Prologue

15 0 0
                                    

Eunice's POV

Takbo ako ng takbo habang tawa ng tawa, ang kulit nya kasi masyado, gustong gusto yung nakikipaghabulan sa kin.

Nung sigurado akong malayo na sya sa kin, tumingin ako ng lugar na pagtataguan, ng biglang...

"Huli ka, akala mo makakatakas ka sa kin ha. You can't run away from me and I will never let you go"

"Hahahaha. Ang seryoso mo naman Josh, oo na po, di na po tatakbo, happy??"

"I just want to make sure na di na tayo maghihiwalay, alam mo namang mahal na mahal kita diba?"

"I will make sure na di tayo maghihiwalay, kahit anong mangyari I will always be right here, di kita iiwan ok? I love you too"

Tiktilaoookkkkk...... Tiktilaoookkkkk

Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko, alarm lang yan ok? wala kaming manok sa bahay xD

Yan na namang panaginip na yan, this past few days, yan at yan na lang ang napapanaginipan ko, the worst part is di ko kilala yung lalaki, blurred kasi sya sa panaginip ko. Ang alam ko lang ay Josh yung pangalan nya.

Wala naman akong maalalang pangyayaring ganyan sa buhay ko, pero para kasing sobrang realistic nya, parang nafefeel ko lahat ng sinasabi ng Josh na yun, kung sino man sya.

Haaaayyyy....

Wag ko na muna nga yang isipin, dagdag lang yan sa mga pasakit sa buhay ko.

Bzzzzzt... Bzzzzt...

Napangiti na lang ako, dahil alam ko na kung kanino galing yung text na yun.

From: Paul Jay ♥
Good morning wifey ko <3 Kumain ka na agad pagkagising mo ha, wag magpapagutom :) Miss na kita <3 I love you 😘😘

Nagtype agad ako ng reply, mainipin pa naman yung isang yun, ayaw na ayaw nya yung di ako agad nagrereply.

To: Paul Jay ♥
Good morning din hubby ko ♥ Kagigising ko lang, kakain na po ako. Ikaw rin ha, kumain ka na rin. Maghahanda pa ko hubby ko, kita na lang sa school. I love you din 😘😘

Naghanda na ko, the usual morning routine, kumain, maligo, magbihis, etc.

Naglalakad ako papuntang room namin ng biglang.........

Boooogssssh......

May nakabangga akong lalaki, at dahil dun ay naglaglagan yung gamit nya.

Agad agad nya yung pinulot at sinabing...

"Sorry miss nagmamadali lang talaga, sorry ulit, bye"

Di ko namalayan na nakaalis na yung lalaki, kasi nakatulala pa rin ako, para kasing familiar yung mukha nya, parang nakita ko na sya dati.

Pero I'm very sure na hindi dito sa school kasi ngayon ko lang sya nakita dito, baka transferee?

Yung boses nya din familiar eh.....

Mas maganda sana kung gamit ko na lang yung nahulog xD Para sya yung tutulong sa kin, tapos bigla kong mahahawakan yung kamay nya dahil sabay naming napulot yung isang libro, tapos....

"Eunice!!!! Hoy babae tulala ka na naman dyan"

Dun lang ako natauhan sa pagsigaw ni Charm, bestfriend ko since highschool, kaya super close kami nyan.

"Makasigaw naman Charm, may iniisip lang kasi ako"

"Sino yan? Yung boyfriend mo na naman, ewan ko sa inyong dalawa. Halika na nga at baka hinihintay ka na ng boyfriend mo"

Natawa na lang ako sa sinabi nya, yan kasi ang madalas nyang sinasabi tuwing natutulala ako

"Hindi sya"

"Sino naman?? Hala ka!!!! May iba kang lalaki?? Grabe ka friend!!! Ang bait bait sayo ni Paul Jay tapos gaganyanin mo sya. Ano ng-"

Haaayyy, ito talaga si Charm ang daming alam.

