Part 25 - THE END

7.1K 219 101
                                    

Claire's POV:

"I want to take you to the doctor my dad knows. He's a very good doctor. He will take care of you." Suggestion saken ni Astrid.

"Astrid, I've been to US, great doctors have tried, but nothing worked. The cancer is spreading, and they can't stop it."

"Why does it seem na parang sumusuko ka na?"

Nakita ko ang nangingilid nanamang luha nito. Kaya ayokong malaman niya, seeing her like this makes me more weak. I can't see her like this, lalo na at wala akong magawa para sa kalungkutan niya. Whatever I do,  it will hurt her. Pero hindi ko din kaya na hindi ko siya makita, na iwanan nalang siya ng ganun.

"I'm not. Surrendering is different from accepting."

Natahimik ito.

"Astrid..." Hinawakan ko siya sa pisngi niya. Bahagya itong humalik sa palad ko at tuluyan ng umiyak.

"Please Astrid, don't cry. I love you, please know that."

"I-i know.... A-and I don't want to l-lose you." Hirap na itong mag salita dahil sa pag iyak niya.

I try to contain my tears, ayokong makita niya akong mahina dahil mas malulungkot ito.

"Why did you have to leave without telling me the truth?" Tanong nito matapos magpunas ng mga luha niya.

"Ayokong masaktan ka."

"Pero nasaktan din ako nung umalis ka."

"Pero knowing that you'll hate me, mas madali mo akong makakalimutan."

"Pero nag medication ka. Hindi ka naman mamamatay!" Medyo may galit na sa tono nito.

"That's what I'm hoping for. Babalik akong magaling and hihingi ng tawad sayo. If not, it still won't hurt you, kasi nakalimutan mo na ako sa mga panahong hindi ako gumaling."

"That's unfair Claire. Inisip mo ba ako? Inisip mo din ba na sa mga oras na yun, gusto kitang alagaan? Na mas gugustuhin kong makasama kita palagi?!"

Umiyak nanaman ito.

"You're a cry baby Astrid." Tinawanan ko ito ng bahagya.

Medyo kumalma na ulit ito.

"I'm sorry okay? Can you forgive me?" Sabi ko dito.

"I love you so much Claire. So much that I'll die for you." Seryoso nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Astrid."

"Let's go."

"Where are we going?" Takang tanong ko.

"Just get up and sumakay ka dito." Turo niya sa wheelchair sa tabi ng kama ko.

Dinala niya ako sa labas ng bahay namin and isinakay sa kotse niya.

"Where are we going?"

Hindi ito nagsasalita.

Pumarada ito sa flower shop na kailan lang niya binuksan.

Matapos niya akong intindihin mapaupo ulit sa wheelchair, ipinasok na niya ako sa loob ng store.

"You have lovely flowers." Sabi ko dito.

Hindi pa din ito nagsasalita. I've never seen her like this.

Oo natatakot ako, seeing her, it scares me, kahit tanggap ko na, nung makita ko si Astrid, natakot ako sa kahahantungan ko. I'm scared to die because of you Astrid.

Dinala niya ako sa pinaka loob ng store. Nagulat ako sa nakita ko, nasa likod lang ng store ang greenhouse na pinagtataniman ng mga bulaklak nito, napakaganda ng mga bulaklak, at napakarami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now