Chapter 2

4 0 0
                                    

Luke's POV

Hindi ko talaga maiwasang magtatalon sa tuwa ng makita kong wala na si Eunice, kasi nakakahiya naman kung makita nyang nagtatatalon ako dito.

Sobrang saya ko kasi ng malaman ko ang number nya, I can't explain what I'm feeling right now, all I know is I love this feeling.

Sa wakas nalaman ko na rin ang name nya, Eunice, what a beautiful name, it suits her perfectly. Isama mo pa yung pumayag syang makipagdate sa kin, I mean friendly date.

Pero kahit na at least I have this chance to get to know her. This year is gonna be a great year, because of her. I need to thank my parents for making me transfer here.

Eunice's POV

Hindi ko talaga mapigilan ang pagngiti. There's something about him na nakapagpapangiti sa kin. Even the mere presence of him, makes me feel excited.

Hanggang sa nakarating ako sa office ng principal na di pa rin nawawala yung ngiti ko sa mukha.

Tok.. Tok... Tok

"Come in" so pumasok na ko sa office at nakita si Madam Principal na nagsusulat ng whatever na sinusulat ng isang principal xD

"Pinatawag kita dito Ms. Perez kasi may gusto akong ipatour sayong bagong estudyante, and he's my pamangkin so treat him well. I already texted him, and he's on his way"

"Sige po Maam. Ano po bang pangalan nya?"

"Si Luke Mendes, and don't worry, mabait na bata yang si Luke so I'm sure na di ka mahihirapan"

Tok... Tok... Tok

"Come in Luke" pumasok na si Luke at nagulat ako na si Luke ay yung gwapong Luke na nakabangga ko kanina. Swerte ko nga naman.

"Hi Tita, sorry kung medyo natagalan kasi-"

Napatingin sya sa kin, nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya, pero napalitan agad ng malapad na ngiti.

"Fancy meeting you here, Eunice. So your my tour guide huh?" sabay ngiti nya sa kin.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Madam Principal

"Yes tita, she's the reason kung bakit medyo natagalan ako sa pagpunta dito, kung alam ko lang na dito din sya pupunta, edi sana naisabay ko sya sa kin" sabay wink sa kin.

"So you two better be going, I have other things to do"

"Thanks Tita, for giving me a beautiful tour guide" sabay wink ulit sa kin.

Napapansin ko madalas ang pagkindat nitong Luke na to sa kin. Nako kung di lang talaga sya gwapo.

"Alis na po kami Madam at baka makaabala pa po namin kayo"

Nauna na kong lumabas at nakita ko namang sumunod na sya sa kin.

Humarap ako kay Luke at nagbuntong hininga. "So saan mo gustong simulang maglibot?"

Remembering YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt