Part 4 - I knew u were trouble

6.8K 240 0
                                    

"Ma, mag iingat ka dito ah? Tatawagan mo ako lagi."

Ngumiti si mama. "Ako dapat nagsasabi sayo niyan anak." Dikit kasi talaga ako kay mama, as in super close kami.

"Eh kasi naman ma, mami-miss kita!" Umiiyak na ako. Tapos niyapos ko siya.

"Bibisitahin nalang kita anak, wag kang mag alala." Niyapos ako ni mama ng mahigpit.

"I love you anak. Take care."

"I love you too ma." Sabay kiss ako sa cheeks niya.

Kanina pa nasa labas yung sundo ko na kotse, pinasundo kasi ako ni Mr. Guanzon.

Sumakay na ako sa kotse ng mabigat ang paa, medyo malungkot pero excited din at the same time.

Tulog ako buong biyahe, di kasi ako nakatulog sa pag iisip kagabi. Una kaming pumunta sa condominium, para daw makapag pahinga muna ako, mamaya pa namang hapon kami magkikita.

Pag dating namin sa condo na binigay sken, sobra akong nagulat, ang laki! Akala ko yung simpleng unit lang, yung maliit lang na space na kumpleto din naman sa gamit, pero hindi. Nakakalula ang laki, meron din itong pang royal style, very elegant, full of gold or yellowish colors everywhere, may chandelier din na sobrang liwanag. Napunta ako sa kitchen, kumpleto lahat ng gamit, ang ganda din nang designs nito.

"Sir, isn't this too much?" He smiled.

"It is not, you saved her daughter's life, so you deserve the best."

Di na ulit ako nagsalita at nagtungo naman kami sa kwarto ko, meron ding iba pang kwarto dito, para sa guests.

"This is your room Miss Pedragoza."

He pointed at the most majestic room i have ever seen in my whole life.

I walked in slowly, sobrang amazed ako.

I can't contain my happiness pero pinilit kong itago. Nakakahiya kaya.

"Thank you so much po sa lahat ng ito." Sabi ko habang nakaupo na kami sa sala.

"Hindi naman sa akin galing lahat ng to. Makikilala mo na din siya mamaya, para sa kanya ka na makapag pasalamat ng personal."

"Salamat pa din po, sa pag iintindi sa akin dito at sa pag sama niyo. Thank you po."

"Trabaho ko ito. So i will be leaving now. 2 pm ang dating ng sundo mo Miss Pedragoza."

Tumayo na ito at nag offer ng shakehand. Inabot ko naman ito.

"Thank you po ulit."

Pag alis niya, biglang lumawak yug ngiti ko, yung sobrang tuwa na kanina ko pa tinatago. Napa-hayyy nalang ako.

Tinawagan ko agad si mama. Kinuwento ko ang itsura ng buong condo, sobrang natutuwa din siya para sa akin. Dahil maagap pa naman, natulog muna ako ng mga ilang oras.

Nag alarm ang phone ko. Oras na para mag ayos, pupuntahan ko pa si Mr. Guanzon. Excited na ako.

Naligo na ako at nag bihis, hindi naman ako mahilig sa dress kaya pantalon at polo lang ang suot ko. Isang black skinny pants na tinernuhan ko ng blue loose polo shirt at white na vans.

Ready to go na ako. Saktong may nag doorbell.

"Miss Pedragoza, are you ready?" Sabi ni Sir Eduard.

"Okay na po sir."

"Eduard nalang. So let's go?"

Tumango ako at pinasunod na niya ako.

___________________________

Gusto daw ni Mr. Guanzon na sa bahay nalang nila ako kausapin para mas personal daw.

Ang laki ng bahay nila, napaka modernized nito, may fountain pa sa gitna ng entrance, paikot ang daanan ng sasakyan papunta sa front door. This is like heaven. Napapalibutan ito ng mga halaman at ng pantay na mga damo, parang ang sarap mag picnic kahit dito sa labas.

Dumiretso na kami sa loob. At lalo akong namangha, kung anong modern ng labas, mas lalo sa loob, actually napapalibutan ng glass walls ang labas, wala kang makikita sa loob, pero pag nasa loob ka na, kita mo na ang labas, tinted kasi. May malaking chandelier sa sala, at ang lawak nito. Pinaupo muna ako sa couch at sinabing tatawagin muna daw si Mr. Guanzon.

