Chapter 12

8 0 0
                                    

Luke's POV

After talking to Charm, I went home with a big smile on my face. I just can't believe na yung hinahanap kong babae at ang kinababaliwan kong babae ngayon, ay iisa.

That means na hindi ko na kailangang pigilan ang nararamdaman ko para kay Eunice. Dahil unang una pa lang ay mahal ko na sya. Siya ang babaeng minahal ko noon, at mamahalin ko pa rin hanggang ngayon.

Kaya pala nung una ko palang siyang makita, pamilyar yung mukha at boses nya. Matagal ko na pala siyang kilala.

Posible bang ibigin mo ulit yung isang tao sa pangalawang pagkakataon? Parang ganun kasi yung nangyari.

Nakalimutan man ng isip ko si Eunice, hinding hindi naman sya makakalimutan ng puso ko.

Don't worry Eunice, gagawin ko ang lahat, maalala mo lang ako. I will never ever give up on us.

I will make sure that you will be mine again, Eunice Ashley Perez.


Eunice's POV

Nagising ako dahil narinig kong nagriring yung phone ko. Agad ko tong kinuha ng hindi tinitignan kung sino yung tumatawag.

"Hello. Sino to?" may narinig naman akong tumawa, base sa boses nito, si Paul Jay nga.

"Good Morning Wifey. Nagising ka ba sa tawag ko? Sorry, gusto lang sana kitang ayain magdate ngayon."

"Hindi, okay lang Hubby. Sige, sure hubby, saan ba tayo magdadate? Gusto mo kita na lang tayo dun?" napangiti naman ako kasi may date kami ni Paul Jay, medyo matagal na din kasi kaming di nakakapag date kasi nung summer vacation nasa Bataan ako. Kaya ngayon lang ulit kami nagkaroon ng time para magdate.

"Sunduin na lang kita dyan sa bahay nyo wifey, para makapagpaalam ako kay Tita Angel. Mga 10 siguro nandyan na ko." tinignan ko naman kung anong oras na at nakita kong 9:20 na pala.

"Sure. Sige bye na hubby, para makapaghanda na rin ako. See you later na lang."

"Ok, bye wifey. I love you" at binaba nya na yung tawag. Di man lang ako nakapag- I love you too. *pout*

Bumangon na ko at dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay naghanap na ng damit.

Pinili ko na lang yung kulay violet na off shoulders na blouse ko and jeans.

Pagkatapos kong magbihis ay humarap na ko sa malaki kong salamin. Nagblower lang ako ng buhok tapos kinulot ko. Tapos naglagay na rin ako ng blush on, maskara at lip gloss. Sinuot ko na rin yung hikaw na regalo sa kin ni Paul Jay, simple lang syang silver na hikaw (di ako maexplain yung itsura basta silver xD). Pagkatapos kong isuot yung black na doll shoes ko ay bumaba na ko. Nakita ko rin na saktong 10 na.

Pagkababa ko ay nakita ko si Mommy na nagluluto ng breakfast.

"Good morning Mommy"

"May date kayo ni Paul Jay anak? So di ka na kakain ng breakfast?" tanong ni mommy sa kin.

"Di ko pa po alam kung saan kami pupunta ngayon, padating na rin yun Mommy" sakto naman na may kumatok na sa pinto.

Binuksan ko agad yung pinto at nakita ko si Paul Jay na may sa lang bouquet of roses.

"Good Morning Wifey, roses and chocolate for you" syempre di mawawala yung goya na binibigay nya sa kin araw-araw.

"Good Morning din Hubby and thank you for the roses and the chocolate." tapos niyakap ko sya.

Pinapasok ko na sya sa loob at agad naman syang bumati ng 'good morning'.

"Good Morning Paul Jay. Ano bang balak nyo ngayon sa date nyo? Dito ba kayo mag-aagahan?" tanong naman ni Mommy kay Paul Jay.

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon