Chapter 55

60.5K 1.6K 418
                                    

Happy 902+k reads.

Chapter 55: Last Stand


Third Person's POV


"Where is she?" Habol hiningang tanong ng babae sa kasama niyang lalaki habang hinuhugot nito ang raper nya na nakabaon sa tiyan ng isang lalaki.



"I don't kn--" Hindi pa man natatapos ang sagot ng lalaki ay agad na itong naputol dahil sa sigaw ng babae.



"Damn it Fred! I told you to keep an eye on her!"


"Shut up Louise. You'll never stop the fact that she can be killed by---"


"Shut up. Don't dare tell that." Sigaw ni Louise na siyang bumalot sa katahimikan nilang dalawa. Napapaligiran sila ng mga bangkay at maski sila ay may mga galos, sugat at pasa na din. Nang segundong iyon lang natapos ang kanilang pakikipaglaban na siyang nakapagpawala ng pagmamasid nila kay Empress.



"Fine. Let's find her." Biglang naimutawi ni Fred bilang pambasag sa katahimikan at nagsimula na itong maglakad paalis. Habang si Louise naman ay napabuntong hininga na lang muna bago sumunod dito.


"Is she okay?"



Napatigil si Klaio sa pagakay kay Jeena gamit ang kanan niyang braso nang marinig niya ang sinabi nito. Napaisip siya sa tanong na iyon. Maski siya, hindi niya rin alam ang sagot.




"Malalaman natin kung mahahanap natin sya agad. So wag kang magpabigat." Iyon na lang ang naisagot ni Klaio at nagsimula na muling maglakad habang akay si Jeena na siyang ikinairap na lang nito.




"Btch. Bakit hindi mo pa sabihin na takot kang mawala ang Empress?" Napatingin saglit si Klaio kay Jeena. Hindi niya alam ang dapat gawin pa dito para patahimikin ang bibig nito. Tila naaasar na siya sa tanong pero mas nangingibabaw sa kanya ang sagutin ang mga tanong nito.



"No, I wasn't. Mas takot akong mawalan ng kaibigan."


Sa sagot na iyon ni Klaio ay napatahimik si Jeena na biglang ikinaramdam ng simpatya ni Klaio nang maalala ang nangyari kani-kanina lang.



"You really treat her as your bestfriend. It's obvious. Kaya wag mong gayahin ang katangahan ko. I lost my bestfriends just because I'm weak. Ikaw, malakas ka. So do save her. Tandaan mo, may sisingilin pa ako sa kanya." Bulong ni Jeena na kahit man mahina ay narinig pa rin ni Klaio dahil sa sobrang lapit ng kanilang distansya.



Napailing na lang ng bahagya si Klaio sa ugali ni Jeena na akala mo'y hindi nauubusan ng dugo. Alam niya ang ibigsabihin ni Jeena. Gusto man niyang sabihin ang lahat, hindi niya magawa dahil kailanman ay ayaw niyang pangunahan si Fuschia. Pero sa mga sinabi ni Jeena, hindi nya rin magawang mapakali.




"I'm strong. Yes. But now, I'm tired. Mukhang hindi na magagawa ng katawan ko ang makipagpatayan pa. And if it's about saving her life. I'm only rooting for one person who can save her from these." Sagot ni Klaio na ikinatingin ni Jeena sa kanya ng seryoso.



"Sino? Is it Ethan?" Napatingin bigla si Klaio sa sinabi ni Jeena at napaisip kung nakaabot nga ba si Ethan. Pero maalala man niya ang pangalan ni Ethan ay hindi na nagbago ang taong pinagkakatiwalaan niya ng buhay ni Fuschia sa oras na iyon.


EMPIRE HIGHWhere stories live. Discover now