Naisip ko nalang, sa yaman naman talaga nila, barya lang yung itinutulong nila sa akin.

Isang lalaking hindi pa gaano katanda na mukhang nasa early 50's ang bumaba mula sa napaka eleganteng hagdan. Mukha siyang hari sa paningin ko, naloloka na ata ako. Hahaha. Infairness, kahit medyo may edad na e ang gwapo pa din nito.

Bago pa ako nagsalita, hinawakan na agad nito ang kamay ko at nagpapasalamat.

"I'm so happy to meet you, at sobrang pasasalamat ko sa ginawa mo sa princess ko."

Princess ba yun? Mukha namang barumbado, sinipa nga at bumagsak yung lalaki eh. Ngumiti nalang ako at sumasangayon dito.

"Walang anuman po yon. Kahit naman po sino na makakita ay malamang. tutulong."

"No, walang naglakas ng loob tumulong, may mga tao pa na nakakita sa inyo, pero ikaw lang ang lumapit at naglakas ng loob, inihara mo pa ang sarili mo na pwedeng ikimatay mo. Kaya naman you deserve the best."

"H-."

Bago pa ako makapagsalita, isang babae ang biglang sumingit sa usapan namin.

"Dad, i told you, hindi mo na kailangang gawin yan, sadyang pakielamera lang naman siya eh, kaya ko naman ang sarili ko, para san pa daddy at naging black belter ako?"

Bigla naman itong umirap.

Wait.... Black belter? Guanzon? Teka! Kaya pala familiar ang mukha nung babaeng yun at yung last name nila, siya yung babae na nakita ko sa magazine ng forbes, yung 8th richest tong babae na to sa Asia at siya din yung babaeng nakita kong nakatingin sa akin nung pumunta ako ng Aerole. Bigla akong napanganga at hindi makapaniwalang kaharap ko ulit siya.

"Princess, alam ko, pero hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mo ang sarili mo, tulad niyan, madaming lalaki yun, sa laki ng mga katawan nila, kaya ka nilang patumbahin, kung hindi siya dumating, baka napano ka na. Hindi ka manlang ba thankful na someone just risked her life for you?"

"Not at all dad. Akyat na ako." She looked at me once again, ngayon from head to toe.

I never felt so small in my whole life, pero nilakasan ko nalang ang loob ko, mas mataas naman talaga sila, kahit sabihin nating lahat ng tao ay pantay-pantay, may mga tao din namang nagmamataas at kayang iparamdam sayo kung gaano ka kaliit sa mundong ito.

"Mr. Guanzon, I am so thankful sa lahat ng itinutulong niyo sa akin, pero hindi ko naman po ako humingi ng kahit anong kapalit sa ginawa ko."

"I'm sorry hija, medyo nag iba lang kasi ang ugali niya simula nung mawala ang mommy niya, masyado ko din na-spoiled palibhasa nag iisa. Pero gusto kong ibigay lahat ng pwede kong itulong bilang pasasalamat, please, tanggapin mo naman sana ang offer ko sa iyo."

Hindi katulad ng daddy niya yung Clarette, kung anong amo ng mukha ng daddy niya siyang tapang naman ng mukha ng anak, gnun din sa ugali, pero tulad nga nag sabi nito, nagbago lang daw ang ugali niya ng mawala ang mommy nito, so iintindihin ko nalang.

Kahit na minaliit ako ng anak niya dahil maliit naman talaga ako, tinanggap ko pa din ang offer nila, para na din sa mama ko.

Hindi ko natandaan agad ang mukha niya kasi sa tuwing makikita ko siya, iba iba ang itsura niya, nung una, sa internet, nakangiti ito sa picture, pangalawa sa school nila, mukha namang maamong tupa na snober, ngayon dito sa kanila, matapobreng galit ang itsura nito, pero ngayon, tingin ko di ko na siya malilimutan. Maganda sana, masama lang talaga ang ugali.

___________________________

Keep reading guys :))

I'm Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now