Part 19 - Can't fight this feeling anymore

7.2K 261 21
                                    

Astrid's POV:

Nauna na ako sa kanilang pumunta ng room, as usual nagpunta muna silang powder room para mag retouch. Nadatnan ko naman si Claire na nakatingin mula sa bintanan. Yung likod palang diyosa na! Shit.

Pero bukod dun, sobrang lakas niyang mang hatak, para siyang magnet, di ko mapigilan ang sarili kong maglakad papunta sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip niya kasi hindi nito naramdaman ang paglapit ko.

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili kong yakapin ito.

It felt really good. Akala ko itutulak niya ako, pero hinawakan pa niya ang mga kamay ko, humilig din ito ng kaunti sa ulo kong nakasubsob sa leeg niya. Naramdaman kong paharap ito ng biglang madinig ko ang palapit na mga tao.

Nag panic ako. Umatras ako at umupo. Hindi ko lang alam kung ano dapat ang gawin, naisipan ko nalang talagang umatras, hindi sa takot ako na makita ng iba, para din naman sa kanya ang iniisip ko.

"Astrid. Anong nangyari?"

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"C'mon sis, you were alone with Claire."

"Nothing happened." Pagsisinungaling ko.

"Wala nga. Hindi naman kami nag usap."

Totoo naman yun, hindi kami nakapag usap kasi dumating agad sila.

Tapos na ang mahapong klase, nauna ng umalis sila Claire at ang squad niya, kasabay ko naman si Liza. Gusto ko sanang habulin si Claire kaso kasama niya friends niya eh.

"Sis, let's go?"

Luminga linga muna ako. "Hmmm, wait lang."

"Sis, umalis na sila, kanina pa, nakita ko yung kotse ni Claire, kasama sila Suzy."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot, di manlang ako naisipang hintayin.. napaisip naman ako. Tapos ano? Ha Astrid?! Nga nga!

Sumakay nalang din ako para makauwi na kami.

Nakarating na kami sa bahay.

"Mommy you're home!" Sigaw ni Liza, niyakap niya pa ito. Ganun din naman ako.

Si daddy naman ang wala, may inasikaso sa business niya.

May mga pasalubong si mommy na tinapay at matamisin, di naman ako mahilig dun, pero si Liza kahit alam kong diet ngayon, aba at nauna ng kumuha ng pili tart.

Nagpaalam na akong aakyat na ng kwarto, gusto ko na kasing humiga at magpahinga.

Nakahiga na ako at nakatulala ng maalala ko yung nangyari kanina, yung sarap ng pakiramdam na yakap yakap ko siya. Gusto ko siyang halikan, i even want to make love with her again, i miss her touch.

Nakatulog ako sa pag iisip na yun. Maaga tuloy akong nagising kinabukasan. 4 am pa lang gising na ako, pag nagising kasi ako, hirap na ulit akong makatulog kaya nag jogging nalang ako. After ng jogging, gising na sila pag balik ko, still early para mag prepare for school.

I'm all set! Gusto kong ma-attract si Claire kaya i tried my best para maging appealing sa paningin niya.

Syempre kailangan naka uniform so bumawi ako sa hair and make-up. I put the lightest yet seducing make-up, yung buhok ko, medyo ginulo ko, yung parang malapit ng maging lion ang dating, pero yung tipong nakaka-higit ng paningin ng madadaanan mo, that type of sex material type of person.

Pagbaba ko ng hagdan, bagsak ang panga ni Liza.

"Sis, ang gulo ng itsura mo."

Bigla naman akong sumimangot.

I'm Inlove with a MonsterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu