Chapter 13

2 0 0
                                    

Charm's POV (bago pa sila magkita nila Eunice sa mall)

Nagising ako ng 10:30 na. May usapan pa nga pala kami ni Luke na magkikita kami ngayon. Ngayon ko kasi ibibigay sa kanya yung diary nilang dalawa nila ni Eunice.

Oo, tama ang nabasa nyo, may diary silang dalawa. Si Eunice ang nakaisip na gumawa sila ng diary, simula pa nung unang araw na sinagot nya si Luke.

Yung mga unang entries ng diary nila ay puro si Eunice lang ang nagsulat tapos nung 1st monthsary nila ay iniregalo ni Eunice kay Luke yung diary.

Tapos nung 2nd monthsary si Luke naman yung nagregalo nun kay Eunice, laman yung mga entries na sinulat naman ni Luke. Ganun lang yung cycle.

So si Eunice yung last na may hawak nung diary. Nakuha ko to sa room niya. Si Tita Angel (mom ni Eunice) kasi pinatapon lahat ng mga gamit ni Eunice na pwedeng magpaalala sa kanya kay Luke. Ayaw na talaga kasi ni tita na maalala pa ni Eunice si Luke.

Itong diary na lang talaga yung natira. Itinago ko talaga to, kasi alam kong darating talaga yung araw na kakailanganin ko to.

So itinext ko si Luke na sa mall na lang kami magkita sa Chowking. Nagbihis na ko tapos pumunta na sa mall.

Pagdating ko sa Chowking nandun na si Luke, kaya lumapit na ko kung saan siya nakaupo.

"Hi Luke" tapos umupo na ko.

"Hello Charm, so nasaan na yung ibibigay mo?" tignan mo nga to, kadarating ko lang, yan agad yung bati sa kin. Di man lang ako inalok ng pagkain. Wag ko na kayang ibigay sa kanya to. Joke lang, baka mapatay pa ko ni Luke.

"Order muna tayo, libre mo ko, gusto ko halo-halo" sinamaan niya naman ako ng tingin, "Ayaw mo? So hindi ko na pala ibibigay to sayo" tumayo naman agad siya at umorder na. Uto-uto pala tong si Luke.

Hindi naman nagtagal at bumalik sya at dala niya na yung halo-halo ko, at mukhang nag-order rin sya ng kanya.

Inabot ko sa kanya yung diary. Napakunot naman yung noo niya " Ano to Charm? Hindi ako nakikipaglokohan sayo, aanuhin ko tong diary mo."

"Hindi rin ako nakikipaglokohan Luke. Bakit di mo muna kasi tignan kung kanino yan?" tinignan nya naman yung 1st page. Ang nakasulat kasi dun ay - "MEMORIES OF ME AND MY EVER LOVING BOYFRIEND, JOSH"

"Diary nyo yan ni Eunice, regalo sayo ni Eunice nung first monthsary nyo, which is March 29. Tapos mula March 29 hanggang April 28, ikaw naman yung nagsulat sa diary na yan, tapos binigay mo sa kanya ulit nung April 29, second monthsary nyo. Pasalit-salitan lang kayo, kay Eunice yan huling napunta kasi November 25 nangyari yung accident, tapos dapat ibibigay nya yan sayo ng November 29, ninth monthsary nyo dapat, kaya lang di umabot."

"So nandito lahat ng alaala naming dalawa ni Eunice na magkasama?" tanong sa kin ni Luke.

"Yup. Basahin mo yan, at I'm sure na maaalala mo ang lahat." sabay kain ng halo-halo. Tignan mo nga to si Luke, tunaw na yung halo-halo nya, di nya pa nababawasan. Ubos ko na nga yung akin.

"Thank you Charm, this diary will help me a lot" halata namang sobrang thankful sya.

"Oo na, halika punta tayong arcade" tapos hinila ko sya, nagpatangay naman siya.

Tawa kami ng tawa ni Luke kasi ikinuwento ko sa kanya yung time na nadulas si Eunice nung 7th birthday niya, yung papunta na sya sa harapan to blow the candles.

Habang naghahanap ako ng una kong lalaruin, nakita ko si Eunice.

Anong ginagawa ni Eunice dito?? Fuck!! Kailangan kong magtago. Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta ako ngayon sa Lola ko. SHIT! SHIT! SHIT!
KAILANGAN KO TALAGANG MAGTAGO!! Saan naman ako magtatago??

