Chapter 10

4 0 0
                                    

Charmaine's POV

Nakarating naman kami agad sa ice cream shop at bumili sya ng ice cream para sa kin. Nakahanap agad kami ng mauupuan.

Kitang kita ko sa mukha nya na gusto nya na talagang malaman kung sino si Ashley. "Ayaw mo ng ice cream?"

"Let's get straight to the point Charm. Sino ba talaga si Ashley?"
Ang seryoso naman ni Luke. Hindi ko talaga mapigilang mapatawa kasi, sobrang seryoso ng mukha nya. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Chill Luke. Joke lang. Si Eunice." Kita naman sa mukha nya yung pagkagulat.

"Paanong si Eunice?" base sa itsura ng mukha nya, mukhang naguguluhan talaga sya.

"Eunice Ashley Perez, yung full name ni Eunice, so dun nanggaling yung tawag mo sa kanyang Ash dati, at galing naman sa second name mong Joshua, yung Josh. Parang endearment nyo na rin yon, kasi kayo lang ang tumatawag ng ganun sa isa't isa."

"Paano ka naman nasama sa aksidenteng nangyari?" tanong ni Luke, at parang medyo naliliwanagan na sya sa sinabi ko.

"Kasama ako sa kotseng minamaneho ni Charm ng gabing yun. Kahit alam kong ikaw ang may dahilan ng lahat, di ko pa ring magawang magalit sayo, dahil di ko pa naririnig yung side mo."

"Anong ako yung dahilan? Paano naging ako?" naaawa rin ako kay Luke, dahil hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik yung alaala nya.

"Gusto ko mang sabihin sayo, pero mas maganda kung ikaw mismo ang makaalala nun. Pero sinasabi ko sayo Luke, wag na wag mong sasabihin kay Eunice lahat ng sinabi ko sayo ngayon. Hayaan mong siya ang makaalala ng lahat. Galit din yung Mommy ni Eunice sayo, kasi ikaw yung sinisisi nya sa nangyaring aksidente. Ginagawa ko to para tulungan yung bestfriend ko dahil alam ko na darating din yung araw na maaalala nya ang lahat. Pakiusap ko sayo Luke tulungan mo ang bestfriend kong maalala ang lahat."

"Paano ko gagawin yun Charm kung ako mismo di ko maalala lahat." kitang kita ko sa mga mata ni Luke ang pagkalungkot.

Alam kong sinabihan ako ni Tita na wag ko daw hahayaan na magkalapit ulit ang dalawa. Pero alam ko na ang gagawin kong to ay para sa ikasasaya ng bestfriend ko.

"Magkita ulit tayo bukas dito, may ibibigay ako sayo, alam kong malaki ang maitutulong nun, para maalala mo ang lahat. Pero dapat mag-ingat tayo dahil baka magduda si Eunice kapag nakita nya tayong magkasama. Baka isipin pa nun may relasyon tayong dalawa. No offense, pero di kita type."

Natawa si Luke sa sinabi ko, "Wag ka mag-alala loyal ako kay Eunice. Pero maraming salamat talaga Charm. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitulong mo sa kin ngayon. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan, kung di dahil sayo, baka hanggang ngayon clueless pa rin ako kung sino si Ashley. Maraming salamat talaga."

"Alam ko kung paano mo ko mababayaran. Libre mo ko ng ice cream. Nakakapagod magkwento ng love story nyo"

Napatawa na lang kami pareho.

Luke's POV

Wag ka mag-alala Charm, gagawin ko ang lahat para maalala ulit ako ni Eunice.

Sana lang hindi pa huli ang lahat...

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon