Chapter 13

109K 3.4K 429
                                    


Chapter 13: Clash




Third Person's POV



Natahimik ang lahat nang lumakad sa gitna ng arena ang apat na babaeng nakahoodie. Buong atensyon ng lahat ay napunta sa kanila lalo nang mapansin nilang nasa tabi nila ang announcer sa Underground.



"Tonight, let's witness a rare battle. The challenger, Bloddamen Gang." Buong takang pumapalakpak ang lahat nang marinig nila ang anunsyo. Bihirang maganap na ang mismong Bloddamen Gang ang nagyaya ng laban kaya lahat sila ay sabik kung sino ang hinahamon nila.



"And their chosen challenge, Graveyard Gang."



Ang mas lalong maingay na mga manunuod ay lalong umingay nang marinig kung sino ang kalaban. Habang ang apat na lalaking kararating lang ay bahagyang nagulat pero naglakad na din sa gitna. Ang himig ng pagiging mataas nila ay umindayog dahil sa kanilang paglalakad nang walang suot na maskara. Kilala ang grupo nila at kahit na ganoon pa man ay hindi lumalabas ang kanilang sikreto tungkol dito. Ilang segundo lang nang tumunog ang hudyat bilang senyales na simula na ang laban pero napuno ng katahimikan ang buong paligid dahil sa tensyong pumapalibot sa lahat habang tinitingnan ang walong tao sa gitna ng arena.



Kapwa nagpapakiramdaman ang dalawang grupo kung sino ang mauunang umatake dahil ni isa ay walang gumagalaw sa kanilang mga pwesto. Pero nagiba ang ihip ng hangin na siyang ikinagulat ng lahat dahil sa sabay na pagatake ng dalawang grupo. Ang kaninang nakatumpok na dalawang grupo ay nahati bilang apat at tila nagkaroon ng kanya kanyang dwelo ang walo.



"The playboy of the group, Knight."



"I'll take it as a compliment Ripper Lady." Sagot ng kaharap nitong lalaki. Kasabay ng makahulugang pagngiti nila sa isa't isa ay ang sabay din nilang pagatake sa isa't isa.



Pareho nilang sinalag ang suntok ng bawat isa. Muling nagpakawala ng suntok ang lalaking si Knight habang inilagan naman ito ni Ripper. Agad bumawi ang babae at akmang papatirin niya sa paa ang kalaban gamit ang kanyang biti ngunit tumalon agad si Knight kasabay ng sipa na ikinagulong ni Ripper sa sahig. Muli naman agad siyang tumayo at kinuha ang balanse na siyang ginamit na oras ni Knight para suntukin siya na hindi agad maiilagan ni Ripper kaya imbes na umiwas siya ay sinambot ng kamay niya ang suntok nito. Sambot ang suntok ay hinaklit niya ang kamao ni Knight na nagpalapit ng katawan nito sa kanya. At gamit ang kanang tuhod niya ay malakas niyang tinuhod si Knight sa sikmura ng isang beses na agad ikinapilipit nito sa sahig.



"Still can't hack it Clone?" Nangaasar na tanong ng isa pang babae sa kaharap niyang lalaki.



"As if you already hacked our files completely, Mare." Napawi ang ngiti sa labi ni Mare n sa sagot ni Clone na siyang ikinangiti naman niya.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon