Part 16 - Some things are not meant to be

6.1K 220 13
                                    

Ang sarap ng gising ko, feeling ko lumulutang ako, pag tingin ko pa sa tabi ko, natutulog si Claire. What to do now? Ayokong i-reject si Claire, hindi ko kaya.

Nagising na din si Claire, ang laki ng ngiti niya, hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis at pumuntang c.r. Nagpaalam na din muna ako na pupuntang kabilang kwarto, syempre nag kulitan muna kami bago umalis.

Laking gulat ko ng makita sa dulo ng hallway yung matandang Guanzon.

Naglakad ako papasok sa kwarto ko ng magsalita ito.

"So nakapili ka na kung anong gusto mo, gagawin ko na din kung anong gusto ko."

"Ano po bang kasalanan ko sa inyo?" Naiiyak na tanong ko dito. Natatakot kasi talaga ako sa pwedeng gawin niya.

"Don't you realize what you'll cause? Shame! Sa family na ito, bukod sa pareho kayong babae, san ka lang ba galing? I know Claire, pag gusto niya, hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ito. Since you gave her hope, what else can happen?"

"Pero i have the purest intentions." Pag e-explain ko dito.

"I don't need good deeds, it can't make you money, it'll just bury you to your grave. Kaya being nice on not hurting her feelings, will cause you pain."

Hindi ko alam kung kanino tatakbo, kung anong gagawin ko. Hihintayin ko nalang ba kung anong masamang gagawin ng matandang yun? Para lang akong naghihintay na mabitay, tapos hindi ko alam kung sa paanong paraan, lethal injections ba o hanging, o kaya electric chair. Ganung ganun ang nararamdaman ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

I got a call that night. "Nak..."

She seems bothered. Nag aalala tuloy ako. "Anong problema ma?"

"N-nasa tita mo ako ngayon, may ano kasi..."

"Ano yun ma?"

"Kasi ano..."

Naiirita na ako sa pagpapaliguy-ligoy niya.

"Ma ano ba kasi ang problema?!"

Nadinig ko nalang na umiyak na si mama. "Nasunog yung bahay natin anak, wala akong nailabas, naubos lahat ng gamit natin."

Sobrang nabigla ako, parang ayokong maniwala, yun nalang ang meron kaming ari-arian, tapos nasunog pa! "Anong nangyari ma?! Nasaan ka?"

Syempre nag alala din ako kay mama.

"Anak, nakanila ate Mila mo ako, pinatuloy muna nila ako pansamantala.  Pasalamat nga ako sa kanila, tinulungan nila akong makalabas, pinapakain pa nila ako, pero anak, hiyang-hiya na ako."

"Kelan nangyari yan?!"

"Kagabi anak, di lang ako nakatawag agad kasi kinailangan ko pang mang hiram ng cellphone, di ko din kasi naisalba yung phone ko. Anak pasensya na, hindi ko din kasi alam ang pinag mulan ng sunog, baka short circuit daw."

"Bakit ka nag so-sorry ma? Di mo naman ginusto yan. Uuwi na ako mamaya."

"Anak wag! Kaya ko ang sarili ko, ayusin mo lang ang pag aaral mo jn."

"Ano ka ba ma, may naipon po ako sa mga allowance na binibigay ni Mr. Guanzon saken, para sana sa pagpapatayo ng negosyo natin, pero mas kailangan mo siya ngayon para may matuluyan ka, mag tatrabaho din ako para makaraos tayo, kaya natin to okay?"

"Sorry talaga anak, ayokong mahirapan ka pero wala na talaga akong huhugutin pang pera, kasama ng nasunog yung ipon natin anak."

Umiyak ulit ito, kahit ako naiiyak na din, pero hindi ko ipinahalata kay mama sa boses, ayokong pati ako dumagdag sa problema niya, mabuti na yung matapang ako para sa kanya.

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now