Nagulat na lang ako ng lapitan ni Luke si Eunice. Kinurot ko naman yung tagiliran ni Luke pero di naman nya pinansin. It's too late para magtago nakita nya na ko. BWISIT KA LUKE!!

Papatayin ko talaga tong si Luke mamaya. Pangalawang beses na tong nangyari, baka kung ano ng isipin niya sa amin ni Luke.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Paul Jay kay Eunice at hinalikan sa pisngi si Eunice. Ang galing talaga, nandito rin si Paul Jay, mahal na mahal talaga ako ng universe. *insert sarcasm here*

Alam nyo kung bakit?? Nalaman ko lang naman na ikakasal na pala ako. Fixed Marriage, kailangan para magmerge yung company namin pati nung lalaking papakasalan ko.

AT ALAM NYO BA KUNG ANONG NAKAKAINIS?? SI PAUL JAY YUNG LALAKING PAPAKASALAN KO!!! FUCK THIS LIFE!! Pero mukhang di pa alam ni Paul Jay ang tungkol dun.

Enough about my fucked up life. Nakakainis lang kapag naiisip ko yun.

Nakita ko namang umigting yung panga ni Luke dahil dun sa paghalik ni Paul Jay kay Eunice.

Fucking siomai!! Nakalimutan ko palang sabihin kay Luke na may boyfriend na si Eunice. Mukhang ako ang mapapatay ni Luke mamaya.

Pinakilala naman ni Eunice si Paul Jay kay Luke. Ang di alam ni Eunice ay kilala ni Paul Jay si Luke. Well, kilala rin naman ni Luke si Paul Jay, kaya nga lang nagkaamnesia siya, kaya technically di na niya kilala si Paul Jay.

Magkaibigan kaya yang dalawa na yan dati, kaya lang nagkagusto si Paul Jay kay Eunice, pareho nilang niligawan si Eunice dati, syempre ang sinagot ni Eunice ay si Luke. Pagkatapos nun, umiwas na si Paul Jay sa kanila. Pumunta rin syang ibang bansa.

Nung malaman niya lang na maaksidente si Eunice, dun lang siya umuwi dito. Tapos niligawan niya ulit si Eunice, sinagot siya ni Eunice, naging sila.

Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Luke palabas ng arcade. Nakita ko ring wala na sila Eunice. Hindi ko na napansin na umalis na sila. Masyado kasi akong nakafocus sa past ng bestfriend ko.

"Why didn't you tell me na may boyfriend na pala si Eunice?" patay talaga ako nito, mukhang galit talaga siya.

"I'M SORRY, OKAY? NAKALIMUTAN KONG SABIHIN SAYO. AT IKAW PA TALAGA YUNG MAY GANANG MAGALIT, PAGKATAPOS NG LAHAT NG ITINULONG KO SAYO!!!" ayan nailabas ko na yung galit ko, ito naman kasing si Luke, di ko naman talagang sinasadyang sigawan siya. Mainit lang talaga yung ulo ko.

Mukhang natauhan naman siya sa sinabi ko. "Sorry Charm, nadala lang talaga ako ng galit ko."

"Sorry din Luke kung nasigawan kita, mainit lang talaga yung ulo ko ngayon."

"Kailangan ko na palang umuwi Charm para masimulan ko ng mabasa tong diary at maalala ko na lahat. Kailangan ko pang magplano kung paano ko babawiin si Eunice dun sa lalaking yun."

"Good luck with that. Sige bye na, shopping muna ako. Ingat ka" tapos iniwan ko na sya dun.

Haaaayyyyy....

Bakit si Paul Jay pa??? Hindi pa ba sapat lahat ng sakit na naramdaman ko noon dahil sa lalaking yun?? Kung kailan medyo nakakamove on na ako. Ngayon pa talaga to mangyayari.

Di ko naman pwedeng suwayin yung parents ko. Paano na to??

Luke's POV

Fuck! May boyfriend pala si Eunice. Pero I don't fucking care kung may boyfriend na siya. Basta gagawin ko pa rin ang lahat para mabawi ko si Eunice. Pero mukhang mahihirapan ako nito.

I have an idea. Mukhang kakailangan ko ng tulong ni Tita Cecille (yung principal). Tinawagan ko naman agad si Tita.

"Hello tita, may pabor lang po sana akong hihilingin sa inyo..."

Sorry Paul Jay, mukhang hindi mo makakasama si Eunice sa loob ng isang linggo, but don't worry, I will make sure na magiging masaya siyang kasama ako. *evil smile*

Remembering YouWhere stories live. Discover now