Chapter 9

5 0 0
                                    

Charmaine's POV

Grabe ang galing ko talagang magkunwari na di ko talaga kilala si Luke, nagulat talaga ako ng makita ko sya. Kailan pa sya nakabalik?

Mukhang di talaga nila nakilala ang isa't-isa. Naaawa talaga ako sa bestfriend ko, wala man lang syang kamalay malay na nagkaamnesia sya. Yung Mom nya kasi ang nagsabi sa kin na mas maganda daw kung hindi na namin ipapaalam yung aksidenteng yon.

Ayaw na rin daw kasi ni Tita na mapahamak pa lalo si Eunice, feeling kasi ni Tita, si Luke ang dahilan ng lahat ng nangyari. Well, sya naman talaga, pero di nya man lang binigyan ng chance si Luke magpaliwanag. Pero di rin naman kasi makakapagpaliwanag si Luke kasi nga, nagkaamnesia rin sya.

Ang gulo naman ng love life ng bestfriend ko. Pero sana maalala na nila ang isa't isa, kahit na may boyfriend na si Eunice, alam kong mas matimbang pa rin yung pagmamahal nya kay Luke. Saksi kaya ako sa love story nila.

Basta kahit anong mangyari #TeamLuke pa rin ako.

Luke's POV

Agad kong tinawagan si Mr. Cruz. "Mr. Cruz, pakibackground check naman si Charmaine Ashley H. Caido, dalhin mo sa bahay yung mga information."

Pumunta na agad ako sa bahay, after 20 minutes, nakarating ako, at nakita ko ang kotse ni Mr. Cruz.

Pagkapasok ko sa bahay, pumunta ako agad sa living room, at nakita kong nakaupo na don si Mr. Cruz.

Hindi na rin ako nag-alala na makita sya nila Mom, dahil bumalik na sila sa France kahapon pa.

Binigay sa kin ni Mr. Cruz yung brown envelope na naglalaman ng mga personal information ni Charm.

Yung mga basics lang naman nandito, name, age, birthday, parent's name, etc. "Mr. Cruz, bukod pa dito ano pa yung mga nalaman mo?"

"Sir nalaman ko po na naaksidente rin sya at isa po sya sa tao sa loob ng kotseng nakabanggaan nyo, pero Sir may kasama pa po sya-"

Di ko na pinatapos si Mr Cruz, dahil nalaman ko na ang gusto kong malaman. Di ko naman mapigilan na mapangiti, dahil sa wakas nahanap ko na rin si Ashley. Kailangan ko syang puntahan ngayon, wala na dapat akong aksayahin pang oras.

"Thank you Mr. Cruz. I'll give you a call if I need more information about her. But for now, you can go"

Sumakay agad ako sa kotse at pumunta sa school, malamang nandun pa si Charm, sana maabutan ko pa sya. Pagkababa ko ng kotse nakita ko agad si Charm na palabas ng gate. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Ashley ako to, si Josh, alam kong di mo pa ko naaalala, pareho lang tayo, pero wag kang mag-alala, sabay nating aalalahanin lahat ng mga alaala natin dati"

Agad syang umalis sa pagkakayakap ko sa kanya at nakita ko namang nakangiti sya. "Alam mo na?"

Niyakap nya naman agad ako, pagkatapos nagtatalon pa sya sa tuwa. Pero natigilan sya, "tinawag mo kong Ashley?"

"Wait, wait, wait nagkakamali ka. Alam kong Ashley rin ang second name ko, pero hindi ako yung Ashley mo." sabi ni Charm na medyo natatawa pa.

"Hindi ko maiintindihan, kasama ka sa aksidenteng nangyari 2 years ago" naguguluhan na ko, kung hindi siya si Ashley na minahal ko dati, sino?

"Halika ka nga, nakakapagod tumayo, punta tayo sa ice cream shop. Sasabihin ko sayo lahat, pero libre mo ko" tapos hinila nya na ko papuntang ice cream shop. Sumunod na lang ako dahil gusto ko na talagang malaman kung sino talaga ang Ashley na minahal ko dati.

Eunice's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Kayakap ni Luke si Charm at kitang kita ng mga mata ko yung mga ngiti nila, na sobrang saya nila.

Pero bakit kumirot yung puso nang makita ko yun. Hindi ko maintindihan, wala naman akong gusto kay Luke. At may boyfriend ako, mahal ko si Paul Jay.

Naramdaman ko na lang na tumulo na yung luha ko. Bakit ako umiiyak? Wala akong karapatang masaktan dahil hindi ko naman boyfriend si Luke, at malabong magkagusto ako sa kanya, dahil ilang araw pa lang kaming magkakilala.

Agad kong pinahid yung luha ko. Bakit nagsinungaling sa kin si Charm? Akala ko ba pinauwi na sya ng Mommy nya?

Tama, nasasaktan lang ako dahil nagsinungaling sa kin si Charm.

Pero alam ng puso ko na hindi yun ang dahilan kung bakit ako umiiyak...

Remembering YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt