Chapter 11

115K 3.6K 543
                                    


Chapter 11: Formality




Jeena's POV



"Basta kung ano mang ikakapahamak mo. Hindi ako sangayon Jeena."



Napailing na lang ako sa sagot sa akin ni Hera. Nagpapaalam ako tungkol sa pagalis ko muna sa eskwelahan. My parents requested a consent from the Dean about this. Syempre, suportado ako ng magulang ko sa aking plano pagkatapos nilang malaman ang nangyari sa loob ng eskwelahan.



"I told you. We're flying to Japan for business matters Hera." Giit kong sagot sa kanya na ikinatango na nga lang niya sa akin. Hindi ko alam kung naniniwala ba talaga si Hera sa aking palusot pero nagpatuloy na siya sa kanyang pagkain. Lunch time na at wala na si Fuschia. Rinig namin mula sa ibang estudyante na lumabas daw ng eskwelahan si Fuschia na sundo ng isang magarang sasakyan. Remembering her being excuse by the spokesperson ay mukhang mahalagang lakad nga ang pinuntahan ni Fuschia. Pero mukhang mas naging maugong ang pangalan niya dahil sa nangyari. Batid na takot man sila ay mas lalo silang nahihiwagaan sa pagkatao niya.



"Jeena!" Agad akong napatingin kay Hera na itinuturo ng hawak niyang chopsticks ang aking telepono na nasa vibrate mode. Agad akong tumayo at lumayo sa aming mesa.



"Pinal na ba ang desisyon mo?"



Bigla kong naalala ang mga pangyayari. Ang pagatake nina Levi. Ang laban na namagitan sa kanila ni Fuschia. Ang pagsakal niya sa akin. Ang estudyanteng lalaki sa puno. Wala sa sarili akong napahawak sa aking tagiliran kung saan ako nasugatan. Mariin akong napapikit at bago pa ako nagmulat ng mata ay huminga ako ng malalim saka sinagot ang tawag. I've finally decided.



"Yes. I'm willing to have my training."




Satan's POV


"We'll always be with you Bloody E." Lukot ang mukha niya nang hinarap ako. At doon ko lang napansin ang kanyang kasuotan. Is she disguising as a nerd? Well, she's nailing it.



"You wouldn't like being with me in hell Satan." Napatayo ako ng ayos sa sinabi niya. Parang sinabi na din niya na nasa hukay na muli kami ngayon.



"I can bear with it Bloody E. I'm Satan remember? But still you're the Empress of it." She just stared for me at a while bago niya inalis ang kanyang paningin sa akin at tumalikod na. Nang makarating siya sa mismong pinto ay saka muli siyang nagsalita.



"If all of you will stay, make sure to distance yourselves from me. Act like you never know me." Nakalabas na siya ng pintuan nang mabalik ako sa aking ulirat. Agad kong kinuha ang telepono sa aking bulsa at tinawagan ang isang numero.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon