Chapter 11

8 0 0
                                    

Eunice's POV

Paulit ulit pa ring bumabalik sa isipan ko yung nakita ko kanina. Bakit ba kasi masyado akong naaapektuhan? Ano naman kung sila nga talaga. Wala namang masama dun, single si Charm, pati rin si Luke.

Pero di ko pa rin maiwasang makaramdam ng tampo sa bestfriend ko. Bakit nya sa kin di sinabi? Bakit kailangan pa nyang magsinungaling? Kaya naisip kong tawagan na lang si Charm.

Pagkalipas ng ilang ring sumagot si Charm. "Friend bakit napatawag ka? May problema ba?" halata sa boses nya na nag-aalala sya sa kin, dahil hindi naman kasi ako palatawag na kaibigan. Tinatawagan ko lang sya kapag may problema ako. Mas gusto ko pa rin na sa personal kami nag-uusap.

"Wala naman. Gusto ko lang kamustahin si Kuya Pat. Di ba sabi mo susunduin nyo sya ngayon. Kasi namimiss ko na rin yun, ang tagal na nung huli ko syang nakita"

"Si Kuya Patrick? Paanong- Ah, oo, si Kuya Pat. Ah, eh sabi ni Mommy baka sa weekend or next week pa daw sya makauwi, may emergency daw kasing nangyari, oo tama, di ko alam, basta... Oo, may something na nangyari... Ah, sige friend may gagawin pa kong project sa science...ay mali, sa math pala. Sige, bye."

Alam kong nagsisinungaling si Charm, kilalang kilala ko yang bestfriend ko kapag nagsisinungaling, kung anu-anong pinagsasabi. Project sa math?? Wala nga si sir kanina. Haaaay, nako. Kung ayaw sabihin sa kin ni Charm baka may maganda na man syang dahilan. Hihintayin ko na lang na sya ang magsabi sa kin.

Charmaine's POV

Alam kong alam na ng bestfriend kong nagsinungaling ako sa kanya. What can I do? I'm not a very good liar.

Paano na yan? Saan ko ba kasi nakuha yung excuse na darating si Kuya Pat?? Matawagan nga yung pinsan kong yun. Papauwiin ko na lang sya.

Sinagot nya rin naman agad yung tawag, "Hello Cha, bakit napatawag ka?"

"Kailan ka uuwi Kuya Pat. Kailangan kita dito. Umuwi ka na please." kailangan ko talagang pauwiin na si kuya, mas lalong magdududa si Eunice kapag walang dumating na Patrick next week.

Masyado na kong maraming kasinungalingang sinabi sa kanya, ayoko nang dagdagan pa yun.

"Baka next month yung uwi ko. Masyado pa kong nag-eenjoy dito sa Japan. Bakit ba kasi? May nangyari ba?"

"Pwede bang next week ka na umuwi? Nasabi ko kasi kay Eunice na next week ka na uuwi. Basta mahabang kwento. Sige na please." sana pumayag na tong si Kuya Pat, alam ko namang si Eunice ang kahinaan nyan. Patay na patay kasi yan kay bestfriend. Pumunta lang sya sa Japan nang naging boyfriend na ni Eunice si Luke.

"Oo na. Namiss ko na rin kasi si Eunice. Kamusta na ba sya? Naalala na ba nya lahat? Sila pa rin ba nung Paul Jay?" bukod kasi sa kin si Kuya Pat pa yung nakakaalam ng lahat lahat.

"Wala pa rin syang idea na nagkaamnesia sya. Sila pa rin ni Paul Jay. Sige na kuya bye na, umuwi ka nalang dito, para makita mo na si Eunice"

"At least, isa na lang ang karibal ko. Mas malaki yung chance ko laban kay Paul Jay kaysa kay Luke. Sige na bye na, ingat ka dyan."

"Bye Kuya Pat. Thank you ulit. See you next week."

Yes!!! Excited na ko sa pagdating ni Kuya Pat. Sigurado akong matutulungan nya ko sa problema ko.

Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin ang totoo. Alam kong maaaring magalit sa akin si Eunice kapag nalaman nya na may kinalaman ako sa nangyaring aksidente.

Ginagawa ko ang lahat ng ito, para makabawi ako sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya dati, pinagsisisihan ko lahat na hindi ko sa kanya sinabi lahat ng malalaman ko. Kung sinabi ko lang lahat, baka hindi na nangyari ang aksidenteng yun.

Sana kapag nalaman na ni Charm at Luke ang lahat, sana mapatawad nila ako.

Kaya para makabawi, gagawin ko ang lahat para tulungan silang maalala ang isa't isa.

Sorry Charm at Luke, sorry talaga...

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon