

Hindi ko nakuhang sumagot dahil sinara na niya ang pintuan.

"Grrrrr!" Marahas kong ginulo ang buhok ko sa inis. Si Mama talaga! Palibhasa gwapo si Just Tyler, ang daling bumigay!

Ginawa ko na lang ang sinabi ni Mama. Nag-ayos ako, naghilamos, nag-suklay at nag-toothbrush. Hindi niya talaga ako hahayaang lumabas kung hindi ko siya susundin.

Bumaba ako nang medyo mukhang tao na ako. Nakangiting nakikipag-usap si Mama kay Just Tyler na for the first time in forever yata na hindi nakabusangot o nakasalubong ang kilay.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon