Chapter 14

108K 3.5K 229
                                    

Chapter 14: Article




Blairre's/Mare's POV



Tinalon namin ang mataas na pader ng Empire High. Mukhang sa buong eskwelahan ay iyon na ang pinakamataas at maaaring dahil ito ang may daan palabas. Ilang lakad lang naman namin ay may napara kaming taxi at agad kaming nakasakay.



"Ipapark ko lang po ito mga Mam dito sa isang gilid." Magalang na saad ng taxi driver na ikinatango namin sa kanya bago pa kami bumaba ng sasakyan.



"Havens." Basa ko sa arko habang dumaan kami sa gate. May gwardiya pa rin naman dito kahit gabi na pero sa totoo lang ay nakakatakot ang katahimikan at kadiliman habang naglalakad kami. Bawat kanto ay may mga ilaw sa poste pero ang daan naming tinatahak ay minsan may ilaw at minsan ay wala. Napatigil nalang kami sa paglalakad nang tumigil na din maglakad si Fuschia. Ilang segundo lang siyang nakatigil hanggang sa lumapit siya sa isang lapida. Pagkahaplos niya dito ay naupo siya sa damuhan habang nakakrus ang dalawang binti. Maya maya din ay naupo din si Klaio sa kanyang likuran na may ilang kalayuan na amin ding sinundan ng pagupo.



Nanatili kaming tatlo sa likudan niya at pinapanuod siya. Tahimik lang siya nakatitig sa lapida hanggang sa tumayo siya na ikinatayo namin. Muli siyang naglakad na ikinasunod namin ng tahimik. Malayo pa lang ang nagiisang lapida na alam kong lalapitan niya ay natigil na siya sa katayuan niya at dali daling naglakad paalis. Napabaling ang tingin ko kay Klaio na nahuli kong napabuntong hininga ng malalim.



"It does still hurts for her." Napatango na lang ako sa kanyang minutawi. Kahit ako, masasaktan at masasaktan sa nangyari. Hindi ko rin kakayanin ang may mawalang mga mahalagang tao sa aking buhay sa parehong araw.



Sumunod na rin ako sa paglalakad nila hanggang sa makasakay kami muli sa taxi na sinakyan namin kanina. Katulad nang ginawa namin kanina, muli naming tinalon ang mataas na pader ng eskwelahan. We are trained so well na ang ganitong bagay sa amin ay simple lang. Nang makatawid kaming lahat sa loob ay naglakad na kami ng patago sa dormitoryo. May ilan mang naglilibot na gwardiya ay hindi pa rin kami nahuli. Nang makarating kami sa aming palapag ay saka kami napabuntong hininga. Tabi tabi lang aming silid na amin mismong isinuhwestiyon, pero parehong may isang silid na agwat sa amin ni Fuschia. Sa kaliwang bahagi ako at katabi ko din ang silid ni Lexine. Habang si Klaio naman ay nasa kanang bahagi na may isang agwat din na silid mula sa silid ni Fuschia.



"Thank you girls." Bahagya pa akong napatigil sa biglang pagsasalita ni Fuschia. Agad akong lumingon sa may pintuan niya pero pumasok na din siya agad. Nagkatinginan pa kaming tatlo nina Klaio bago nagtanguan at pumasok sa kanya kanyang silid.



Masyadong mahaba ang buong maghapon at maski ang gabi ngayon ay tila nadagdagan ng oras dahil sa mga pangyayari. I need a rest.



"Ms. Fuschia." Napalingon kaming lahat kay Fuschia na mukhang hindi rin narinig ang pagtawag sa kanya ng guro. "Fuschia!" At sa pangalawang tawag ay sumigaw na ang Prof na tila nagpagising sa kanya. Pinihit niya lang ang kanyang ulo sa unahang direkyon kung nasaan ang guro. Nasigawan siya ng Prof dahil kahit sino man ay makikitang hindi siya nakikinig. Mula kanina pang umaga ay ganyan na siya. Ni hindi niya kami kinikibo at maski ang pagkain na kinuha namin para sa kanya ay hindi niya nagalaw. Kanina pa rin siyang walang atensyon sa buong klase na ngayon lang pinansin ng nagtuturo.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon