Chapter 8

5 0 0
                                    

Luke's POV

"So Mr. Cruz may nahanap na ba kayong lead tungkol kay Ashley?" tanong ko sa private investigator ko.

Dahil ayaw naman sa kin sabihin nila Mom kung sino si Ashley, ako na lang ang gumawa ng paraan. Naghire ako ng private investigator para lang makilala ko na agad kung sino si Ashley.

"Wala pa po sir, kasi naman mukhang nagawang palabasin ng Mommy nyo na wala talaga sayong kinalaman si Ashley. Wala naman po akong mahanap kahit yung mga pictures nyo bago kayo maaksidente, wala na po lahat sir.
Mas maganda po sana kung malalaman natin yung apelyido ni Ashley sir, mas madali po kung ganun."

"Hindi ko talaga kasi maalala. Sige salamat po ulit, sabihin nyo na lang sa kin kung may balita na"

At umalis na si Mr. Cruz. Mukhang mas mahihirapan ako sa paghahanap kay Ashley. Bakit ba kasi hindi ko sya maalala? Siya kaya hinahanap nya kaya ako? Sana lang talaga maalala ko na ang lahat.

Eunice's POV

Papunta kami ngayon ni Charm sa ice cream shop. Akala ko makakalimutan nya yung libre ko sa kanya *pout*

"Bilisan mo friend, gutom na ko" tapos hinila nya na ko sa loob.

Pagkapasok namin nakita namin si Luke na bumibili rin ng ice cream.

"Friend!! Si Luke, bilis sabay na tayo" hinila na naman ako ng bestfriend kong to, hilig talagang manghila.

Napansin naman ako agad ni Luke, at agad na lumapit sa min.

"Hi Eunice, sabay na tayong bumili, libre ko na kayo" sabay ngiti nya sa min.

Ito namang si Charm, parang baliw na sa sobrang lapad ng ngiti. Nabigla na lang ako ng kurutin ako ni Charm sa tagiliran.

"Ipakilala mo ko bilis" bumulong pa sya nyan, rinig na rinig naman.

"Luke, si Charm nga pala, bestfriend ko" agad namang inilahad ni Luke yung kamay nya kay Charm, para makipagshake hands. Mas mabilis pa sa kidlat na tinanggap yun ni Charm, at pinakatagalan pa talaga yung paghawak ng kamay ni Luke.

"Nice to meet you Charm. Tara na libre ko na kayo"

"Wag na nakakahiya naman. Kami na-" naputol bigla yung sasabihin ko yung nagsalita si Charm.

"Thank you Luke, ang bait mo talaga, halika bili na tayo" sabay hila nya kay Luke papunta sa bilihan (di ko alam tawag dun, counter ba yun?) ng ice cream.

"Anong flavor gusto nyo?" tanong sa min ni Luke.

"Cookies and cream sa kin, kay Charm, chocolate" sagot ko sa kanya na may kasamang ngiti. Kasi naman, dahil si Luke yung nang libre, di ko na kailangan ilibre si Charm. Hulog ka ng langit Luke.

"Sige, humanap na kayo ng mauupuan, ako na lang maghahatid sa inyo nitong ice cream"

Nakahanap naman kami agad ng mauupuan dahil di pa naman marami yung mga taong nandito, kaya marami pang vacant seats.

Pagkaupo ko agad akong niyakap ni Charm, habang sumisigaw. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. Binatukan ko nga.

"Charm, tigilan mo nga yang kakasigaw mo, nakakahiya sa mga tao" tumahimik naman agad sya nung nakitang marami ng taong nakatingin sa kanya.

"Kasi naman friend, kilala na ko ni Luke!!! Thank you talaga" grabe naman tong si Charm, OA parang may artista akong pinakilala sa kanya. Pero mukha naman talagang artista si Luke.

Nakita ko namang papalapit na si Luke, ito namang bestfriend ko, todo ayos sa sarili nya. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Chocolate for Charm, and cookies and cream for you, and cookies and cream for me, too." sabay abot sa kin nung ice cream, at nagwink pa sya.

"Cookies and cream for you, Ash, and cookies and cream for me, too" sabay kiss ni Josh sa pisngi ko.

"Thank you Luke" ginantihan nya naman ako ng killer smile nya at umupo na sya sa tapat ko.

"So, matagal na ba kayo kumakain sa place na to?" tanong sa min ni Luke.

"Oo, dito tambayan namin ni Charm, pareho kasi kaming mahilig sa ice cream"

"Ako rin, mahilig rin akong kumain ng ice cream. Sa katunayan nga, cookies and cream din ang favorite flavor ko" naramdaman ko namang kinalabit ako ni Charm. Nakita kong hawak nya yung phone nya.

"Friend, pinapauwi na ko ni Mommy, dumating daw kasi yung pinsan kong si Kuya Patrick." inayos nya na yung bag nya at nagpaalam na kay Luke.

Iniwan ba naman ako ni Charm, baliw talaga yun.

"Mukhang napaaga yung date natin" baliw rin to si Luke.

"This is not a date, Luke" may boyfriend na ko, kaya di na ko pwedeng makipagdate sa iba, ayoko naman sabihin sa kanya yun, baka kasi isipin ni Luke na nag-aassume akong may gusto sya sa kin, baka gusto nya lang talagang makipagkaibigan.

Speaking of boyfriend, naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko, at alam kong si Paul Jay yung nagtext.

From: Paul Jay ❤

Wifey, nandito na ko sa parking lot. Nagtext na si Tita, iuwi na daw kita.

To: Paul Jay ❤

Papunta na po Hubby, wait lang.

Agad naman akong humarap kay Luke, "Luke, kailangan ko ng umuwi, pinapauwi na kasi ako ni Mommy. Sorry talaga, bawi na lang ako next time. Nagmamadali na kasi ako bye" at tumakbo na ko paalis, kasi ayokong pinaghihintay si Paul Jay.

Luke's POV

Hindi man lang kami nakapag-usap. May next time pa naman daw. Nang paalis na ko, nakita kong may ID sa kinauupuan ni Eunice kanina.

Agad ko naman itong kinuha at nagulat ako ng makita ko ang buong pangalan ni Charm.

Charmaine Ashley H. Caido

Ashley?? Hindi kaya?? Si Charm na yung hinahanap kong babae???

Remembering YouWhere stories live. Discover now