Chapter 14

2 0 0
                                    

Eunice's POV

"I'M SO EXCITED!! FRIEND!!!! PUPUNTA TAYONG BORACAY!!!"

yan yung sumalubong sa kin pagpasok ko pa lang ng room. Nababaliw na naman tong si Charm, sabagay medyo nakakaexcite naman talaga magbeach. Medyo matagal na rin nung huling beses kaming nag-outing kasi naman busy sila Mommy sa business nila, at kadalasan out of the country yun.

"Hindi ka ba excited Eunice?? Pupunta tayo ng Bora, ibig sabihin nun, HOT GUYS WITH ABS!!!! Sigurado akong maraming gwapo at hunk na guys sa Bora, mabubusog talaga yung mga mata natin." baliw talaga tong si Charm, parang ang tagal ng hindi nakakakita ng lalaki. Pinagtitinginan na siya ng mga classmates namin.

"Hinaan mo nga yung boses mo Charm. Ang lakas masyado ng boses mo. Calm down Charm, alam kong excited ka pero hindi naman kailangan ipagsigawan mo sa buong classroom na abs lang ang habol mo sa Bora" mukhang natauhan naman siya at hininaan na yung boses niya.

"Sorry naman, nadala lang ng sobrang excitement. Alam ko namang excited ka rin makita yung hubby mo without a shirt on. Alam ko naman kasing hanggang kiss lang kayo nun. Ayiieee!! Excited syang makita yung abs ng hubby nya" natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga Charm kung anu-anong yang iniisip mo. May respeto sa kin si Paul Jay, naiintindihan nyang di pa ko ready sa mga ganung bagay. At di rin sya makakasama dahil malapit na yung laban nila, alam mo namang team captain yun kaya hindi siya pwedeng mawala sa mga practice nila."

Nakita naman namin na pumasok na si Mrs. Gaffes kaya naman umayos na ng upo si Charm.

"Good Morning class. Pinapatawag nga pala lahat ng kasama sa outing sa next week, pumunta na kayo sa principal's office, hinihintay na kayo ni Mrs. Steinfield (principal) dun.

Pagdating namin sa principal's office medyo marami ng estudyante, maingay rin, halatang excited talaga sila sa magaganap na outing.

Bigla namang pumasok si Mrs. Steinfield kaya tumahimik na lahat.

"Good morning students, alam nyo naman siguro kung bakit kayo nandito. Tungkol ito sa outing na gaganapin next week sa Boracay. Ito ay prize lang ng school sa mga top students ng bawat department. And dahil last year nyo na din to sa school na to. One week in Boracay, pero kailangan nyong gumawa ng essay about sa mga activities na gagawin natin dun. Pakipirmahan na lang sa mga magulang nyo yung waivers na ibibigay ko sa inyo ngayon. Kailangan na yan bukas, para malaman kung ilan ba yung makakasama. That's all, go back to your rooms."

Lumabas na kami ni Charm ng principal's office. Ito namang si Charm sobrang laki ng ngiti, parang mapupunit na yung mukha nya.

"Hoy!! Charm tigilan mo nga yung kakangiti ng ganyan mukha kang baliw."

"Sorry naman, di ko mapigilan, excited lang talaga ako. Eunice, shopping tayo mamaya ng swim suits. Kailangan tayo ang pinakamaganda at pinakasexy sa lahat ng babae dun. Kailangan kong makaattract ng mga hot at yummy na guys sa bora, kulang ako sa love life." tinawanan ko na lang yung sinabi nya.

Hanggang sa may marinig akong sumisigaw "EU!! Wait for me, hoy Charm!!"

Tinignan ko naman kung sino yung sumisigaw at nagulat ako ng makita ko si Patrick na papalapit sa min.

Tumakbo naman ako sa kanya at niyakap sya. Narinig ko namang tumawa sya "Mukhang namiss mo na talaga ako Eu (pronunciation ng Eu ay "Yu")"

Humiwalay na ko sa pagkakayakap ko sa kanya kasi pinagtitinginan na kami "Oo naman Pat, ang tagal na kaya kitang hindi nakikita. Kailan ka pa nakauwi? Bakit di mo sa kin sinabi para nasundo kita sa airport"

"Kahapon lang, di ko sinabi kasi I want to surprise you. I miss you Eu." tapos niyakap nya ulit ako.

"I miss you too, Pat." tsaka nya lang napansin si Charm.

Remembering YouWhere stories live. Discover now