Chapter 3

6 0 0
                                    

Eunice's POV

Nakakailang oras na din kaming naglalakad ni Luke dito sa school. Nalibot na namin ang buong school library, gym, canteen, chemical laboratory, etc. And honestly napapagod na ko at nagugutom. Nakakahiya naman kasi kung magdemand ako kay Luke na kumain na kami.

"Uhmm, Eunice gusto mo bang-"

~I'm gonna love you, like I'm gonna lose you, I'm gonna hold you, like I'm saying goodbye~

Agad kong kinuha yung phone ko sa bag ko at sinagot yung tawag.

Tumalikod muna ako at medyo lumayo kay Luke and I mouthed "wait lang"

"Hello hubby, bakit ka napatawag?"

"Wifey ko nagugutom ka na ba? Gusto mo bang kumain tayo, susunduin kita dyan. Nasaan ka nga pala? Pinuntahan kita sa room mo at sabi sa kin ni Charm na hindi ka pa daw bumabalik mula ng ipatawag ka ni Madam"

"Nandito ako malapit sa library, may pinatour kasi sa kin si Madam na new transferee, pero patapos na rin ako puntahan na lang kita dyan sa room nyo. Wait for me na lang, mga five minutes lang"

"Sige wifey, hintayin na lang kita dito. Ingat ka. I love you, bye"

Binaba nya na yung phone after nun. Agad naman akong bumalik kung saan ko iniwan si Luke.

"Luke ano nga ulit yung gusto mong sabihin? May tumawag kasi"

"Aayain sana kitang-"

Bzzzzzzt.... Bzzzzzzt...

Sabi ko na nga ba si Paul Jay to. Agad kong binuksan yung text nya.

From: Paul Jay ♥

Bilisan mo wifey ko, namimiss na kita. I love you 😘

Napangiti ako ng mabasa ko yung text nya. Kahit kailan talaga mainipin yung lalaking yun. Kaya naman nagtype agad ako ng reply sa kanya.

To: Paul Jay ♥

Papunta na po hubby. I love you din 😘

Nagpaalam na ko agad kay Luke "Luke I need to go na may naghihintay pa sa kin, mainipin pa naman yun. Ingat ka na lang dito ha. Bye Luke"

Ngumiti sya sa kin pero napansin ko na hindi umabot sa mata nya yung ngiti nya

"Sige Eunice, thanks for the tour, sige ingat ka rin"

Nagwave na lang ako sa kanya tsaka tumakbo na ko, mahirap na baka magtampo pa sa kin yung hubby kong yun kapag nagtagal pa ko.


Luke's POV

Napasimangot na lang ako habang nakatingin kay Eunice na tumatakbo papalayo sa kin.

Hindi ko man lang naayang magdate o lumabas si Eunice, nakakapanghinayang.

Sino naman kaya yung kausap nya sa phone nya? Sobra kasi syang makangiti habang kausap nya whoever he/she is. Hindi ko pa nakikita na ngumiti sya ng ganun sa kin.

Para kasing she looks so happy habang kausap nya yung taong yun, what more kapag kasama nya na yung tao na yun. And I got a feeling na hindi babae yung kausap nya.

I need to get her out of my head. Nababaliw na ko kakaisip sa kanya, pagkagising ko sya agad nasa isip ko, hanggang ngayon.

~She's all that I see and she's all that I need and she's out of my league once again~

Agad kong sinagot yung tawag ng makita kong si Mom yun.

"Mom, what is it? May kailangan po ba kayo?

"Anak nandito na kami sa bahay, kauuwi lang namin ng Dad mo from France. Come home Luke, so we can have dinner here. I will cook your favorite ulam, adobo"

"Of course Mom, di ko papalagpasin ang best adobo in the whole world. I'll be there in thirty minutes. Bye Mom."

This is what I need, nice timing Mom. I can only wish na mawala sya sa isip ko kahit sandali lang. Sana nga...

Remembering YouWhere stories live. Discover now