"Ano ba Charm, wala akong iba ok? Maghinay hinay ka nga. Kung ano ano na yung mga pinagsasabi mo. Halika na nga baka malate na naman tayo nyan."

Napailing na lang ako sa naisip kong yun kanina. Kakakita ko pa lang sa kanya, ganun na lang ang pagpapantasya ko sa kanya.

May boyfriend ka na Eunice, wag kang masyadong mag-isip ng ibang lalaki. Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko, habang naglalakad kami papuntang room.

Pagdating namin sa room sinalubong ako agad ni Paul Jay at niyakap...

"Namiss kita wifey ko. Chocolates for my one and only wifey"

Niyakap ko din sya at nagthank you, yan kasi yung nakasanayang pagbati sa kin ni Paul Jay, yayakapin nya ko, tapos bibigyan ng goya, favorite chocolate namin.

Dumating na yung teacher namin at nagstart na yung klase.

Buong klase, di ako makapagconcentrate, naiisip ko kasi yung lalaking nabunggo ko kanina.

Sobrang familiar kasi sa kin nung mukha nya at yung boses nya. Pilit kong inaalala kung saan ko sya nakita pero, wala talaga akong maalala.

"Ms. Perez, please answer the question on the board"

Nagulat na lang ako ng bigla akong kalabitin ni Charm.

"Hoy babae tawag ka ni Ma'am"

Napatingin ako sa harap at nakita kong nakatingin sa kin si Ma'am at lahat ng kaklase ko.

Tumayo ako agad at sinagutan yung tanong sa board.

"Ms. Perez, are you sick or something? Kanina ka pa tulala dyan. This is the first time na nakita kitang hindi nakikinig sa klase ko"

"I'm ok Ma'am, just a little headache, mawawala din po to. Thank you for your concern Ma'am"

"Pag hindi mo na kaya, just let me know. Para mapasamahan kita sa clinic"

Umupo ako agad sa upuan ko after nun, hindi ko talaga maisip kung anong nangyayari sa kin.

Kailangan kong alisin sa utak ko yung lalaking yun. Tama na yung si Josh lang na nasa panaginip ko yung iniisip ko, ayoko ng dagdagan pa yun.

"Babae, sino ba kasi yang iniisip mo? Kanina pa yan ha" tanong sa kin ni Charm.

"Wala lang to, talagang medyo masakit lang yung ulo ko" ayaw ko ng ikwento sa kanya yung tungkol sa lalaki kanina.

"Ewan ko sayo" humarap na ulit sya kay Maam after nun. Buti naman di na nya ko kinulit pa tungkol dun.

Nakinig na ko ng mabuti after nun, ayoko ng maulit pa yung nangyari kanina at baka pagalitan na talaga ako ni Ms. Cruz.

Riiiiiinggggggggg..... Riiiinngggggggggg...

Nag-aayos ako ng gamit ng lumapit sa kin si Paul Jay.

"Dapat sinabi mo sa king masakit ang ulo mo wifey ko, para nasamahan kita sa clinic bago magstart yung klase. Ok ka lang ba? Gusto mo ihatid na kita sa bahay nyo?"

Napangiti ako sa sinabi ni Paul Jay. Sobrang sweet talaga kasi nyang tao, isa sa mga dahilan kung bakit ko sya minahal. Ang swerte ko talaga sa kanya.

"I'm ok hubby ko. Don't worry, di na po masakit yung ulo ko."

Kiniss ko sya sa cheek at sinabing,

"Ang swerte ko talaga sayo hubby ko, payakap nga"

Niyakap nya ko, after nun pumunta na kami sa canteen.

"Eunice, wag ka ng maghanap ng iba, ang swerte swerte mo na sa boyfriend mo, wala ka ng hahanapin pa."

Sinasabi ko yan sa sarili ko habang naglalakad kami sa canteen.

Pero syempre sa isip ko lang, baka pagkamalan na kong baliw ng boyfriend ko xD

Haaaayyyyy. Sana naman mawala na sya sa isip ko.

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon