Chapter 27

2.6K 110 25
                                    


Chapter 27 - Chatting


Dagsa ang mga tao sa gymnasium, nagsisimula nang mag-perform ang Crimson Kings nang makapasok kami ni Orange sa loob. May reserved seats ang Pyxis sa unahan kaya hindi na hassle humanap pa ng mauupuan.

Ah, the perks of being Pyxis nga naman talaga.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong sa'min ni Miles, nakangisi. "Anong ginawa n'yo ha?"

Bigla tuloy nag-flashback sa isip ko 'yong Pepero Kiss Game. Syet, ayokong mag-blush pero ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Stage lang ang maliwanag sa buong gym, kaya ligtas pa rin ako.

"Saan kayo nagpunta? Bigla kayong nawala!" reklamo pa ni Sam.

"Sorry, may kailangan kaming gawin eh." sagot ko at saka ngumiti ng matamis sa kanilang dalawa. "How's the wedding?"

Nanlaki agad ang mga mata ni Sam, "It was you! I knew it!" she even claps a hand in his mouth. "I can't freaking believe you! How freaking could you!"

Mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa, habang si Miles ngiting-ngiti at tawang-tawa. The total opposites.

"Whose idea? Sa'yo ba Rango?" tanong ni Sam, nanlilisik pa rin ang mga mata.

Pero nginisihan lang siya ni Orange.

"It's mine, Sam." I say to save him. Binalingan ko si Hunter na katabi lang ni Miles. "You guys filmed it, right?"

"We sure did." sagot ni Hunter, nag-thumbs up pa. Sunod-sunod ding nag-thumbs up ang mga katabi niya, si Aiden na sinundan ni Noah at Ice.

"Whoa, I missed on a lot didn't I?" tanong ni Jacin mula sa kabilang gilid ni Orange.

Our seats are at the very front, ka-row lang naman namin ang principal at ang ilang faculty. At ganito ang pagkakasunod-sunod namin:

Ice - Noah - Aiden - Hunter - Miles - Sam - Me - Orange - Jacin

"Masyado ka kasing busy sa girlfriend mo." tukso ni Miles sa pinakabatang miyembro ng Pyxis.

"Nasan nga pala si June?" tanong ni Aiden.

"Took her home so she could take some rest." says Jacin.

June has been very busy lately, dahil siya ang panglaban ng Luxford sa darating na painting competition.

"Aw," kunwaring palatak ni Hunter, "Ikaw lang tuloy ang walang kasamang girlfriend."

"Hindi ako girlfriend ni Miles!" reklamo ulit ni Sam.

"Ah right, sorry. Asawa ka na nga pala niya."

Ang lakas ng naging tawa ni Miles, kilig na kilig yata.

"Sana all may kasamang girlfriend." says Hunter again, pouting. "Imagine, we're your seniors pero kami ang single?"

Noah reaches for Hunter's back to console him.

"Alisson." Jacin says all of a sudden.

"Yeah?"

"Movie starts at two, so I'll pick you up at around one PM tomorrow."

"Okay." sagot ko at nag-thumbs up.

Nagpabalik-balik sa'min ang tingin ni Orange, nakakunot ang noo, "What? Why? What for?"

Jacin chuckles, amused at Tyler's reaction. "You didn't tell him?"

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon