Chapter 16

2 0 0
                                    

Eunice's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ko sa phone. Agad ko namang pinindot yung snooze button at nakita kong 7:20 na. Pupunta na sana ako sa cr para maligo ng may makita akong yellow rose sa nightstand ko.

Kinuha ko yung rose at may note na kasama yun. Ito yung nakasulat:

Good morning Ashley. I hope you had a good night sleep. See you later at school.
- Josh
Remember me, please.

Sinong Josh to? Wala naman akong kilalang Josh. Weird. Paano naman nakapasok yun dito? Napatingin ako sa bintana at nakita kong nakabukas yun. Oo nga pala, pinaiwan nga pala ni Luke na bukas yung bintana kagabi.

Kinuha ko naman yung phone ko at nagsearch ng meaning ng yellow rose, buti na lang may wifi kami dito sa bahay.

Base sa mga nasearch ko ilan sa mga meaning ng yellow rose ay joy, friendship, delight, promise of a new beginning, remember me, jealousy and "I care".

Sobra palang daming meaning ng yellow rose. So remember me yung meaning nung yellow rose, halata naman kasi may remember me na naka-italicize. Bakit ko naman aalalahanin yung Josh na yun kung di ko naman sya kilala?

Mamaya ko na nga iisipin to, baka malate pa ko. Naligo na ko, pagkatapos bumaba na ko.

Nakita kong wala sila Mommy dun. Si Manang Neli lang nandun at naghahanda siya ng pagkain.

"Good morning po. Nasaan po sila Mommy, Manang Neli?"

"Ay naku hija kagabi pa sila umalis papuntang U.S. may aasikasuhin daw sila dun, pero sandali lang yung mga yun, tatlo hanggang apat na araw lang ang itatagal nila dun."

Umupo na ko at kumuha na ng pagkain. "Ganun po ba. Sumabay na po kayo sa kin kumain Manang Neli tutal wala naman po akong kasabay."

Pagkatapos kong kumain ay sakto namang dumating na si Paul Jay.

Binati naman ni Paul Jay si Manang "Good morning po Manang Neli, susunduin ko na po si Eunice"

"Sige hijo. Mag-ingat ka sa pagmamaneho." bilin ni Manang.

Umalis na kami sa bahay at sumakay na kotse ni Paul Jay, habang kinakain ko yung goya na bigay ni Paul Jay.

Habang nagdadrive si Paul Jay ay hinawakan nya na naman yung isang kamay ko "Wifey may importante akong sasabihin sayo" tinuon ko naman yung buong atensyon ko sa kanya kasi mukhang seryoso yung pag-uusapan namin.

"Kailangan kong pumunta ng U.S. nagkasakit kasi si Papa at walang maghahandle ng company namin dun" yun lang naman pala, akala ko nung una makikipagbreak na sya sa kin.

"Ok lang Hubby, para sa kompanya nyo naman yan, pumunta ka na ng U.S. ilang araw ka ba dun?"

"Yun na nga ang problema Wifey, hindi lang araw ang itatagal ko dun, baka 5 to 6 months or maybe even a year, wala pang kasiguraduhan." Hinalikan nya yung kamay ko bago nya itinuloy yung sinasabi nya. Medyo maluha-luha na rin sya. Kaya di ko mapigilang maiyak na ng tuluyan.

"Mahirap para sa akin ang situwasyong ito Eunice. Kaya ko sinasabi ngayon sayo to para itanong ko sayo kung gusto mo pa bang ituloy 'tong relasyon na 'to."

Niyakap ko agad si Paul Jay nung sinabi nya yun "Syempre naman gusto kong ituloy. Bakit mo namang naisip na hiniwalayan kita dahil lang dito?" lumabas si Paul Jay pagkatapos kong sabihin yun, kaya mas lalo akong naiyak.

Nagulat na lang ako nang may nagbukas ng pinto ng kotse sa side ko. Nakita kong si Paul Jay yun. Akala ko ba umalis siya?

Hinila ako ni Paul Jay palabas ng kotse ng dahan-dahan at niyakap nya ko. Humiwalay agad sya sa pagkakayakap sa kin at pinunasan yung mga luha ko.

