Chapter 5

9 0 0
                                    

Luke's POV

"I just want to make sure na di na tayo maghihiwalay, alam mo namang mahal na mahal kita diba?" seryoso kong sabi sa kanya

"I will make sure na di tayo maghihiwalay, kahit anong mangyari I will always be right here, di kita iiwan ok? I love you too"
napangiti na lang ako sa narinig ko sa kanya.

"I love love love love you Josh"

"Mas mahal na mahal na mahal na mahal kita Ashley"


Beep..... Beep.... Beeep.....


Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko at hindi pa rin ako makapaniwala na alam ko na yung pangalan ng babae sa panaginip ko, Ashley. Sino kaya sya? Habang patagal ng patagal mas nakikita ko na yung mukha ni Ashley nung una ko kasi syang napaniginipan blurred talaga yung mukha nya at boses nya lang yung naririnig ko.

Pero sa tingin ko malapit ko ng maalala kung sino ka, Ashley.

Ang ipinagtataka ko lang ay parang may kaboses sya...


Si Eunice???? Hindi kaya????

Luke ano ba naman yang pinag-iiisip mo. Imposibleng si Eunice at Ashley ay iisa. Pangalan pa nga lang, Eunice, malayo yun sa pangalang Ashley.

Mababaliw na ko kaiisip sa kanilang dalawa.

Kahit anong mangyari aalalahanin ko si Ashley at kapag nangyari na yun ay hahanapin ko sya at ipagpapatuloy namin ang nasimulan namin dati.


Eunice's POV

"Good morning anak, kain na handa na ang almusal" yan agad ang narinig ko pagkababa ko pa lang ng hagdanan.

"Good morning Ma" umupo na ko at nagsimulang kumain.

Bzzzzzt... Bzzzzzzt...

Binuksan ko ang message at nakita kong galing kay Paul Jay.

From: Paul Jay ♥

Wifey susunduin kita dyan sa bahay nyo. On the way na ko. Love you 😘

To: Paul Jay ♥

Sige po hubby, hintayin na lang kita. Ingat ka po sa pagdadrive. Love you too.

"Ano anak? Susunduin ka daw ba ng boyfriend mo?"

Namula naman ako, pagkasabi ni mama nun, kilalang kilala talaga ako ni mama.

"Kahit di mo sabihin sa kin, alam kong boyfriend mo yan, iba kasi yung ngiti mo kapag sya yung kausap o katext mo"

"Opo ma, on the way na daw po sya"

Tinapos ko na agad yung pagkain ko, at maya maya ay darating na yun si Paul Jay, ayoko namang paghintayin sya ng matagal.

Tok... Tok.... Tok...

Pinagbuksan ko ng pinto si Paul Jay at sinalubong nya agad ako ng yakap.

"Good morning wifey ko" at binigyan nya ko ng goya.

"Thanks hubby" at kiniss ko sya sa cheek nya.

"Good morning tita, susunduin ko po sana si Eunice para sabay na kaming pumasok, ok lang po ba?"

Kaya botong boto si mama kay Paul Jay super galang kasi nitong lalaki na to. Kahit hindi ito yung unang beses na sinundo nya ko, di nya pa rin kinakalimutang magpaalam.

"Nako hijo basta ingatan mo yang anak ko, mag-ingat ka sa pagdadrive, ayoko ng mangyari ulit yung dati, baka kami naman yung makalimutan nya"

Napakunot naman yung noo ko sa sinabi ni mama, anong nangyari dati?? Sinong nakalimutan ko??

"Sige po tita aalis na po kami, baka malate pa po kaming dalawa, bye po tita"

"Ingat kayong dalawa"

Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ko sa kotse ni Paul Jay. Buong byahe papuntang school ay tahimik lang ako, iniisip ko yung sinabi ni mama.

Bakit pakiramdam ko may nakalimutan nga ako? Na yung nakalimutan tao na yun ay malaking parte ng buhay ko dati?

Remembering YouOnde histórias criam vida. Descubra agora