Chapter 17

3K 119 54
                                    


Chapter 17 - Sugar Daddy


Kinusot ko ang mga mata ko pero hindi siya nawala. Nakadukmo talaga si Orange sa study table ko at natutulog. Bakit nandito pa siya? Hindi ba siya umuwi kagabi? Dito ba siya natulog?

Well, yes to all obviously.

This guy. He doesn't have to stay. Binantayan niya ba ako buong gabi?

Of course not, obviously natulog lang din siya. Hindi na siguro niya nakuhang umuwi dahil sa pagod. School really is exhausting.

"Orange, gising na." tinapik ko ang balikat niya, "Orangeeee, gising na."

A few more taps and he's finally awake.

Pipikit-pikit niya akong pinagmasdan bago ako hinawakan sa noo. "Hindi ka na mainit." He removes his hands and yawns, "How are you feeling?"

"I feel good, doc."

He smiles a teensy tiny bit, "Good."

Kagigising niya kasi kaya wala pa siguro siya sa usual sungit self niya. He even tells me to have my breakfast para makainom ako ulit ng gamot, 'wag na rin daw akong pumasok para makapagpahinga pa ako, ipagpapaalam niya na lang raw ako sa mga teachers namin.

Geez, si Orange ba talaga siya?

Well, wala naman talaga akong balak pumasok ngayon. Baka lagnatin lang ulit ako sa algebra.

"Bakit hindi ka umuwi?" tanongko nang makakababa kami. Dumiretso si Orange sa pinto para isuot ang black shoes niya.

"Nakalimutan ko." kaswal na sagot niya.

"Nakalimutan?" Pwede ba 'yon?

Tumango siya, "I was too tired, and too sleepy."

Napatango rin ako, "Akala ko pa naman dahil gusto mo kong bantayan," bulong ko.

"That too." bulong niya rin.

"May sinabi ka ba?"

"I said, magpahinga ka. 'Wag ka munang gumamit ng phone o manuod ng TV, baka sumakit na naman ang ulo mo."

Nag-salute ako. "Yes, doc."

Umiling siya bago isinukbit sa balikat ang backpack niya.

"Uuwi ka na?"

"Ano sa tingin mo?"

"Hindi ka man lang magb-breakfast?"

Orange frowns, probably telling me to explain further.

"You should at least eat bago ka umalis. Masamang mag-drive ng walang laman ang tiyan." Hinatak ko siya papuntang kitchen, wala siyang nagawa kundi muling hubarin ang black shoes at bag niya. Nakakahiya naman kasi kung papaalisin ko lang siya basta, matapos niya kong... well, alagaan. Pakainin ko man lang siya 'di ba?

"Do you even know how to make breakfast?" he asks suspiciously, nakataas pa ang isang kilay.

"Of course I do!" I proudly say. Binuksan ko ang cupboard at kinuha ang box ng paborito kong cereal. Sunod kong binuksan ang ref para naman kumuha ng gatas.

"Seriously?"

"Yes, seriously." I say seriously, then I place a bowl in front of him as we settle on the table. "You don't mind if I put the cereal or the milk first, right?"

Umiling siya ng bahagya, "Not really."

"Thank God you're not one of those people! Because if you are, I'mma smack you in the head right now. Alam mo hindi ko maintindihan ang mga tao minsan, ano naman ngayon kung milk o cereal ang una kong ilalagay sa bowl? May maiiba ba sa lasa? May mababago ba? Pareho lang naman lulusawin ng bituka 'yon kahit ano ang mauna e! Geez, what's wrong with those people?"

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon