Part 2 - Meeting her in person

8.3K 273 6
                                    

Astrid's POV:

Next school day. "Astrid!" Sigaw ni Jojo. "May tournament ngayon ng taekwondo. Manuod tayo."

Naalala kong ngayon yung laban ng iba't ibang schools sa mismong Aerole High, bakit hindi, eh sa ganda ng mga facilities nila, lalo na ang stadium nila, yeah! Stadium! Kaya nga mahal mag aral dun eh, they have everything.

"Wala akong pamasahe."

Ang totoo nagkukuripot lang ako para ilibre ni Jojo.

"Hay, libre na kita! Lagi ka naman eh."

Ngumiti ako sa kanya sabay kapit sa braso niya. "Sige tara na! Baka wala na tayong mapwestuhan dun."

Wala si Mich kasi pumunta silang mall ng family niya so kami lang ni Jojo.

Gwapo din naman to, pero never kaming nagtinginan sa iba na parang may something, tabipa kaming natutulog pag camping kasama si Mich pero wala kaming ma-feel. Ganun lang talaga siguro pag kasama mong lumaki. Childhood friend ko din si Jojo pero mas nauna si Mich ng 3 years, kaya nga si Mich ang bestfriend ko, pareho din kaming babae, we can share everything, si Jojo pag minsan lang namin kasama, busy din kasi sa negosyo nila ng parents niya, meron silang restaurant, mayaman din si Jojo, pero he kept a low profile, ayaw niyang mapansin dahil mayaman siya, lalong ayaw niyang mag aral sa Aerole, pasosyal lang daw dun.

2nd time ko ng makakapunta sa Aerole, nung first ay yung may tour ang school namin at kasama ang Aerole sa mga binisita namin, manghang mangha na ako noon pa, bukod nga sa facilities, meron din silang malawak na park kung saan pwede kang humiga at magpahinga, meron din silang isang napakalaking canteen, sa sobrang sosyal at laki, mas mukha na siyang five star restaurant. Madaming types ng dishes para sa iba't ibang lahi na nag aaral dun, may pang vegetarian din, maraming side dishes at professional chefs ang mga taga luto. Lahat din ng students dun ay naka kotse, wala akong nakita na dumating ng nakasakay sa jeep o kung ano man, basta kotse, may mga naka limousine pa nga eh. Ang dami ding gwapo at maganda, naipon na ata sa kanila, dahil siguro mapepera naalagaan ang mga sarili, yung iba sa plastic surgery. Buti nalang ako, kahit simple lang, likas na talagang maganda. :)

Pag dating namin sa Aerole, madami na ngang tao as expected.

"San tayo?"

"May aalis din jn, sisingit tayo." Sabi naman ni Jojo.

Hinawakan niya ako sa kamay na siyang ikinagulat ko. Tapos nun, hinila niya ako, may nakita na pala siyang pwedeng singitan.

Sa sobrang ilang, bumitaw ako sa kanya, di naman niya ito pinansin.

Nagsimula na ang competition. Ang gagaling ng mga naglalaro, madami ang katawang macho! Akala mo lalaki pag nakatalikod. Nakakatakot masipa ng mga to, tatalsik ang ulo mo.

Medyo nahihirapan na ako sa pwesto ko kaya nagsabi ako kay Jojo na pupunta muna akong cr, ayaw sana niya akong paalisin kasi mawawalan ako ng pwesto, pero talagang nakakapagod makipag siksikan. Di na ako babalik, itetxt ko nalang siya kung san ako magpapahinga.

May nakita akong isang stall na nagtitinda ng hotdog. Bumili ako ng isa at tubig, nakakagutom eh.

Sarap na sarap ako sa bawat kagat ng hotdog habang nakaupo sa isang bench di kalayuan sa crowd na nanunuod ng laban.

Nakaramdam bigla ako na parang may nakatitig sa akin. Lumingon ako sa opposite direction ng crowd at nakita ang isang babaeng nakasuot ng puting damit na may tali ng itim na belt sa beywang. Seryoso siyang nakatingin kaya napatitig lang din ako sa kanya.

Dun ko lang din nalaman na kamukha niya yung Clarette na nabasa ko sa Forbes.

Hindi ito nagsalita at bigla nalang umalis.

Medyo laglag ang panga ko sa ganda nito, sobrang ganda niya lalo sa personal, ang hot din niya, hindi malaki ang katawan niya tulad ng ibang players, pero makikita mo sa curves na na may itinatagong sexy abs ito.

Seryoso, biglang umandar ang kalokohan ng isip ko, kahit hindi dapat, naglaro siya sa imahinasyon ko. Sobrang ganda at hot niya grabe!

Sa totoo lang, ginusto ko mang bumalik sa pwesto ko para mapanuod siya, di ko na magawa, sobrang crowded na lalo nung magsimula ng mag laro ang mga hotties ng Aerole, kasama na yung Clarette.

Naisip ko tuloy bigla yung kaganapan kanina. Sobrang nakaka concious ang mga tingin niyang yun, i felt like she was seizing me.

"Astrid!"

Nakinig kong sigaw ng isang boses lalaki.

"San ka ba nagsususuot?! Kanina pa kita hinahanap! Umalis alis ka pa kasi sa pwesto mo eh."

"Ang init kaya! Tsaka ang baho nung katabi ko!"

Wala naman itong nagawa.

"Tara na, uwi na tayo, wala namang klase dahil sa tournament."

"Sige."

Umuwi na ako. Syempre yung babaeng yun pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko talaga siya makalimutan, parang may gusto akong gawin, hindi ko lang malaman kung ano. I want to see her again soon.

___________________________

Claire's POV:

Napangiti ako bigla ng maalala ko ang isang babaeng kumakain ng hotdog na parang ngayon lang nakatikim nun, i kept my straight face pero ang totoo, tawang-tawa na ako on the inside. Nang humarap siya sakin, may kakaiba... Bumilis ang tibok ng puso ko, para akong kinabahan at napalunok na parang mahihirinan, pero hindi ko ipinahalata, i acted cool and perfect nung layasan ko siya.

She's pretty though.

"Are you okay Claire?" Tanong ni Liza.

"What do you think?!" Galit kong tanong dito. "Ikaw kayang masipa sa mukha! Nalusutan ako eh, magkakapasa pa ako."

"Anong gusto mong gawin natin sa kanya?" Tanong ni Suzy na parang susugod.

"Wala, i just wanna go home and take a rest."

After that, pinaandar na din nila ang kotse para makauwi na kami, natalo ko naman yung pangit na yun kahit nasipa ako sa mukha, syempre ako nanaman ang champion. Straight 3 years, ako lagi ang champion, i'm unbeatable, felt proud for a minute kahit umay na ako.

Pag uwi ko, naligo na muna ako sa warm water sa bathub ko. Gusto kong mag relax muna bago magbihis.

Di ko namalayang 1 oras na pala akong naka dip dito dahil siguro sa pagod na din, bago pa ako makatulog sa bathtub ay umahon na ako para magbihis at matulog na talaga.

Bago ako pumikit para matulog, naalala ko nanaman ang mukha nung babae habang takang nakatitig siya sken, napangiti nanaman ako, kaya nakatulog akong ganun ang itsura.

See you in my dreams.

___________________________

Please subscribe and keep reading :)

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now