"Huwag ka ng umiyak Wifey. Sinabi ko lang naman yun kasi ayaw kitang mahirapan kapag nasa U.S. na ko. Hindi ka ba mahihirapan sa long distance relationship? Hindi kita madalas matatawagan dahil magiging sobrang busy ako dun. Hindi ko magagawa ng boyfriend duties ko. Magiging walang silbing boyfriend mo lang ako. Tingin ko mas maganda kung magbreak muna tayo ngayon. Gusto kitang bigyan ng kalayaan. Paano na lang kapag nagkagusto ka sa iba habang wala ako? Basta Eunice ito ang tatandaan mo, ipinapangako ko sayo na babalikan kita, at kapag nakabalik ako at mahal mo pa rin ako, liligawan kita ulit. Okay ba yun sayo?"

"Kung yan ang gusto mo Hubby. Basta, hihintayin kitang makabalik."

"Wait lang pala Wifey, wag muna tayong magbreak ngayon, sa araw ng pag-alis ko na lang. Sa makalawa na yung alis ko. So we need to enjoy our last days together."

"Halika na nga Hubby, baka malate pa tayo." tapos hinawakan ko yung kamay nya at pumunta na kami sa klase.

Pagdating namin sa room ay umupo agad ako sa upuan ko. Nakita ko namang namumula yung mata ni Charm at halatang kagagaling lang din sa pag-iyak.

"Anong nangyari Charm? Bakit ka umiyak?" nag-aalala talaga ako kasi di naman talaga pala iyak na tao si Charm.

Pumasok na si Ma'am sa room kaya umayos na kami sa pagkakaupo at napagpasyahang mamaya na lang pag-usapan kung ano man yun.

Natapos din naman yung klase ng di ko namamalayan, wala rin naman akong masyadong naintindihan dahil iniisip ko pa rin yung pinag-usapan namin ni Paul Jay kanina at pati yung dahilan ng pag-iyak ni Charm.

Lumapit ako agad kay Charm pagkalabas nung teacher namin. "Halika Charm, lagay muna natin yung mga libro natin sa locker bago natin pag-usapan yung dahilan ng pag-iyak mo"

Tahimik lang si Charm habang naglalakad kami, halatang malaki talaga yung problema nya.

Nang makarating kami sa mga locker namin ay agad kong binuksan yung locker at ilalagay ko na sana yung mga libro ko nang may makita na naman akong yellow rose na may note din, ito yung nakasulat:

Sana ako na lang ang nagpupunas ng luha mo at kayakap mo tuwing malungkot ka.
- Josh
I am so fucking jealous of him.

Pangalawa na 'to ngayong araw. Yellow rose na naman. Ano nga ba yung different meanings ng yellow rose?

Ah, naalala ko na... joy, friendship, delight, promise of a new beginning, remember me, jealousy and "I care".

Base sa naka-italicize na words, jealousy naman ang meaning ng yellow rose na 'to.

Mamaya na nga 'to, uunahin ko muna yung bestfriend ko.

"Charm ok ka lang? Ano bang problema?" nang itanong ko sa kanya yun ay bigla na lang sya umiyak at niyakap ako.

"Eunice kasi... Aalis na ko, pupunta akong U.S. tapos di ko alam kung kailan pa ko makababalik baka months or years pa. Ayaw kitang iwan dito." di ko ring mapigilang maiyak sa sinabi ni Charm. Niyakap ko sya ng mas mahigpit.

"Shhh, tahan na Charm, wag ka na umiyak. Okay lang yan, pwede pa rin naman tayong magskype, FaceTime, Facebook, ang daming paraan. Tumahan ka na at mas lalo ka lang pumapanget." bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Kasi naman, iba pa rin yung personal Eunice. Paano na kita mayayakap nyan? Mamimiss kita, friend."

"Oo na Charm, mamimiss din kita. Tigilan na nga natin yung pagdradrama, para tayong baliw dito na nagyayakapan." kumalas na kaming dalawa sa pagkayakap sa isa't-isa.

"Halika na Eunice, kain na tayo nakakagutom yung pag-iyak."

Naglakad na kami papuntang canteen na nakaangkla yung braso namin sa isa't-isa.

Bakit feeling ko unti-unti na kong iniiwan ng mga taong mahal ko? Paano na ko ngayon?

Remembering YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora