Chapter 1

4 0 0
                                    


Luke's POV

Patakbo akong pumunta sa office ng tita ko sa school, late na kasi ako ng gising, kaya eto sobra akong nagmamadali kasi naman sobrang late ko na.

"Tita, sorry I'm late. Alam mo naman tita, pagod pa ko, kadarating ko lang galing France kahapon"

"It's ok Luke. Bukas ka na lang magstart, maghahanap muna ako ng pwedeng magtour sayo dito sa buong school"

"Thanks tita, just let me know po kung meron na kong tour guide, bye tita"

Naglakad lakad muna ako paglabas ko ng office ni tita. Hindi ko pa rin makalimutan yung babaeng nabunggo ko kanina.

Kung hindi lang talaga ako nagmamadali, I would love to take a look of her lovely face, di ko kasi masyadong nakita yung mukha nya, but I can't explain it, there's something about her, that makes my heart skips a beat.

Sana makita ulit sya, and when that time comes I will make sure na makikita ko na yung mukha nya.


Eunice's POV

I am currently eating with Paul Jay nang lumapit sa kin si Charm.

"Babae pinapatawag ka ni Madam Principal"

"Sinabi ba kung bakit?" mabilis kong tanong sa kanya kasi alam ko wala naman akong nagawang masama or something, wala rin namang nalalapit na school activity. Kaya nakapagtataka na ipinapatawag ako.

"Hindi ko alam, basta pumunta ka na lang dun pagkatapos mong kumain. Alis na ko friend, nagugutom na ko eh, bye!"

"Wifey gusto mo samahan na kita?"

"Wag na hubby kaya ko na to, dumiretso ka na lang sa room, after eating"

Binilisan ko na ang pagkain at baka importante yung sasabihin ng principal sa kin.

"Dahan dahan lang wifey, wag kang magmadali" sabay abot sa kin ng tubig ni Paul Jay.

"Thank you hubby" ininom ko yung tubig at inubos ko na yung pagkain ko at nagpaalam na kay Paul Jay .

"Bye hubby, see you later" sabay halik ko sa pisngi nya. Tapos tumakbo na ko papuntang office ng principal.

Nagmamadali akong tumatakbo ng biglang nabunggo na naman ako, kaya naman napaupo ako sa sahig.

"Sorry miss, di ko sina-" bigla na lang syang napatitig sa mukha ko, kaya naman bigla akong napayuko.

"I'm sorry talaga, this is the second time na nangyari to" sabay offer nya ng kamay nya para tulungan nya kong tumayo.

Agad ko namang inabot ang kamay at tumayo, sabay pagpag ng damit ko.

"It's my fault. Sorry nagmamadali kasi ako, kaya nabunggo kita"

Napatawa naman siya ng mahina, kaya napatingin ako sa kanya. Kaya nakita ko na gwapo talaga sya, matangkad rin sya. At nakita ko yung dalawa nyang dimples, na nakapagpadagdag sa kagwapuhan nya.

"Hey, that was my line. Yan din yung sinabi ko sayo the first time we met" sabay ngiti nya sa kin.

Napangiti na din ako dahil talagang nakakahawa talaga yung ngiti nyang yun.

"I'm Luke by the way, and you are?" sabay extend ng kamay nya.

Ngumiti muna ako tapos sinabing " I'm Eunice, nice to meet you Luke" sabay abot ng kamay niya.

"Perhaps we can meet some other time, so I can treat you coffee or anything you want. Para naman makabawi ako sayo"

"I would love that. Pero kailangan ko na talagang umalis, bye Luke" sabay talikod na para umalis pero mabilis nyang nahawakan yung kamay ko.

"Pwede ko bang mahingi ang number mo, if you don't mind, so I can contact you, para masabi ko sayo kung kailan yung date natin" sabay wink nya sa kin. Sabay abot sa kin ng phone nya.

Sino ba namang hindi mapapanganga sa kagwapuhan ng lalaking to, ngiti pa lang pamatay na.

Kinuha ko yung phone nya at tinype ko yung number ko, tapos sinave ko na rin. Binalik ko na yung phone ko sa kanya after nun.

"Friendly date Luke, I need to go na talaga, bye Luke"

Ngumiti sya sa kin at nagwave sabay talikod.

Napangiti na lang ako habang naglalakad palayo sa kanya. So Luke pala yung pangalan nya 😊

Remembering Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن