Chapter 17

0 0 0
                                    

Eunice's POV

Ngayon na ang araw ng pag-alis nila Charm at Paul Jay. Nandito kami sa kotse ni Paul Jay, kasama rin si Charm, sinabi ko kasi kay Paul Jay na isabay na namin tutal sabay naman yung flight nila.

Di ko nga alam kung bakit sabay yung flight nila. Tapos nung tinanong ko naman si Charm, baka coincidence lang daw. Feeling ko talaga may hindi sinasabi sa kin si Charm, pero hinayaan ko na lang, kapag handa na sya, sasabihin niya rin sa kin kung ano man yun.

Di rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa airport. At ito na nga yung oras na magpapaalam kami sa isa't-isa. Kaya ito na naman yung mga luha ko, parang gripo walang tigil sa pagtulo.

"Wifey, yan ka naman. Di ba napag-usapan na natin na wag ka ng iiyak. Mas mahihirapan akong umalis kapag umiiyak ka. Baka magbago pa yung isip ko at suwayin ko na lang sila Papa." sabi ni Paul Jay habang pinupunasan yung mga luha ko.

"Sorry hubby, di ko kasi mapigilan. Bakit ba naman kasi sabay pa kayong aalis? Bakit iiwan nyo kong dalawa? Paano na ko? Mag-isa na lang ako dito."

"Ano ba naman yan friend, parang kami lang yung kaibigan mo sa school. Pwede ka namang sumama na lang kala Lily at Alisa. We used to hang out with them, nung hindi pa kayo ni Paul Jay. Ikaw lang naman yung medyo naging aloof nung naging kayo na ni Paul Jay. Idagdag mo pa yung nagkaboyfriend rin si Lily." bukod kay Charm si Lily at Alisa ay yung mga pinakaclose kung mga kaibigan. Bago kasi maging kami ni Paul Jay kaming apat talaga yung magkakasama, kaya lang nagkaboyfriend nga ako, pati rin si Lily kaya medyo di na rin kami masyadong nakakapag-usap.

"Oo na di na iiyak. Basta wag mo kong kalimutan Charm. Baka naman maghanap ka ng bagong bestfriend dun, papatayin talaga kita kapag nangyari yun. Try ko ring dumalaw sa inyo kapag pinayagan ako nila Mommy." tapos niyakap ko sya.

"Syempre di ako maghahanap ng ibang bestfriend, ikaw lang kaya ang nag-iisang bestfriend ko sa buong mundo. Wag mo rin akong ipagpapalit kay Lily o kay Alisa."

"Tama na yan Charm, ako naman ang magpapaalam kay Eunice." singit ni Paul Jay.

Kaya humarap naman ako kay Paul Jay.

"Ikaw Wifey, ingatan mo yung sarili mo. Wag kang masyadong mag-iiyak. Wag kang magpapagutom, wag kang masyadong magpapakapagod, wag kang magpupuyat. Kapag naman uuwi ka, sumabay ka na lang kala Lily o Alisa, o kaya naman magpasundo ka sa driver nyo. Basta wag mong papabayaan yung sarili mo. Tandaan mong mahal na mahal kita Eunice, yun ang wag na wag mong kakalimutan." tumulo na yung luha nya ng sinabi niya yun.

"Ikaw rin Hubby wag mo rin papabayaan ang sarili mo dun. At mahal na mahal na mahal din kita Paul Jay."

"Please let me kiss you Eunice, it will probably my last kiss from you"

Di na ko sumagot at hinalikan ko na lang sya. It was a long, passionate kiss. Sa pamamagitan ng halik na yun ay naipakita namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa.

"I love you very much Eunice. I'm so sorry. Hindi mo alam kung gaano na kalaki ang kasalanan ko sayo. And now, I'm letting you go because I know na mas sasaya ka sa piling niya. Sana mapatawad mo ko kapag nalaman mo na ang lahat."

"Ano bang sinasabi mo Paul Jay? Di ko maintindihan." naguguluhan talaga ako. Bakit siya nagsosorry?

"Sasabihin ko din sayo ang lahat kapag okay na ang lahat Eunice. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

Di ko na lang pinansin yung ibang sinabi ni Paul Jay. "I love you too Paul Jay. I will miss you"

"Tama na yan, Paul Jay, lilipad na daw yung eroplano, baka maiwan pa tayo. Bilis, halika na.

Paano ba yan friend, aalis na kami baka maiwan pa kami. Bye!" tapos hinila na niya paalis si Paul Jay.

Ang hirap pala pagmasdan yung dalawang taong mahal mo na umaalis. Pakiramdam ko may parte ng puso ko na nawala.

Nagpahatid na ko sa driver ko para umuwi at habang nasa kotse ay hindi ko na napigilang umiyak.

Hindi ko na alam kung paano na yung buhay ko ngayon. Masyado na kong nasanay na nandyan sa tabi ko sila Charm at Paul Jay. Pakiramdam ko tuloy mag-isa na ko ngayon.

Remembering YouWhere stories live. Discover now