Chapter 7

4 0 0
                                    

Luke's POV

Nakatitig lang ako sa likod na Eunice habang nagtuturo na yung teacher namin. Di ko rin naman maintindihan kasi busy nga ako kakatingin kay Eunice.

Mukhang tinamaan na talaga ako kay Eunice. Hindi ko rin talaga maipaliwanag kung bakit parang ang bilis naman. Nagtataka rin ako sa sarili ko.

Alam kong ipinangako ko sa sarili ko, na hahanapin ko si Ashley, yung taong minahal ko daw dati. Kaya hindi talaga pwede itong nararamdaman ko na to para kay Eunice.

Kailangan ko mahanap si Ashley, bago pa tuluyang lumala tong nararamdaman ko para kay Eunice.

RINGGGGGGGG.....

Agad naman akong lumabas para makipagkita sa private investigator ko.


Eunice's POV

Bakit parang nagmamadali si Luke lumabas? May problema kaya yun?

Naramdaman ko naman na parang may yumakap sa kin.

"Wifey, kain na tayo, nagugutom na kasi ako"

"Kawawa naman yung Hubby ko. Halika na kain na tayo" sabay hila ko sa kanya papuntang canteen.

Umupo na kami sa usual na table na inuupuan namin.

"Wifey bili na ko ng food. Wag mo akong mamimiss agad" nagflying kiss pa talaga.

"Eunice!!!! Bakit ba iniwan mo ko dun? Di mo man lang ako hinintay."

"Nagugutom na daw kasi si Hubby, kawawa naman yung tao"

"Kahit na, akala ko ba bestfriend mo ko?" sabay pout pa ni Charm.

"Sorry na friend libre na lang kita ng ice cream mamaya" alam ko namang kahinaan ng kaibigan kong to ang ice cream.

"Apology accepted. Basta libre ko mamaya, wag mo kalimutan"

"Oo na" nakita ko namang papalapit na si Paul Jay. At ang dami nyang dalang pagkain.

"Bakit ang dami naman nito Hubby?"

"Gutom na kasi talaga ako wifey ko. Para din sayo yan, gusto palagi kang busog."

"Kain na tayo, Charm makishare ka na rin, marami naman to"

"Thank you PJ, the best ka talaga" at nauna pa talaga syang kumuha ng pagkain kaysa sa kin.

Nagsimula na rin akong kumain, gutom na din kasi ako.

"Wifey may ketsup ka sa gilid ng labi mo" pinunasan nya agad yun.

" Ang kalat mo talaga kumain Ashley, para kang bata"

Nagpout naman ako "Di naman Josh, nagugutom lang naman talaga kasi ako"

Natawa naman sya "Sorry na Baby Ash, di mo naman kasi sinabi na di ka pa naglulunch."

"I love love love love you Ash" sabay punas nya ng tissue sa bibig ko.

"I love love love love you too Josh, kahit ginutom mo ko"

Sabay na lang kaming napatawa.

"Eunice, Eunice!!! Babae hoy" nagulat na lang ako ng bigla akong tapikin sa pisngi ni Charm.

"Bakit?" sabay hawak ko sa pisngi ko.

"Kanina ka pa kasi nakatulala dyan, para kang tanga"

"Wala may naalala lang ako. Sige, comfort room lang muna ako" agad akong nagpunta sa cr tapos naghilamos ng mukha.

Sino ba si Josh? Bakit ba ginugulo nya yung isip ko palagi? Sana malaman ko kung sino sya, para naman mapanatag na yung loob ko.

Remembering YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora