Part 8 - Living with her

6.7K 248 6
                                    

"Sir Roy, I don't feel safe here anymore, ang dami po kasing nagalit saken nung iligtas ko si Claire. They want me gone."

"I'm sorry for being in this position dahil lang niligtas mo ang anak ko, dahil jn, payag akong sa bahay ka na tumira, tulad nga ng sabi mo, magkasundo naman kayo ni Claire."

"Maraming salamat po sir Roy." Ngiting tagumpay.

"No, salamat Astrid."

After ng usapan namin, grabeng kapal ng mukha kong pinakiusap kong sa bahay nila tumira dahil sa death threats na pineke namin, katulong ko sila Liza at Marcus dun syempre.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Binalita ko na din kanila Liza na lilipat na ako, sobrang happy sila. Syempre gusto din naman talaga naming magbago si Claire. Yeah, i started calling her Claire now, para mas mukhang close kami.

Pag dating ko sa kanila, may sumalubong ng katulong saken.

Siya yung katulong kahapon na kinausap ko.

"Welcome Miss Astrid!" Nakangiting bati ng katulong.

"Thank you po."

"Ako po pala si Cora, call me Cora for short."

"Ikaw talaga Cora. Wala namang pinagkaiba yun."

"Joke lang maam. Sure ka na po ba talagang lilipat ka dito?"

"Oo naman po, bakit?"

"Wala naman maam. Hatid ko na po kayo sa room niyo."

Pag pasok ko sa bahay, amazed pa din ako, as always. Tumuloy na kami sa taas, binuksan ng katulong yung pinto ng kwarto katabi ng kay Claire, tanda ko yun yung pinasukan ko kahapon.

Bago pa ako pumasok, lumabas si Claire mula sa kwarto niya.

"What are you up to bitch?"

"Kasi po madaming gusto pumatay sakin kasi tinulungan ko yung serial killer."

"Hinahamon mo talaga ako no?"

"Yes. And i'm more than ready."

Umirap ito at tumalikod, sabay pasok ulit sa kwarto niya.

"Hello hell..." Bulong ko.

"Anong sabi mo pa maam?"

"Ah wala." Sabay pasok sa kwarto.

Nagpahinga na muna ako bago nag linis ng katawan. Nagbihis ako ng isang mini dress, kailangan din naman paminsan-minsan. Oh baka naman may gusto ka lang papansinan! What no? Mahaderang isip ka ha.

Lumabas na ako para mag dinner. Bilis ng oras.

"Si Claire po?"

"Ah maam, nagpahatid lang ng pagkain sa kwarto niya eh."

Yun talagang babaeng yun, noon na ayaw kong makita ang pagmumukha niya, tsaka sumusulpot, ngayon namang gusto ko siyang makita, tsaka naman nagtatago.

Natapos na akong kumain. Gabi na lang at tutulog na, ayoko namang masayang yung suot kong dress, ngayon na nga lang. Kumuha ako ng microwavable popcorn at hinanda ito, nilagay ko sa isang bowl at inayos ang sarili ko.

Kumatok muna syempre ako bago pumasok.

"What the hell?! You should stop entering my room!"

Nakahiga na ito at nanunuod ng t.v.

"You should start locking it din siguro para hindi na ako nakakapasok."

"Get out!" Sigaw nito sa akin.

I'm Inlove with a MonsterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant