Chapter 15

5 0 0
                                    

Eunice's POV

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Napatingin siya sa suot kong damit at bahagyang namula yung mukha nya. Umiwas na lang siya ng tingin at napakamot ng batok nya. "Ah.. Saan ka ba nanggaling kanina pa ko naghihintay dito. Kanina pa tapos yung klase."

"Nagshopping lang kami ni Eunice at pumunta sa condo ni Pat." ano bang kailangan ng lalaking 'to sa 'kin.

"Siya ba yung lalaking kayakap mo kanina? Anong ginawa mo sa condo ng lalaking yun?" tignan mo nga tong lalaking to kung makaasta parang boyfriend ko, dinaig pa si Paul Jay.

"Teka nga lang Luke. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Bakit ka nandito? At paano ka nakapasok?"

Umupo sya kama ko bago sinagot yung tanong ko. "I just want to see you, Ashley. Bukas yung bintana mo, dun ako dumaan. Bakit nga pala di mo sinasarado yung bintana mo? Paano na lang kung may ibang makapasok dito sa kwarto mo? Di mo ba alam na delikado ka kapag nangyari yun."

"Wait lang Luke, sa pagkakaalam ko isa lang yung daddy ko. Hindi mo ko kailangang pangaralan na parang tatay kita. Wait, wait... Bakit mo ko tinawag na Ashley?" nakapagtataka kasi wala naman masyadong nakakaalam nung second name ko, bukod sa mga taong malalapit lang sa kin.

"I just want to. Tandaan mo, ako lang ang may karapatang tumawag ng Ashley sayo. Understand?"

"From now on, Ashley na lang ang itatawag ko sayo at Josh naman ang itatawag mo sa kin. Ako lang may karapatang tumawag sayo ng Ashley at ikaw lang ang may karapatang tumawag sa kin ng Josh. Para kapag tinawag kita sa pangalang Ashley, alam mong ako agad yon, ako agad maaalala mo. Okay na sayo yun Ashley?"

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil may bumalik na namang alaala.

Agad naman akong nilapitan ni Luke, "Hey Ashley, are you okay? Masakit ba yung ulo mo? Humiga ka muna." tapos inalalayan nya ko papunta sa kama.

"I'm fine, Luke" nagulat kami pareho nang may kumatok.

Tok... Tok... Tok...

"Eunice hija, pwede ba kong pumasok? Dala ko na yung juice mong hinihingi sinamahan ko na rin to ng cookies baka sakaling gutom ka na." si Manang Neli yun, yaya ko simula pa nung maliit ako.

"Wait lang po, Manang!!"

Agad ko namang pinagtago si Luke sa ilalim ng kama ko.

"Pwede na po kayong pumasok Manang Neli." pumasok si Manang Neli na may dalang juice at cookies

"Thank you po Manang Neli." inilibot ni Manang Neli yung mata nya, na parang may hinahanap.

What the fudge!! Alam nya kayang nandito si Luke?? Nakita ko naman yung paa ni Luke na nakalabas kaya pasimple kong sinipa yon. Napatingin naman si Manang Neli sa parteng sinipa ko. Nagstretch na lang ako kunwari ng paa ko.

"Bakit po Manang Neli, may hinahanap po ba kayo?"

"Wala naman hija, parang may naririnig kasi ako kaninang kausap mo. Bakit ka nga pala sumisigaw hija?" napalakas yata yung sigaw ko kanina.

"Ah.. Eh.. Kausap ko po... si Charm, opo, si Charm po. Tapos, may ibinalita lang po siya sa kin, kaya po ako napasigaw." natampal ko na lang yung noo ko sa isip ko.

"Ganun ba hija. Sige at kailangan ko ng bumaba marami pa kong tatapusing gawain. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka."

"Ok po Manang. Maraming salamat po ulit." nang makalabas na si Manang ay dun lang ako nakahinga ng maluwag. Lumabas na rin si Luke sa ilalim ng kama.

"That was close." tapos pinunasan nya pa yung noo nya na parang nahirapan talaga siya.

"That's it. You need to get out Luke!! Ano na lang sasabihin nila Mommy kapag nalaman nilang nandito ka sa kwarto? Alis na Luke bilis." tapos tinulak ko sya papunta sa bintana.

"Okay Ashley. Aalis ako, but in one condition. Leave your window open. Para makabalik pa ko."

"Are you really crazy Luke?? May balak ka pa talagang bumalik?? We're lucky na hindi ka nakita ngayon, tapos babalik ka pa talaga. Ano ba talagang kailangan mo sa kin?" ang lakas na talaga ng tama nitong lalaki. Magagalit talaga sila Mommy kapag nalaman nila to.

"I just miss you Ashley. Kapag di ka pumayag, di talaga ako aalis dito. Looks like I'll be staying here for a little longer." I can't help but blush, kanina niya pa kasi sinasabing namimiss niya ko. Parang ang tagal naming hindi nagkita samantalang nakasalubong ko pa sya kanina sa school.

"Okay Luke. Basta umalis ka na. Napapagod na rin ako. Good night Luke." nagulat ako ng bigla siyang lumapit at hinalikan ako sa noo.

"Good night Ashley. I love you."

Di ko na narinig yung huling sinabi niya at tuluyan na syang lumabas ng bintana.

Hinawakan ko naman ang dibdib ko. At sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito ang epekto ni Luke sa kin?

Nahiga na lang ako sa kama ng wala pa rin sa sarili.

Ano bang meron sayo Luke?? Ano tong nararamdaman ko para sayo??

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon