Chapter 6

5 0 0
                                    

Author's Note:
Salamat po sa mga nagbasa nung first 5 chapters. Sana patuloy nyo pa ring basahin yung story na to. Thank you. 😄 Comment rin kayo kung anong tingin nyo sa story na to.

Eunice's POV

Nakarating din naman kami agad sa school, pero buong byahe ay di ako nagsalita, kasi naiisip ko pa rin yung sinabi ni Mama kanina.

"Wifey, are you okay? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, masakit pa rin ba yung ulo mo?"

"I'm okay Hubby. Don't worry about me."

Pagdating ko sa room, nilapitan agad ako ni Charm.

"Babae, may chika ako sayo!!"

"PJ, hiramin ko muna tong wifey mo, girl talk lang muna kami."

Tumango naman si Paul Jay at pumunta sa mga kaibigan nya.

Pero bago pa man sya makaalis...

"Bye Hubby ko"

Take note, si Charm nagsabi nyan. Binatukan ko nga.

"Gaga ka talaga Charm"

"Sorry na friend, peace na tayo" sabay nagpeace sign pa sya.

Nakita ko na lang na natawa na lang si Paul Jay sa kalokohan ng bestfriend ko, sanay na naman sya.

"Bago ko makalimutan. May bago daw tayong kaklase, gwapo daw friend!!!" with matching sigaw pa yan na parang bulateng sinabuyan ng asin. Baliw talaga tong si Charm.

"Baka nakakalimutan mo may boyfriend na ko Charm"

"Kahit na friend, di naman masamang tumingin sa mga gwapo, appreciate their looks. Tingin lang naman. Wala naman akong sinabing landiin mo."

"Grabe ka Charm! Landiin agad. Ano daw bang pangalan?" Feeling ko kasi si Luke yung sinasabi nitong babaeng to.

"Luke Mendes daw. Pamangkin daw ni Madam Principal."

"Ah, si Luke" agad namang napatingin sa kin si Charm.

"Kilala mo?" tanong sa kin ni Charm.

"Oo, siya yung pinatour sa kin ni Madam Principal kahapon"

"Bakit di mo sa kin sinabi? Edi sana sinamahan kita. Grabe ka ang damot mo, meron ka na ngang PJ, aagawin mo pa si Luke" may kasama pang kunwaring iyak.

"Nakalimutan kong sabihin sayo. Tigilan mo nga ako sa pagdadrama mo."

Di rin nagtagal pumasok na yung teacher namin.

"Good Morning class. May bago nga pala kayong kaklase. Introduce yourself Luke."

Nakita kong pumasok si Luke. Di na ko nagulat, kasi naman, halos sya yung topic namin ni Charm.

"Hi guys. I'm Luke Mendes, nice to meet you all. I hope we can all be friends" sabay killer smile nya.

Narinig ko naman yung tilian ng mga babae.

"You may now take your seat Luke" nakita ko naman na inilibot nya yung mata nya hanggang sa makita nya ako.

Agad naman syang lumapit at umupo sa vacant seat na nasa likuran ko.

"Hi Eunice" nginitian ko lang sya at nagfocus na ko sa harap.

Grabe naman to, kakayanin ko bang magfocus kapag may gantong kagwapong lalaki ang nasa likuran mo????

Remembering YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora