Chapter 4

6 0 0
                                    

Luke's POV

Agad naman akong nakarating sa bahay namin. Nakita ko ang kotse nila mom and dad, so ibig sabihin nandito na nga sila.

Pumasok na ko sa bahay at dumiretso sa kitchen, at naabutan kong nagluluto si Mom habang may kausap naman si Dad sa phone, alam ko na yan, business matters, masyado kasing workaholic yung Dad ko.

" Mom and Dad I'm home."

Napatingin agad sa kin si Mom at yumakap sa kin habang si Dad nakita kong nagpapaalam na sa kausap niya.

"How are you anak? Kamusta naman yung bagong school mo?"

"Maganda naman yung school ni tita, and I want to thank you both for making me transfer here, kasi dahil dun may nakilala akong babae, and I can say that I like her, ever since the first time we met"

"I want to meet her anak, siya lang yung unang babae that caught your attention ever since the accident. By the way anak, di na ba sumasakit yung ulo mo or bumalik yung alaala mo? Sabi ko naman sayo anak magpacheck ka na dun before ka umalis"

"Mom I'm ok. Hindi na sumasakit yung ulo ko, pero wala pa rin akong naaalala. I guess kailangan ko lang maghintay sabi kasi ng doctor may possibility na bumalik pa yung alaala ko"

"Ok lang yan anak. Don't stress yourself too much."

"What are you waiting for? kumain na tayo"

Narinig kong sabi ni Dad kaya kumain na kami. Wala na rin naman kaming masyadong napag-usapan puro about school stuffs lang and business nila.

"I'm sorry anak kung ayaw ko mang banggitin yung pangalan ng babaeng minahal mo dati before the accident, kasi nagkaroon din sya ng amnesia kaya di ka rin nya maaalala. You just need to wait, babalik din yang alaala mo, and you can make new memories with her. Kung hindi naman, just remember that everything happens for a reason. Who knows, maybe God has better plans for you"

"Thanks Mom. I'll go upstairs na po, medyo pagod na din po kasi ako. Goodnight Mom and Dad" sabay yakap ko sa Mom ko. I'm so lucky to have them both.

"Good night anak" kahit yang si Dad na minsan lang magsalita alam kong mahal nya din ako katulad ng pagmamahal sa kin ni Mom.

Dumiretso na ko sa kwarto ko at nahiga. Kahit ba naman sa pagtulog si Eunice pa rin iniisip ko.

Kinuha ko agad ang phone ko at nagtext kay Eunice.

To: Eunice

Good night, sweet dreams.
~Luke 😉

Bzzzzzzt.... Bzzzzzzt...

Agad kong kinuha ang phone ko at muntik ko pang mahulog dahil sa pagmamadali.

From: Eunice

Good night din 😃

She never fails to make me smile. Hanggang sa nakatulog na ko na may ngiti pa rin sa mukha dahil lang kay Eunice....

I don't know but, I think I maybe falling for her..

Remembering YouWhere stories live. Discover now