Chapter 23

2.9K 139 75
                                    


Chapter 23 - Texting


"Bye, Ma. Alis na po ako." I kiss Mom on the cheeks and hug her afterwards. Her eyes narrow in an instant.

"May kailangan ka ba sa'kin, Alisson? Kahapon tinulungan mo 'ko sa paglilinis ng bahay, ngayon naman niyayakap mo ako. May kasalanan ka ba? Hihiramin mo ang kotse?" Nanlaki ang mga mata niya at napatakip pa sa bibig, "'Wag mong sabihing buntis ka at may nangyari na sa inyo ni Tyler?!"

"OA, Ma. Ang advance n'yo masyado mag-isip." natatawang sabi ko. I give her a sweet smile bago ko tinungo ang pinto at lumabas ng bahay.

"Alisson Hershel! Sagutin mo ako!" habol pa ni Mama mula sa loob.

"Bye, Ma!" sigaw ko naman upang marinig niya.

Wala naman akong kailangan kay Mama. Sa pagkakatanda ko, wala rin naman akong kasalanan sa kanya. Hindi ko rin balak hiramin ang kotse, at mas lalong hindi ako buntis kahit pa masarap magpalahi kay Orange. Gusto ko lang makabawi kay Mama... sa mga pagsisikap niya para sa'kin.

Simula kasi noong umalis si Papa, binuhay na akong mag-isa ni Mama. Siya ang pumuno sa malaking puwang na iniwan ni Papa. Ever since then, I've been too dependent on her. I want Mom to depend on me too, someday. She's been staying strong for the both of us. I want to make it up to her.

I'm so lucky to have her as my mom, and so blessed that I still have her.

And even if it's the last thing I want to happen, I know I could lose my mom, too. Gaya ng nangyari kay Tyler.

Gusto kong masulit ang panahong kasama ko ang mama ko. Walang kasiguraduhan ang buhay. Sa ayaw at sa gusto natin, hindi habang buhay na nand'yan ang ating mga magulang. At some point, we have to stand on our own feet.


"Good morning, Mademoiselle." He greets in a classy, deep voice before bowing elegantly.

"Miley Jean, ikaw na naman?"

"At your service." He winks, and runs a hand through his jet black hair. Natawa rin siya sa sarili niya pagkatapos. "Tyler the Great still has to rest, so I volunteer myself as tribute."

"Ang dami mo naman yatang time Mr. President para sunduin pa ako? Aren't you busy? Next week na ang School Festival 'di ba?"

Siya rin ang naghatid sa'kin sa school kahapon dahil nagpapagaling pa si Orange. Sinabi ko na sa kanya na kaya ko namang pumunta sa school mag-isa, pero heto pa rin siya.

Miles just shrugs, looking smug. "Everything's already settled, all thanks to my hard work and reliable vice."

Sam is our vice president by the way. At talagang nagtulong sila ni Miles para maayos ang gagawin namin sa fest next week. They conducted several meetings para pag-usapan ng buong klase kung ano ang itatayong booth. They both suggested the Wizard's Café; most of our classmates liked the idea, so we went on with it.

Kahit maloko si Miles, he's not a bad president. Responsible naman siya. Oras na magloko siya, patay siya kay Sam.

"Alisson, sino 'yang kasama mo? Si Tyler ba 'yan? Akala ko ba may sakit siya?"

Miles and I snap our heads to Mom's direction. Kalalabas nito ng bahay, at papalapit sa'min. She freezes once she sets her eyes on Miles. Na star-struck na naman ang Mama ko. Paano pa kaya kung ang buong Pyxis ang makita niya? Baka hindi niya kayanin.

Mukhang balak lang tumitig ni Mama kay Miles, kaya nagsalita ako. "Ma, si Miles po. Boy—este best friend po ni Or—Tyler."

Muling yumuko si Miles at inalok ang palad niya sa Mama ko, "It's nice to meet you po."

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Where stories live. Discover now