Chapter 12

3K 128 57
                                    


Chapter 12 - No to Orange!


Bumuga ako ng hininga. Kakatapos ko lang kausapin si Charlie through phone. I've missed 124 missed calls all from her, and received 85 text messages. Sinermonan niya lang naman ako, at nasigawan ng ilang beses, while telling me how worried she was. So I quickly explained everything that happened sa paraang hindi siya gaanong mag-aalala.

Pero bigo ako, lalo lang siyang nag-alala. She says the kids are very worried too, na tumangging magsi-uwi hanggat hindi ako nakikita.

Muntik na rin daw niyang tawagan si Mama dahil sa sobrang pag-aalala sa'kin. Ilang oras niya akong hinintay sa bus station ng Langston pero hindi ako sumusipot, tapos hindi ko pa sinasagot ang mga tawag ang text niya.

She knows something's wrong kaya hindi na niya itinuloy na tawagan si Mama, ayaw niyang mag-alala ito. She's on her way to Galax City nang masagot ko finally ang tawag niya. Gusto niya sanang ituloy ang pagpunta para makapagkita kami pero hindi ko na siya pinatuloy, hindi pa naman din siya gaanong nakakalayo. It's getting late, tapos bibiyahe pa ulit siya pabalik. Kung ako lang, gusto ko talaga siyang makita, but I'll take too much of her time and she'll be exhausted as hell from the long drive.

After assuring her nonstop that I'm fine, we finally ended the call. Meron akong ilang galos, pero natural lang naman na makuha ko 'yon.

I withdraw another breath and look outside the window. Papasok na kami sa Andromeda Village. Buong biyahe pauwi ko pala kausap si Charlie... isang oras niya akong sinermonan.

Orange, being my fake boyfriend, drives me home. Wala man lang kahit anong expression ang mukha niya, hindi ko tuloy malaman kung labag na naman ba sa loob niya ang paghatid sa'kin. Gusto niyang magpanggap kami 'di ba? Pwes, magtiis siya!

"Thanks for driving me home." I say after unbuckling my seatbelt.

"Hm." Orange simply says, bahagyang tumango. Blanko pa rin ang mukha niya, pero kitang kita ang pagod sa mga mata niya.

"Uh... gusto mo bang pumasok muna saglit para makapagpahinga? Magpakita ka na rin kay Mama."

"I'm fine."

Lumabas ako ng sasakyan, umikot papuntang driver seat at binuksan ang pintuan.

Agad na nalukot ang mukha niya sa inis, "What?"

"You're tired Orange, and so am I." Tinapik ko paalis ang kamay niya sa steering wheel para maipasok ko ang kalahati ng katawan ko, I reach for the key to shut the engine off.

"What the fuck are you doing?" sumandal pa siyang lalo sa cushioned seat ng sasakyan para hindi madikit sa'kin. Arte talaga!

"What do you think I'm doing?" I say, removing the key from the ignition, and placing it in his hands after. "Baka naman gusto mo pang ako ang mag-alis ng seatbelt mo?"

"Tch." Kahit nakabusangot siya, sumunod naman siya sa'kin sa driveway.

I put my hands up as if I was reaching for the sky, as I stand in tiptoes. Paraan ko 'yon ng stretching. "Gaahh, nakakapagod!"

"I can see your stomach, stupid."

Mabilis kong ibinaba ang kamay ko. "Edi sana hindi ka tumingin!"

"I have eyes." He sarcastically remarks.

Umupo ako sa doorstep, putting both my arms and legs forward this time para mag-stretch ulit. Ang dumi ng medyas ko, at isa na lang ang sapatos ko. Nakalimutan ko nang hanapin kanina, I'm too pissed! Komportable pa naman ako sa black shoes na 'to!

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon