Chapter 54

55.4K 1.6K 396
                                    

|Happy 840+k reads.|



Chapter 54: Dead End



Ms. Louise's POV


"Time to separate." Napaayos na ako ng tayo nang marinig ko iyon sa earpiece. Kanina pa kaming naglalakad dahil napagplanuhan na maglakad na lamang instead of riding in our cars. Masyasdong agaw atensyon iyon at tiyak na sasalubungin kami kaya naglakad kami hanggang makarating dito. I scanned the area. Nakatago lang kami dito sa isang puno na may konting layo na lang sa pinakalikod na gate ng mansion. Kaunti lang rin naman ang bantay so I'm quite sure na makakapasok kami ng madali.



"Empress, North Wing was bombed. Nakapwesto na po ang lahat at tanging utos na lang po ninyo ang hinihintay." We all heard on the earpiece line. It was the Head of the Assasins. Natahimik kaming anim at hinihintay magsalita si Empress. Maski ang earpiece line sa Crystals, Chapters, Lily Gang at sa dalawang myembro ng Bloddamen Gang ay tahimik pa rin mula kanina. The last voice we heard was from Cresantine. Napapikit pa ako ng mariin ng maalala iyon.



"Be safe everyone. See you."



See you. It was just two words pero hindi malinaw. Pwedeng see you para mamaya or see you kapag nagkita pa ang lahat. Hindi na rin naman ako naasa pa. Isang katangahan ang isipin na walang nangyayaring masama sa kanila. This is a war. At sa isang laban, isa lang ang mananalo. But we'll be sure of one thing. Hindi kami. Hindi kami ang matatalo.



"Attack now."



Agad akong naalarma. That's the sign. Nagkatanguan kami ni Fred at bumaling kaming lahat ng tingin kay Empress.



"We got only one plan. Stay alive and just kill them." She coldly stated while staring at us. Bahagya ko pang naiba ang tingin ko. I'm not comfortable with her eyes. It's hella fuchsia.



Nabalik lang ako sa realidad nang hinila na ako ni Fred habang tumatakbo. Nakita ko na din ang iba na tumakbo sa ibang direksyon at doon umakyat sa pader. While Empress, nakasunod lang siya sa amin. Mukhang gusto niyang pagbuksan pa namin siya ng gate. This hot headed lady. Psh.



I eyed Fred at mukhang kuhado rin niya ang nasa isip ko. Agad niyang tiningnan ang gawi ng sa gate. Habang ako, I just found myself staring at his sword. Hawak niya ngayon ang isang Dadao. It is a development of dao sword. He still got his sword until now. Same old man. I guess.



"Don't stare at it. Ayaw mo na ba ng binigay mo dati sa akin?" Biglang sabat ni Fred na ikinatingin ko sa kanya ng masama. He's bringing the past back na sobra namang imposible na. And yes, I am the one who bought that for him. It was my anniversary gift for him. 

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon