Chapter 21

3K 133 48
                                    


Author's note: This chapter will have several gifs and pictures to help your imagination lol. They're not mine though, credits to their rightful owners. :)



Chapter 21 - Dope 2.0



Ilang araw nang maulan. Ang sarap tuloy tumunganga sa labas ng bintana at panoorin ang pagbagsak ng tubig mula sa mga ulap. Ang sarap magbasa ng libro, ang sarap manood ng anime, ang sarap matulog, ang sarap humilata lang sa kama maghapon. Masarap din sanang magkape, pero baka mag-palpitate na naman ako.

At talagang namang nagbunyi ako dahil extended ang weekend. Nagkansela kasi ng pasok ang governor ng Galax City dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Humigop ako ng mainit ng gatas at napapikit na lang ako sa sarap. Kung pwede lang sana na ganito na lang forever.

Pero walang forever.

Charot!

Nang maubos ko ang gatas ay muli akong humiga sa kama at binalot ang sarili ko ng kumot. Niyakap ko rin si Orange Smith at nagsumiksik sa furry niyang katawan. I'm ready to sleep again.

This is the life, dudes.

Wala akong gagawin ngayon kundi kumain at matulog. Kahapon natapos ko na ang mga latest season ng anime na hindi ko nagawang panoorin sa sobrang busy sa school. Noong isang araw naman, maghapon kong binasa 'yong aklat na ni-recommend sa'kin ni Charlie.

Speaking of Charlie, ilang weeks na akong hindi nakakabisita sa kanila sa Langston. Pare-parehas kasi kaming busy dahil sa mga exams namin. Gawd, sobrang miss ko na sila.


Nagising ako around 1 PM, kumakalam na ang tiyan ko. May iniwan namang lunch si Mama kaya wala akong problema. Napanaginipan ko pa 'yong isang anime character na pinapanood ko, si Kyo Sohma ng 2019 version ng Fruits Basket. Gah, lumabas daw siya sa screen ng laptop ko at naging si Tyler!

Kahapon kasi habang nanonood ako, parang nakikita ko si Tyler kay Kyo. Parehas na parehas kasi silang dalawa; Orange hair, masungit, palagi mainit ang ulo, at akala mo palaging galit sa mundo. Pero deep inside, hindi naman talaga sila ganoon. Deep inside, they're softies.

Plus the glares and the smirks! Kahit kapag nagb-blush! Geez, parehong-pareho talaga! Pakiramdam ko tuloy si Orange ang pinapanood ko, eh.

I mean, just look.

The side profile.

Ganitong ganito siya sa umaga kapag sinusundo ako, habang nakasandal siya kay baby

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ganitong ganito siya sa umaga kapag sinusundo ako, habang nakasandal siya kay baby.

Ganitong ganito siya sa umaga kapag sinusundo ako, habang nakasandal siya kay baby

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon